Chapter 2

1184 Words
Chapter 2 Later that night, I heard my Mama silently crying in her room. I saw her holding a photo book. Alam kong photo book iyon dahil nakita ko na iyon dati pero bago ko mabuksan ay kinuha na sa akin ni Mama. Noong nakita ko siya na umiiyak habang yakap-yakap ang mga photobook, tumatak sa akin ang imahe na iyon ni Mama. That was the first time I saw her crying hard. Nakikita ko naman siyang naluluha kapag may mga achievements ako sa school pero ang makita siya sa ganitong estado ay parang hindi tama sa batang ako. Hindi tamang makita ko. Nakatulog ako noong araw na iyon na umiiyak. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit pa ako nagpadala sa sinasabi ng isip ko. Bakit pa ako nagtanong kung alam ko rin naman na wala akong makukuha na sagot. Siguro dahil akala ko makakakuha na ako ng sagot. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin ko na hindi ko man lang naiisip ang aking ama. I have been wondering where he is all this time. I remember that very specific day in school. It was Family Day and students were supposed to bring their family because there will be an event scheduled for that special day. From what I remembered, Grade 3 ako noon at ako lang ang pumunta sa amin ni Mama. Sinabi ko sa kanya na may meeting sa school at kailangan magsuot ng red t-shirt para malaman na Grade 3 parent siya. I wanted to surprise her but she couldn’t come because of her work. It ended up me going alone and me, just being happy for the family of my classmates and other students. Nakita ko sa araw na iyon kung paano buhatin ang mga kaklase ko ng tatay nila ng may mga ngiti sa kanilang mukha. Nakita ko kung paano sila kumain ng magkakasama. Nakita ko kung paano maging masaya ng may ama sa tabi nila. Sa mga sumunod na taon, hindi na ako pumapasok sa araw na ganoon. Inupo ako ng lalaki sa sofa bago siya lumapit sa iba niya pang kasamahan. Nanatili ang tingin ko sa aking ina na malakas na umiiyak pa ring sa may pinto. Hindi nagtagal ay nilapitan siya ng lalaki at hinagod ang likod bago ako nilingon. Lumipat ang tingin ko sa kanya at bigla akong natulala sa mga mata niya. Medyo namumula ito na parang gustong-gusto umiyak pero hindi niya magawa. Pinatili ko ang mata ko sa kanya dahil parang nakita ko na ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Niluhod niya ang isang paa niya sa harap ko bago hinawakan ang maliit na kamay ko. I was still staring at his eyes. Nawala ang takot na nararamdaman ko kanina at para akong nakatitig sa palayan na hinahangin. Ang pagtingin sa mata niya ay sapat na sa akin upang pakalmahin ang aking kalooban. “W-What’s your name, darling?” pansin ko ang panginginig ng boses niya. Tumagal ang tingin ko sa kanya bago ako nag-iwas ng tingin. Nilingon ko si Mama at nakita na nakatingin na siya sa amin. I was hesitant to tell him my name because he is a stranger. “Ma…” naiiyak kong tawag sa kaniya. Tumango sa akin si Mama at natawa pa siya habang pinupunasan ang kanyang pisngi. “Sige lang, anak.” Muli akong tumingin sa lalaki na nakatungo na ngayon. Nakita kong may pumatak na kung ano galing sa mata niya. He’s crying. “Bakit ka umiiyak? Kikidnapin mo ako tapos ikaw pa ang iiyak?” naiiyak ulit ako kasi umiiyak sila. Narinig kong natawa ang ibang lalaki pati na si Mama. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ng lalaki. He hugged me so tight and I had an urge to hug him back. So I did. Sobrang bilis ng mga pangyayari. The next thing I knew, nasa Maynila na kami at nakatira sa isang condo unit malapit daw sa school na pinag-enroll-an sa akin ni Mama. Kumakain kami ngayon sa ‘dining area’ kasama ang aking ama. Hindi pa rin ako sanay na magka-ama. Hindi ako sanay na may tinatawag na Papa. Hindi ako sanay na tatlo na kami ngayong magkakasama sa isang bahay. “What grade are you in, ‘nak?” tanong niya sa akin. “Grade 7 po.” nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot. “Grade 7?” “First year,” si Mama na ang sumagot. “High school? Why Grade 7, then?” nalilitong tanong niya. “Hindi ka ba nanonood ng balita? May K-12 na, kinder hanggang Grade 12. Nagkaroon ng dagdag 2 years imbes na hanggang fourth year high school lang. “ “How would I know? Hindi ko alam na may anak pala ako?” “Sus, sabihin mo abala ka sa ibang bagay.” nakita kong umirap si Mama. Nag-usap pa sila na parang wala ako dito sa harap nila. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagkain. Iniisip ko kung saan ba ‘yung eskwelahan kung saan ako mag-aaral. Kinakabahan ako at baka sa malayo iyon. Naisip ko rin naman na hindi naman pala problema ang layo dahil sanay naman ako gumising ng maaga, siguro kinabahan lang ako sa mga taong makakasalamuha ko. “Anyway, I told you to enroll her in another school. I gave you a list of–” Mama cut him off. “Binigyan mo ako, oo, pero hindi mo sinabing ikonsulta pa sa’yo ang desisyon ko kung saan ko pag-aaralin ang anak ko.” “Anak natin. Why do you keep saying that? And besides–” “And besides, malapit lang naman ang Raja dito ah? Anong kinagagalit mo dyan.” “I’m not mad, I’m just saying that you should've enrolled her in much–” “Sa Quezon High na lang po kasi sana…” putol ko sa kanilang dalawa. Sabay silang tumingin sa akin. Nasa kabisera ang ama ko habang nasa magkabilang tabi niya kami ni Mama. “May oval pa po doon at may swimming pool, sabi ng mga kaibigan ko. At saka, ‘di ba po Mama nakapag-pasa na ako ng mga requirements doon? Sayang naman po iyon.” ibinaba ko na ang kutsara at tinidor ko at inabot ang tubig sa tabi. “Ayaw mo ba dito?” nagtatakang tanong ni Mama. Pinatong ko ang baso sa lamesa. Ayaw ko ba dito? Iyon din ang tanong ko sa sarili ko. Hindi na lang ako sumagot sa kanila at nagbaba ng tingin. “You’re not yet familiar and acquainted here in Manila, darling, that’s why you want to go back to Quezon. Why? Are you feeling lonely?” malambing na tanong niya sa akin. Nanatili ang tingin ko sa kamay ko sa aking kandungan. “Aba’y batang to, eh ang mga kalaro lang din niyan doon ay mas bata pa sa kaniya!” natatawang sabi ni Mama. Sumimangot ako at sinadyang ipakita iyon kay Mama. Mas lalo lang siyang natawa. “Papuntahin mo na dito ‘yung magkapatid, para naman may kasama na itong batang ‘to.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD