A year ago, nakikipaglaro lang ako sa mga batang kapitbahay namin sa Lilay. I was the eldest among the set of friends I have in our neighborhood. Grade 6 ako while ang mga kalaro ko ay either first graders or kinder.
A year ago, nanghiram lang ako ng bike kay Ken dahil nasabik ang batang puso ko sa bike na meron ang mga kaibigan. Within a day, natuto ako kung paano gumamit ng bike. I refused to go home hangga't hindi ko nababalance ang sarili ko. Hapon na ng araw na iyon, nagsisiuwian na ang mga kalaro ko pero i don't want to go home yet because I told myself that I really need to learn how to use that thing.
Ilang beses pa ako sumemplang, nadapa, nasugatan. I even held my sobs and cries dahil masakit talaga ang gasgas sa tuhod at braso ko pero nagpatuloy ako.
When I finally balanced out myself and pedaled the bike on a small slope in the front yard of Ken's house, I smiled and finally let go of the bike for the day.
A year ago, gumigising ako ng alas kwatro ng umaga para magsaing at magluto ng breakfast ko para kumain before going to school. Sa gitna ng pagluluto ng pagkain, mag-iigib ako ng tubig sa poso hindi kalayuan sa bahay namin ni Mama. i will go back and forth to be able to fill the pails. Noong maliit pa ako at hindi pa kaya ng batang braso ko na magbuhat ng Boysen na timba, ang ginagamit ko na pang-igib ay ang maliit na version ng Boysen.
I will always leave the house at exactly 6:15a.m in the morning. Pero minsan hindi rin nasusunod dahil maririnig ko na lang na tawag ni Kuya Boy sa labas ng bahay namin.
"Ineng! Aba'y tara na! Ikaw na lamang hinihintay eh!" sigaw ni Kuya Boy galing sa labas. Agad akong magmamadali kapag ganoon dahil ayokong hinihintay ako at nakakahiya rin sa mga sakay niya sa kanyang di-motor na trolley. Mabuti na lang at tabing-riles lang ang bahay kaya naisasabay ako ni Kuya Boy sa pagpasok. Madalang na lang kasi ang dumadaan na trolley sa pagsapit ng ala-siete, lalo na ang Lilay ay dulo ng daanan ng mga tren at trolley kaya malimit lang ang sasakyan.
A year ago, I was playing with my school friends before going home. Right after ng dismissal around 3pm or 4pm, depende sa tagal ng paglilinis ng room but not later than 5pm, mag-uusap na kami ng mga close friends kung anong pattern ng side ng kamay ang gagawin namin kapag magmamaibang-taya na kami. Or while naglilinis, magbubulungan na kami na bilisan ang paglilinis para makapaglaro na agad kami.
Agad naming ibaba ang bag sa gilid ng kalsada o isasabit sa malapit ng flag pole kung basa ang kalsada para makapaglaro na kami ng napiling laro. Madalas naming nilalaro ang tubig-tubigan o di kaya habulan. It was really fun playing with them every end of class. We were so carefree at walang iniitindi na assignments kinabukasan dahil hindi naman nagbibigay ng assignments ang mga guro namin.
"Sulitin na natin 'to! Last year na naman natin dito sa Ibabang Iyam. Sabi kasi ng Ate ko, mahirap na daw ang math sa first year!" si Ruzzel.
"Ay nga ni! Sabi rin ni Nanay 'yan, aba edi sabi ko ay parang hindi pa mahirap ang math natin ngayon? Bakit kasi pinag-a-add ang fraction? Anong gamit niyan sa pagsusukli?" si Maureen.
Naglalaro kami palagi at sakto rin uuwi ng ala-singko ng hapon. Kapag narinig na namin ang sirena galing sa munisipyo ay paunahan naming kukunin ang mga bag namin at tatakbo ng kaunti habang tatawanan ang mahuhuli na kumuha ng kanyang bag.
School, a year ago, was an escape. It was like a dreamland escape for young people like us.
Hindi ko alam kung dahil ba sa mga kaibigan ko o iyon talaga ang nararamdaman ng mga bawat estudyante tuwing papasok sa paaralan.
A year ago, uuwi ako kay Mama at makikita syang nanonood sa maliit na TV namin sa sala o hindi kaya ay nagluluto ng hapunan namin.
A year ago, kay Mama lang ako umuuwi. Si Mama lang ang sumasalubong sa akin tuwing uuwi galing sa paaralan. Si Mama lang ang nag-aasikaso sa akin sa gabi. Kay Mama lang ako makaririnig ng paghingi ng tawad dahil hindi niya ako naaasikaso tuwing umaga at palagi niyang sinasabi na babawi siya.
Ang hindi niya alam... sapat na sa akin ang bawi na ginagawa niya tuwing uuwi ako. Maghapunan lang kami ng magkasama ay sapat na akin. Tabihan niya lang ako hanggang sa makatulog ako ay sobra sobrang sapat na sa batang ako.
A year ago... and years before, I was genuinely happy. I was feeling the warmth and contentment.
A year later, I opened the door of our small house. Tiningala ko ang isang lalaki na bumungad sa akin. Nakasuot siya ng pang-bodyguard na damit na nakikita ko sa TV***** na pants, itim na long sleeves at may puting damit sa ilalim nito, at may itim din itong necktie. Akala ko mag-isa lang siya ngunit nahagip ng paningin ko ang mga tao pa sa likod niya na nakasuot din ng parehong damit.
Nakaramdam ako ng takot. Ganito 'yung napanood ko sa isang teleserye. Binuksan noong bidang batang babae ang pinto ng bahay nila at agad siyang dinakip ng mga ganitong klaseng lalaki. Nakidnap siya at hiningan ng malaking perang ransom ang magulang.
Mayaman ang magulang noong bata kaya naibigay ang perang hinihingi pero nalaman ng mga kumidnap na humingi ng tulong sa pulis ang knaiyang mga magulang kaya imbes na makalaya na ang bata ay may pinasabog pa na bomba.
May nababalita rin na puting van daw na nangunguha ng mga bata, pero malayo ang kalsada dito sa amin dahil tabing riles at tabing-palayan din ang bahay namin kaya imposibleng makarating ang van sa bahay. Pwera na lang kung trolley ang gamit nila pang-kidnap.
"Ga-"
Pabalya kong sinarado ang pinto sa takot sa mga naiisip kong posibleng mangyari at posibleng gawin sa akin ng mga hindi pamilyar na lalaki.
Walang perang pangransom si Mama. Alam ko 'yon dahil palagi sa akin nababanggit na sapat lang ang perang kinikita niya sa trabaho niya sa bayan sa pang-araw-araw daw namin. At nag-iipon din si Mama pang-college ko daw kahit wala naman na akong balak talaga mag-college dahil pwede na naman daw magtrabaho kahit hanggang high school lang ang natapos mo. Iyon ang sabi ng mga kaibigan ko sa eskwelahan dahil ganoon daw ang kanilang mga kamag-anak.
Kapag nakidnap naman ako ay hindi rin ako makikita na nadukot ng mga lalaking iyon dahil wala ng tao sa riles. Pagabi na kasi at wala na talaga gaanong lumalabas. SIguro ay sisigaw na lang ako para marinig ni Mama o ni Ate Julie, ang kapitbahay namin.
Tumakbo ako sa kusina namin kung nasaan si Mama. Gustong gusto ko umiyak dahil sa mga naiisip pero naunahan na ako ng kaba at takot.
"Ma! May nangkikidnap na kumatok! Na-lock ko na po 'yung pinto!" naiiyak kong sumbong kay Mama.