Chapter 3
“Pwede bang manahimik ka kahit sandali lang, Astrid?! Umagang umaga, talak ka ng talak!”
Napatingin ako sa lalaking na nakaupo sa unahan ng sasakyan, katabi ng driver.
“Well, you have no choice?! And what’s wrong with you? Masama bang ma-excite?” sagot naman nitong katabi ko.
“It’s our first day in high school!” muli siyang bumaling sa akin at sinukbit ang kamay sa braso ko, “I’ll make sure it’ll be memorable for the both of us!”
Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan siyang kumuda sa tabi ko. Binitawan na niya ako pero salita pa rin siya ng salita.
Nasa isang sasakyan kami na nasa labas lang ng condo. Pinauna na akong bumaba ni Mama dahil nag-aayos pa ang tatay ko. Nakakahiya naman daw sa mga pinsan ko na hintayin ako when in fact sila ang hinihintay. She insisted na hayaan na akong pumasok with my cousins but my father dismissed that thought. Maaga pa naman, 6:35am, at 7am pa ang pasok namin.
I am honestly nervous. Hindi ko alam kung halata ba iyon sa mukha ko kaya dinadaldal ako ni Ash o sadyang madaldal lang talaga siya.
“I have Doraemon notebooks! Pinabili ko talaga ‘yon kasi I love Doraemon. Ron said na dapat hindi na ako bumili kasi may required color ng notebooks each subject, depende sa teacher, but anyway, we have money naman so why not.”
“Ang sabihin mo, you like wasting money. Hindi naman sa’yo ‘yun.” Ron butted in.
“So what? You have drum set nga sa bahay, hindi mo naman ginagamit, nagreklamo ba ako? Duh? Drums compared sa notebooks? SSG ka niyan?”
Hindi na nagsalita si Kuya Ron. I took that opportunity to finally speak. Hindi na ako makakapagsalita kapag nag-away sila. “Magkaklase tayo ‘di ba?”
“Yes! Special Science Class B! Sayang, hindi tayo sa A, but that’s okay. I think random grouping na lang naman iyon ng mga nakapasa.” Ash said.
“M-Magpapakilala ba sa unahan?”
Agad siyang napabaling sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay bago binalik ang tingin sa kung ano sa bag niya. “Of course!”
“Paano ka magpapakilala?” Oo, alam ko. Nakakatanga ang tanong ko but I am really nervous!
“Sabi kasi ng mga kaibigan ko sa Lucena, bawal daw sabihin na “Ako nga po pala si” kasi parang sinasabi mo na nakalimutan mo ‘yung pangalan mo.” Tuluyan na niyang binigay ang atensyon niya sa akin. Nahagip din ng paningin ko ang tingin ni Kuya Ron sa salamin na nasa bandang unahan ng sasakyan.
“A-At kapag naman daw “Ako si” o “I am” lang ay masyadong simple. Dapat daw ma-impress mo ‘yung teacher mo.”
“Really? I don’t know that. Tell me more!”
“Ayun lang naman. Baka kasi iba dito sa Maynila.”
“Walang ganoon sa Raja, Gi. As long mapakilala mo sarili mo, okay na. No need to pressure yourself.” Kuya Ron said.
Sabi ni Ash ay Grade 9 na si Kuya Ron at Grade 9 Representative ng SSG. SSC din katulad namin. Noong unang pagkikita namin ay tahimik lang ang magkapatid pero noong inaraw araw nila ang pagbisita sa condo ay halos marindi na ako sa sigawan nila. Kapag tinitingnan ko sila ay parang nagpapasalamat ako na wala akong kapatid.
“Pressure? Bakit ako mapepressure? Sa ganda kong ‘to? Sila ang dapat mapressure!” mayabang na sabi ng katabi ko sabay hawi ng invisible na buhok niya. Required daw kasi na nakabun ang buhok ng mga babae sa Raja.
Simpleng bun lang ang ginawa ni Mama sa buhok ko habang ang buhok naman ni Ash ay parang christmas tree sa dami ng palamuti. May pink na ribbon na nakaipit sa itaas ng bun which matches our skirt at extra pink clips. Pink ang palda namin na may faded white stripes at simpleng white school blouse with baby collar.
“Ikaw ba kausap ko? Talk to my hand.”
Kalaunan ay nakita na namin si Mama at Papa na naglalakad. Kinatok ni Papa ang bintana sa banda ni Kuya Ron.
“Hindi na pala namin kayo maihahatid. May early meeting kami sa opisina. Take care of the girls, Ron. Your Dad also said to take your dinner here. Bet he’ll contact you later for that.”
“Yes po, Tito. Ingat po!” magalang na paalam niya.
