KUNDISYON

1901 Words
MITCH' P O V " Boss! Nandito na kami! " mahinang tawag ni Dexter, isinungaw lang n'ya ang ulo sa naka- awang na pinto, na tant'ya ko ay silid tulugan ng kan'yang amo. Maya- maya lamang ay umalis na ito roon at isinarado na ang pinto, hindi naman namin narinig ng taong kausap n'ya. " Tara rito sa kusina, mag- snacks muan raw tayo at hindi pa s'ya tapos magbihis. " aya n'ya sa amin at tinungo na n'ya ang kusina. Nag- aatubili pa nga akong sumunod dahil hindi pa naman kami masyadong close ni Sir Daxton, kahit na ba kilala n'ya ang aking mga magulang ay nakaka- hiya pa rin na mag- feeling at home kami. Kung dito man lang sana sa living area kami kakain ng merienda at ayos lang. " Oh! Hindi pa kayo kumakain? Let's go to the kitchen, " magiliw na aya sa amin ni Sir Daxton nang lumabas s'ya ng silid, halatang bagong paligo kaya fresh tingnan samantalang kami ni Josie ay mukhang Hagardo Versoza na. Nanuot tuloy sa ilong ko ang ginamit n'yang pabango. Natigilan naman ako dahil ang gwapo n'ya ngayon na bagong shave ang beard and mustache n'ya. " Besh! Tara na! Tom Jones na ko! " bulong naman ng kaibigan ko kaya nabaling ako ng tingin sa kan'ya, hindi na nga pala namin nakuhang kumain no'ng break time namin dahil sa rami ng assignmet, kaya nakakaramdam na rin ako ng kalam ng sikmura dahil sa gutom. " Iwanan n'yo na lang iyang bag at ibang gamit n'yo sa sofa para makakain na tayo, early dinner na rin, para makapag- usap na tayo at hindi kayo gabihin sa daan. " utos ulit ni Sir Dax at paliwanag na rin. Kaya naman ibinaba na nga namin ni Josie ang gamit namin sa school at tinungo ang kitchen. Hindi ko lamang alam kung makakain ako ng maayos kapag naalala ko kung ano ang sadya namin rito. Ilang sandali nga ay sabay- sabay na kaming kumakain na apat, Early dinner na nga itong nakahain na pizza, carbonara at fried chicken na may inuming malamig na iced tea. Hinuha ko ay ni- order lamang nila ito dahil sa pangalan ng pizza na nasa box. Tahimik naman kaming kumakain at marami akong nakain kaysa sa ina alala ko. Masarap kasi lahat ang mga foods tapos panay lagay ni Sir Dax ng pagkain sa pinggan ko kapag nakikita n'yang kakaunti na lamang ang ang laman niyon. Kami kasi ang magkatabi nasa kanan ko si Josie at katabi naman n'ya si Dexter. " Ay! Ako na! Bisita kayo rito, hindi utusan! " agaw ni Dexter sa amin ng plato na aming pinag- kainan. Balak kasi naming ilagay iyon sa lababo. " Hayaan mo na sila riyang dalawa, rito tayo sa balcony para makapag usap na tayo. " wika ni Sir Dax sa akin, kaya binitawan ko naman ang pinggan na ginamit ko tsaka kiming tumango naman ako sa kan'ya. Bumaling muna ako kay Josie, nakiki- simpatya rin naman ang naging tingin n'ya sa akin. Na tila sinasabing nand'yan lang s'ya at handa n'ya akong tulungan kung magkakaruon man ng problema. Pilit lamang na ngiti ang naging tugon ko sa kan'ya na tila nagkaka intindihan na kami sa aming mga tingin lamang. Nagsalin muna s'ya ng juice sa baso namin pareho tsaka s'ya ang nag bitbit at inaya ako nga ako sa balcony ng kan'yang condo. Ibinaba n'ya pareho ang baso namin sa glass table na naroon, tsaka s'ya lumapit sa grill na harang ng balcony at tumingin sa palibot na pawang mga building din naman. Umupo lamang ako sa silya kahit hindi n'ya sabihin, nanginginig na kasi ang mga tuhod ko dahil sa nerbyos. Pinag- diskitahan ko na lamang ang aking mga daliring nanlalamig sa aking kandungan. Minsan at umiinom ako ng juice para hindi matuyo ang aking lalamunan kakalunok ko ng