Riley’s POV
“Anong matinding kasalanan ang nagawa ko sa dad mo?” I asked Ms. Avery in my serious tone.
“Ry, don’t mind her, she’s hella drunk—”
“Anong sabi mo kanina, Dimitri? Ayaw mong matulad sa’kin—”
“Look Ry, I am not in the position, nor any one here has the right to disclose anything about your past,” sabi ni Dimitri. Sa timbre ng boses niya, halatang kabado.
“Why won’t you just go directly to that old hog and ask him everything!” sigaw ni Ms. Avery sa akin. Ang ama niyang si Don Tomasso ang tinutukoy niyang ‘baboy’. Sa mga narinig ko sa kanila ni Dimitri kanina, maski pala silang dalawa ay hindi nakatakas sa lupit ng Don.
Natahimik na lang ako. Is this the right time to confront the Don? Dumating lang si Ms. Cindy sa mansyon, nagulo na rin ang isip at puso ko. I’m precise and steadfast on my decision makings, never wavered. Bakit ngayon tila nagkaroon ng agam-agam?
Dinaanan na lang nila ako na parang walang nangyari. Iiwan nila akong nasa kalagitnaan ng pagninilay-nilay kung tama ba ang desisiyon kong komprontahin si Don Tomasso. Naparito lang naman ako para humalili kay Dimitri. Sa mga narinig ko ngayon, kailangan kong ipahinga ang aking isip.
~~ ~~ ~~
Kinabukasan, pagtapos ng almusal, tinawagan ako ni Boss Vonn na pumunta sa indoor swimming pool. Sumabay sa akin si Renz dahil pareho rin ang daan patungo ng Security Department kung saan madalas siya naroon.
Malayo pa lang, natatanaw ko na sila Boss Vonn at Ms. Cindy. Nakalublob ang kalahati nilang mga katawan sa swimming pool. Balot na balot ang itaas ni Ms. Cindy ng rush guard at maikling shorts naman ang kanyang pang-ibaba.
“Inaasahan kong naka two-piece bikini si Ms.Cindy,” sabi ko kay Renz at agad din akong nagpaliwanag. “Kasi ‘di ba parang trophy woman siya ni Boss. Saka galing siyang States, you know liberated.”
“Yeah, gano’n siya dati. But she has changed after she fell in love,” sagot ni Renz habang tinatapik tapik ang balikat ko. Natahimik kami nang papalapit na sa pool.
Kung balot na balot si Miss Cindy, kabaliktaran naman ang suot ni Boss Vonn na lantad ang kakisigan. He’s topless, showing off his toned triceps, biceps, and abs. Maipagmamalaki niya talaga ang malapad at mabalahibo niyang dibdib. Kapag katabi ko siya bumababa ang kumpiyansa ko sa sarili. He’s covered with dark aura that makes him so intimidating. Maraming kababaihan ang humahanga sa kanya; celebrities, elites, and even social climbers, name it, he can devour them all. Pero tanging kay Miss Cindy lang yata siya nakitang nahumaling.
Tinawag ni Boss ang assistant niya at inabot sa kanya ang kapirasong papel, ticket yata iyon ng movie o concert. Ibinigay niya iyon kay Ms.Cindy at nang nakita nito ang ticket, ngumiti ito ng napakatamis pati ang mga mata ay ngumingiti rin. Bakas ang kasiyahan sa mukha ng aming senyorita.
“Exclusive meet and greet with your favorite band,” sabi ni Boss. Damn him, ang swabe no’n.
Hindi tuloy mapigilan ni Miss Cindy na nahalikan sa pisngi si Boss. “Thank you, bro.”
Napangiti ako nang marinig ko ‘yon, kabaliktaran naman ni Vonn na nagsalubong ang kilay.
“Anything for you sweetie.” He cupped her chin and sensuously kissed her lips.
“Vonn, stop it!” halatang hindi natuwa si Miss Cindy sa halik na ‘yon. Wala naman na siyang magawa dahil naramdaman na niya ang presensiya namin ni Renz. She cannot look at me directly anymore. Nagsimula ‘yon nang nag-usap kami ng masinsinan sa kwarto niya.
“Boss,” sabi ko para maibaling na ang atensyon nila sa akin. Ano kayang gusto niya, bukod sa ipakita sa akin na hinalikan niya si Ms. Cindy?
“May concert date kami ni Cindy sa weekend. Take control of the family.”
“Yes Boss.”
He twitched his head to dispatch us. Iyon lang ang gusto niya. I obeyed just like a dog. And I don't even know why I'm doing this.
Pinagpaliban ko muna ang pakikipag-usap kay Don Tomasso, I don’t feel like seeing him or anyone, especially Miss Cindy right now. Gusto ko lang mapag-isa. Nagkulong ako sa kwarto ko maghapon. Kinagabihan lumabas ako ng balcony at umupo sa ibabaw no’n. it’s been so long since I played my guitar.
