MITCH' P O V " Kumain na tayo, nagugutom na ko! " natatawang sambit ni Dexter sa akin sabay himas sa tapat ng kan'yang sikmura. Pagkarating namin sa condo unit ni Daxton, nag- take out na nga lamang kami sa isang restaurant. " Bakit hindi ka pa ba kumakain? " nagtatakang usisa ko naman, isinasalin na namin sa mga plato ang ulam na ni- take out nga namin. " Hindi pa! Ang daming trabaho ni Bossing eh! Palipat- lipat kami ng kumpanya. " wika naman n'ya " 'Di ba sa TV Station lang naman ang kumpanya n'ya? " kunot ang noong tanong ko ulit, CEO na kasi s'ya roon tapos may iba pa ba s'yang mina- manage? Eh, ang hirap kayang humawak ng maraming tao tapos mga sikat pa. Ano naman kaya ang ibang business pa nito? " Oo! Pero mayroon pang isa, iyong restaurant n'ya. " saad nito kaya nagulat ak