sariling laway. Ilang minuto na kasi ang nakaka- lipas ay hindi pa rin nagsasalita si Sir Dax. Hanggang sa napa- singhap ako at napigil ko ang aking paghinga nang humarap s'ya sa akin habang naka sandal ang likod sa grill na bakal. Kinuha n'ya ang kan'yang baso idinireto iyon sa bibig n'ya para maka inom. Tila naman gustong magwala ng aking mga lamang loob sa lakas ng kabog ng aking dibdib nang titigan n'ya ako pagkatapos n'yang uminom ng iced tea. Matagal din kaming nagka titigan, tila sinusukat kung sino sa aming dalawa ang bibigay at susuko. Ngunit, habang naka tingin ako sa kan'ya ay tila iba ang kan'yang pagkatao sa naka- usap ko kahapon sa opisina ng kanilang kumpanya. O dahil sandali lamang kami nagka usap tapos puro problema pa ang nasa isipan ko kahapon kaya ngayon ko lamang napag- masdan si Sir Dax ng matagal. Tsaka bagong shave nga kasi s'ya kaya mas kita ang makinis n'yang pangahang mukha. " Ehem! " malakas nitong tikhim kaya naman napa- pitlag ako sabay kurap ng mga mata. Palihim din akong napa- buga ng hangin, dahil hindi ko na kayang magpigil pa ng pag hinga. " Ahm! " tila nag- aatubili pa s'yang sabihin ang magiging set up daw namin samantalang s'ya naman itong may nais niyon. Narinig ko ring humugot s'ya ng malalim na buntong hininga na tila nahihirapan din sabihin ang kan'yang kundisyon sa pagkaka bayad sa aking tuition fee. Maya- maya lamang ay nag salita na s'ya at ini- elaborate n'yang mabuti ang nais mangyari sa amin. Habang iniisa- isa ang mga kundisyunes ay nahihigit ko na naman ang aking paghinga. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba s'ya o nagbibiro lamang at ni- te- testing n'ya ako. Gusto ko pang matawa sa ni- wika n'yang pabor daw sa akin iyong kan'yang ina- alok. Nakapag- investigate na pala ito ng tungkol sa akin. Kaya nga nalaman n'ya kung saan ako nakatira at solo lamang na namumuhay. Pati nga hindi ko pagkakaroon ng boyfriend ay alam n'ya. Lahat yata ng tungkol sa akin ay alam na nito kaya tila confident s'yang papayag ako sa sinasabi n'yang set up. Naisip ko lamang ay waring puro pabor lamang sa kan'ya ang kan'yang isiniwalat na mga detalye. " Paano ang girlfriend mo? " wika ko pa after n'yang ipahayag ang magiging set up daw namin. " Huh!? Sinong Nobya!? " kunot ang noong balik n'yang tanong, umirap lamang ako sabay halukipkip. Ganoon ba talaga ang mga lalake? Kapag nag sawa sa aming mga babae ay hahanap ng bago at waring takot na sila sa commitment? Ayoko pa namang may umiyak na babae ng dahil sa akin, mas gusto ko kasing ako na lamang ang masaktan kaysa ako ang maka- panakit ng kapwa babae. Martir na kung martir pero iyon kasi ang aking prinsipyo o paniniwala. Ang galing magkaila samantalang kitang- kita ng dalawang mga mata ko kung paano n'ya isubsub ang ulo ng Nobya n'ya sa kan'yang harapan. Kaya kitang- kita ko rin kung ano kalaki ang kan'yang jumbo hotdog. Tila nga ako ang nangawit sa panga ng Nobya n'ya dahil sa taba niyon. Sapantaha ko nga ay hindi iyon kakasya sa bibig kong maliit lamang. Ipinilig ko lamang ang aking ulo dahil malayo na ang narating ng aking isipan. At bakit sa ganoong scene na- focus ang aking atensyon? " Do you have a choice, Ms. Torres? " seryosong tanong n'ya, nang hindi pa rin ako pumapayag sa nais n'ya. Napalunok ulit ako ng sariling laway dahil sa nerbyos, wala nga naman akong magagawa. Paano kung bawiin n'ya ang ibinayad n'ya kanina? Paano na lamang ako? Alam ko namang wala na akong mapag- kukunan ng ibabayad kahit account closed na ang aking bank