Lumabas sa kabilang balcony si Miss Cindy na naka pantulog lang; a beige satin robe without a bra underneath. Bakat kasi ang nips niya kaya alam ko. I wonder what she wears down there o may suot ba siya? Oh jeez, fvck these lewd thought inside my head, I’m becoming pervert. I can’t take my eyes off her. She has this exquisite beauty and a fvcking ooh-la-la body. I can’t blame Vonn if he’s keeping her for himself.
I smiled at her and she smiled back. Ang mga ngiti niya ay palaging may kalakip na kalungkutan na maaaninag sa kanyang mga mata. Bakit kaya? Ano bang nagpapalungkot sa kanya?
“Miss Cindy—” I said to break the ice. Nanatili lang siyang tahimik at tumatagos ang tingin sa dako-paroon.
“I may not be rich nor breath-takingly handsome like Boss Vonn, hindi ko kayang imbitahan ang paborito mong vocalist to sing you your favorite song—” I paused for a moment nahihiya kasi ako sa susunod kong sasabihin lalo pa’t nakatitig na siya sa akin. “But Miss Cindy, I can be your favorite singer. I will be your song.” Oh jeez, can’t I be more cringey than that?
Napasandal na lang siya sa rails ng balcony at nagkibit-balikat na parang judge sa isang singing competition.
I started to strum smoothly in B major chord, gabi na kasi kaya hininaan ko lang. Parang pampatulog sa gabing tahimik, tanging huni ng kuliglig at kaluskos ng mga dahon ang maririnig. The vast starry sky looking down on us, giving me a restful vibe.
[Look at the stars—] ‘yan pa lang ang kinakanta ko pero nangingilid na agad ang kanyang luha. I smiled, gaya rin siya ng normal na babae, emotional pagdating sa musika.
[The color shines for you…] nagpatuloy lang ako sa pag-awit at pag-tipa ng gitara.
[I wrote a song for you—] kahit gabi ay naaaninag ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
[You know your skin and bones turn into something beautiful] nginitian ko siya ng ubod-tamis habang umaawit. Bagay sa kanya ang lyrics- beautiful. Iniwas na niya ang tingin at dinapo ito sa langit na puno ng bituin.
Ang sumunod na liriko ay hindi ko na nilagyan ng tono o himig—[You know I love you so—]
Muli niya akong tinapunan ng tingin. Ako naman ang parang nahiya, I just told her that I love her discreetly.
[I swam across, I jumped across for you—] dito na biglang bumuhos ang luha ko. Why am I getting so emotional? It’s just a love song, a fvcking love long! Why it feels that I am so fvcked up? The vague imagery of dark abyss is clouding my mind. Someone dove in into the bottomless pit. Binabangungot na naman ako ng gising.
Ibinaba ko na ang gitara at hindi ko na kayang tapusin ang pag-harana sa kanya.
Lumundag ako sa kinaroonan niya mula sa balcony ng aking kwarto. Nabigla siya at muntikan pa ngang mapa-tili.
Seryoso ko siyang tinitigan habang mariing naka-kapit sa magkabila niyang braso.“Cindy, tell me, who are you in my life?”
“Riley, what’s happening with you?” nanginginig niyang tanong at pilit na ring kumakawala.
“No! You tell me what’s happening to me! O kung ano ba talagang nangyari… sa atin?”
I was at the summit of my intense emotion and Ms. Cindy was about to say something when someone opened the door. Without a doubt, hindi ko man lingunin kung sino ang pumasok, yabag pa lang ng malumanay niyang lakad ay sigurado akong si Boss Vonn ang dumating.
“Riley—” binanggit pa lang niya ang pangalan ko ay ramdam ko na ang tensyon.
“Vonn, can you please give us a moment?” singhal ko sa kanya. Buti at napigilan ko pa ang sarili ko.
“You’ll regret it Ry.”
Hanga naman ko sa pagiging kalmado niya at pagtimpi sa sinabi ko.
“Regret what? And why? Why won’t you just let her answer?” Pinilit ko rin maging kalmado kahit nangangati na ang kamay kong kumalabit ng gatilyo. Mabuti at mariin pa rin ang kapit ko sa mga braso ni Miss Cindy.
“Meet me at the basement tomorrow, let’s see if you can handle the truth,” sabi ni Boss at tinalikuran na kami.
Binitawan ko na si Miss Cindy at hinagilap ang nakatagong baril sa drawer at tinutok ito sa likod ni Vonn.
~~~ITUTULOY~~~
Salamat po sa suporta. Nawa ay support niyo rin ang mga co-writer friends ko khala castro- I married the mafia twins... at si atelunax- The Billionare's mafia queen... pati rin po si greedywild25, ang kanyang Mistake. Thank you po.