“Bye, Tito! Tita! I-gu-guide ko po itong napakahinhin kong pinsan! Don’t worry!” sabi ni Ash nang ibaba niya ang bintana sa side niya.
“Then, the more I should worry for my daughter.” Papa jokingly said bago ako sinilip. “Ingat, anak. Stay with Ash, okay?”
“Huwag ka lang talaga maliligaw, baka hindi ka na makauwi.” natatawang sabi ni Mama.
Napanguso ako pero nagpaalam na rin. Maiksi lang naman ang biyahe dahil malapit lang naman talaga ang condo sa Raja. Hindi kami mismo sa tapat ng gate ng eskwelahan bumaba bagkus ay sa harapan na street nito. Ayaw ipapasok ni Kuya Ron ang sasakyan doon samantalang gusto ni Ash para hindi na daw maglakad. Ending, nag-aaway na naman sila habang naglalakad kami.
“Napakaarte mo! Kanino ka ba nagmana? Eh ang lapit lapit lang ng lalakarin? Wala pang 100 steps yan, Ash!”
“That’s the point! Ang lapit lapit pero ayaw mo pa sa mismong gate bumaba!”
True enough, malapit lang naman talaga. Isang building lang dahil nasa likod ng harapan na building ang eskwela. Wala sa sariling napakapit ako sa bag ni Ash kaya napatingin siya sa akin at sumabay sa lakad ko. Siya na rin mismo ang kumapit sa braso ko habang naglalakad kami sa likod ni Kuya Ron.
“Ang daming tao,” natatawa kong sambit. Bahagyang tumawa rin si Ash pero napatingin ako sa kanya.
“Why? Don’t look at me like that. Maganda ako, yes that's a given, but I am also human. Kinakabahan din ako!”
Pumasok na kami at bumungad sa amin ang dalawang building na may nakalagay na Building A at Building B. Actually, maliit lang ang eskwelahan na ito kumpara sa Quezon High. Not even a quarter of it.
Pagpasok ay nasa harap ang Building B at nasa gilid and Building A. Mas mukhang bago ang Building A, or more like bagong pintura. Makikita rin na ang ilang classroom ay may mga designs ang bintana. Sa gitna naman ang medyo may kalawakan na quadrangle. Kuya Ron already briefed us sa mga tawag sa kung ano dito sa Raja para daw hindi kami tatanga-tanga.
Nasa quadrangle ang mga estudyante. Nakaupo sila sa semento, not minding that their skirts and pants will be dirty. Sa bawat unahan naman ng pila ay nakalagay ang sections. Sinamahan kami ni Kuya Ron sa pila namin bago siya pumunta sa sarili niyang pila.
“Huwag pasaway, Ash, ah. Pagkatunog ng bell, hintayin niyo ako sa room niyo.” iyan lang ang natatandaan ko sa mga sinabi niya. Busy ako tumingin tingin sa paligid.
This is really a whole new level for me and I’m sure for Ash too. Ang sabi ni Mama ay laking mayaman ang magkapatid. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila pero sabi ni Mama ay parang bahay daw iyon ng mga napapanood ko sa TV. Kaya nagtataka ako noong una kung bakit dito sila nag-aaral at mag-aaral kung kaya nila sa mas magandang school.
Hindi alam ni Mama kung bakit ito ang pinili ni Kuya Ron pero si Ash daw ay pinili dito dahil nandito ako. Ayaw daw kasi niya sa mga kaklase niya noong elementary dahil maarte. Medyo kumunot ang noo ko dahil doon.
Hindi nagtagal ay pinatayo na kami at pinapila ng maayos para pumunta sa kanya kanya naming classroom. Pumasok kami sa Building A at may mga nagbabantay na estudyante sa gitna ng hagdan.
Natanaw ko si Kuya Ron na nag-aasists ng mga estudyante pero nanatili ang paningin ko sa lalaking nasa harapan niya.
Tinamaan ako ng kaba.
Madadaanan namin sila.
Mahigpit akong kumapit sa bag ni Ash sa harap ko at yumuko. Tumingin na lang ako sa hagdan na para bang may interesanteng nangyayari sa bawat steps ng hagdanan.
Madaming estudyante kaya hindi agad kami nakaakyat. Paunti-unti lang ang lakad at hakbang namin.
“Keep right po…”
Hindi ko namalayan na nakalapit na pala kami doon sa lalaki. Nanlalaki ang mata kong nag-angat ng tingin.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko.
“Girl, kaunti na lang ipapadala ko na sa’yo ‘tong bag ko. Stop, it’s heavy.” sabi ni Ash. Hindi ko napansin na masyado na pala napahigpit ang kapit ko sa bag niya.
Then, I heard him chuckling.