account. Ayoko naman nang lumapit sa mga kamag- anak namin, dahil mula nang umalis ako sa poder nila ay kahit minsan ay hindi man lang nila naisipan akong kumustahin. Kahit ang mga pinsan kong sosyal ay tila kinalimutan na rin ako. Kung sabagay, sila ngang dugo't laman ko ay iba ang treatment sa akin, ito pa kayang kaharap ko hindi ko naman talaga kaano- ano? " What!? Kumakalat na ang dilim sa labas, ipapa hatid ko na lamang kayo kay Dexter. " untag ulit n'ya sa akin kaya napa- kurap na naman ako ng mga mata. Talaga bang on the spot akong sasagot ngayon? Hindi ba pwedeng bukas o sa ibang araw? Grabe naman kasi, twenty four hours ko pa lang s'yang nakikilala ay marami nang nangyari sa buhay ko. Tapos mamadaliin n'ya akong sumagot? Hindi naman exam ang tinatanong n'ya na kapag nagkamali ay pwedeng mag- retake. Buhay at dignidad ko ang naka- salalay sa magiging sagot ko kaya hindi pwedeng magpa- dalos dalos. " P- Pwede po bang p- pag- isipan ko muna hanggang b- bukas? " nauutal ko namang tugon, kinabahan na naman ako at baka hindi pumayag ay bawiin n'ya ang perang ibinayad kanina sa aming University? Problema ko na naman iyon kung sakali. Ilang minuto muna s'yang tumitig sa akin, nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko dahil sa takot. Nakita ko pang tiningnan n'ya ang mga iyon bago s'ya humugot ng malalim na buntong hininga tsaka tumango. Umiwas na s'ya nang tingin sa akin. " Fine! Until tomorrow only! Wala nang extension, paano ko malalaman ang sagot mo? " saad n'ya na tila nagtitimpi lamang ng galit o ano dahil nakita ko pang napa- tiim bagang s'ya. " P- Pwede pong after class ulit? M- May e- exam po kasi kami bukas. T- Tatawagan na po lang k- kita. " kiming saad ko na mangiyak- ngiyak na ako dahil sa nerbyos at takot. " Okay! " tipid n'yang tugon, nakita ko pang kinuha n'ya ang cellphone n'yang may tatak na mansanas sa likod at nag- dial doon. " Pinag- ring ko ang phone mo, paki- save na lang ang number ko, hihintayin ko ang tawag mo bukas. " walang kangiti- ngiting sambit n'ya " O- Opo! " kinakabahan pa ring tugon ko " Ihatid na namin kayo ni Dexter. " saad n'ya kaya nangunot ang aking noo, sinabi n'ya kasi kaninang ang Driver lamang ang maghahatid sa amin tapos ngayon ay sasama pala s'ya. Hindi na lamang ako kumibo at pumasok na kami sa loob ng condo, nakita pa naming busy sa pakikipag tawanan ang kaibigan ko sa Driver nitong katabi ko. Natigilan naman sila nang makita nila kami. " Tara na! Ihatid na natin sila at gabi na. " aya nito sa Driver kaya kinuha na namin ni Josie ang aming mga gamit na inilapag namin sa sofa kanina at sumunod sa kan'ya sa may pinto. " Sige po, Boss! " tugon naman nito at nagpa huli na s'ya nang labas sa amin. Wala nang nagsalita sa amin kahit noong nakasakay na kami sa elevator at bumi byahe. Una naming inihatid si Josie, mauuna naman kasing dadatnan ang bahay nila kaysa sa akin. Nang makarating naman sa aking apartment ay hindi na ako nagulat kung bakit alam ng Driver. Kung si Sir Dax nga ay alam na rin, ito pa kayang utusan n'ya? Hindi naman na sila bumaba para makapag pahinga raw ako ng maaga. Narinig ko lamang ang ugong ng makina ng sasakay nila nang makapasok ako sa loob ng aking tinitirhan. Kaya nanlulumo na naman akong napa higa sa sofa dahil sa maghapong nagdaan. Pagpikit ko naman ay tila flashback na ipinakita sa balintataw ko ang mga kaganapan sa maghapon. Hanggang sa dalawin na ulit ako ng antok, dahil siguro sa pagod na isipan at katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD