Riley’s POV
“Damn you! You idiot! Alam mo nang may phobia ka sa swimming pool, tumalon ka pa rin!”
Paano kaya nalaman ni Ms. Cindy ang tungkol do’n? Masyado yata siyang nag-alala at abot-langit ang pagpapa-galit niya sa akin. Hindi kaya matagal na niya akong kilala? Hindi ko na nagawa pang linawin ang katanungan ko dahil si Khalil naman ang kanyang inasikaso. Buti naman at maayos ang kalagayan niya, buhat siya ni Renz.
Dumating sina Boss Vonn at Don Tomasso, mas bakas sa mukha ng Don ang pag-aalala kay Khalil kaysa kay Boss. Ganoon ba siya ka-cold pati sa sarili niyang anak ay tila wala siyang pakialam? Muntik nang malunod ang anak niya!
“Figlio di puttana that cagnolino! (Son of a btch! that dog!)” hiyaw ni Don Tomasso sa kanyang Italian accent at bumunot ng baril sa gilid ng kanyang wheelchair at binaril ang kaawa-awang tuta. Nagkalat ang dugo sa kinahihimlayan nito. Kita sa mga mata ni Khalil ang pagkagulat at awa sa nangyari, pero hindi siya umiyak. Napaka-lupit ng Don, pati ang walang kalaban-laban na hayop ay ‘di niya pinatawad. Kung sa bagay, buhay nga ng tao ay bale-wala lang sa kanya, higit pa sa hayop ang turing. Kung dito na mananatili si Khalil, ganitong karahasan ang matutunghayan niya sa kanyang pag-laki. Masaklap na tadhana bilang “heir to the throne”.
Hindi muna ako nag-duty sa basement sa gabing ‘yon. Sinalo ni Dimitri ang trabaho ko. Siya na raw ang bahala sa ibaba at magpahinga na ako. Inabutan ako ni Renz ng sleeping pills. Iniiwasan ko na ang uminom ng gamot pero kailangan ko ang tulong nito ngayon dahil paniguradong hindi ako makakatulog.
“Thank you, bro. Ako na lang ang tatao sa klase mo,” sabi ko kay Dimitri at tinanguan lang ako. Ako muna ang pansamantalang magsasanay para sa mga subordinates bukas kaya kailangan ko ng matulog.
~~~~~~
Kinabukasan, pagtapos ng almusal, papunta na sana ako sa indoor training ground na kung tawagin namin ay campo na nasa third floor nitong mansyon, nadatnan ko sa living room sina Don Tomasso, Boss Vonn, Ms. Cindy, Renz, at Dimitri. Naroon din pati si Khalil, naka-upo sa kandungan ng isang magandang babae. Iyon yata ang kanyang ina.
Napatingin silang lahat sa akin nagtama ang tingin namin ng babae. Biglang lumungkot ang kanyang mga mata. Ano bang mayroon sa akin tila ba hatid ko’y kalungkutan? Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa babaeng ‘yon. Hindi kaya siya ‘yung babaeng minsan nagpapakita sa aking panaginip?
Umalis na sina Boss Vonn at Don Tomasso kasama si Khalil, siguradong galit pa rin ang Don sa akin, una dahil kay Ms. Cindy, pangalawa, dahil sa akin muntik ng malunod ang kanyang apo-apuhan, ako kasi ang nagregalo ng tuta kay Khalil na kinagalit ng Don.
Naiwan ang babae na naka-upo at hindi na siya makatingin sa akin, bagkos tumaas ang kanyang kilay at nagde-kwatro ng upo parang donyang nuknukan ng taray ang itsura.
“Hey gorilla,” tawag niya kay Dimitri.
“I want to drink,” sabi niya na ibig sabihin ay kuhaan siya ng maiinom.
Napaka-gwapong gorilya naman ni Dimitri. Isa siyang half-Russian at mas lamang ang itsura ng pagiging Russo; light brown-haired, green-eyed, at may freckles. Dagdagan pa ng malaking pangangatawan at six-five na taas. Talaga namang mangingimi kang bulyawan at sabihan ng ‘gorilla’ kahit na lalaki ka. Marahil ay isa itong Estofelli kaya ganoon na lang niya maliitin si Dimitri.
Nilapitan ko siya para sabihin na isang capo ang inuutusan niya at hindi nito trabaho ang pagsilbihan siya. Pero agad naman akong inakbayan ni Dimitri at sinabing hayaan ko na. Pumunta siya ng kusina at pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong tubig.
Ibinigay niya ito kay Ms. Avery at hindi man lang ininom ang tubig kundi isinaboy sa mukha niya. Nanatili lang walang reaksyon ang higanteng Russo. Parang basang sisiw na siya pero hindi man lang gumanti kahit ng masamang titig. Sumosobra na ang bratinelang ito. Malayong-malayo siya kay Ms. Cindy.
“Hey, brat—”
“Ry, it’s all right.” Agad akong pinigilan ni Dimitri. Ipagtatanggol niya pa ang babaeng namamahiya sa kanya.
“He deserves it,” iyon lang ang sinabi ni Ms. Avery at tinalikuran na kami.
~~~~~
Sinamahan ako ni Renz sa campo para sa Jujitsu class. Hanggang sa pagtapos ng klase hindi mawala sa isip ko sina Ms. Avery at Dimitri.
“Sino ba ‘yung aroganteng babae na ‘yon?” tanong ko kay Renz.
“Si Ms. Avery? Bunsong anak ni Don, half-sister ni Ms. Cindy.”
Napatango na lang ako. Another Estofelli I don’t know of. Ilang anak pa kaya ng Don ang darating na hindi ko kilala?
“Napaka-bait no’n. Mas down-to-earth pa kaysa kay Ms. Cindy. Niligawan ko nga ‘yon pero—”
“Pero?”
“Iba kasi gusto niya,” sagot ni Renzo. At mukhang nalungkot pa dahil busted. Si Dimitri yata ang tinutukoy niya.
“Ano bang ginawa ni Dimitri at pinagdidiskitahan siya ni Ms. Avery?”
“Iyon nga eh, wala siyang ginawa,” sagot niya na may ngiting nakakapanloko. May sikreto na naman silang hindi ko alam.
Ang daming hindi ko alam sa personal affairs ni Don Tomasso at sa buong Familia Estofelli. Talaga bang kanang-kamay niya ako?
“Renz, anong alam mo?”
“Alam saan?” sagot niya.
“Sa akin, kay Boss Vonn, at kay Cindy—”
Dito na napatigil si Renz. Sa reaksyon niya siguradong may nalalaman siya sa nakaraan ko na hindi ko maalala.
“Why won’t you tell him, Renz? Magkaibigan kayo ‘di ba?”
Sabay kaming napatingin ni Renzo kay Boss Vonn na bigla na lang sumabat sa amin.
Napabuntong-hininga muna si Renz bago makapag-salita at tumingin ng seryoso sa akin.
“Bago ka maging consiegiler ni Don, may delikadong misyon ang pinahawak sa’yo—” may nginig sa lalamunan ni Renzo habang sinasabi ‘yon. Kinakabahan ba siya sa presensiya ni Vonn? Ganoon ba katindi at masalimuot ang misyon na ‘yon kaya ayaw na nilang ipa-alala sa akin?
“C’mon Renz, spit it out. Naghihintay si Ry.”
“Pinaka-mahirap sa lahat ng naging misyon natin. Muntik ka ng mamatay. I’m not in the position to tell you what it was, basta dahil do’n, nagtamo ka ng serious head injuries kaya naka-apekto ‘yon ng malala sa utak mo na nag cause ng memory loss mo,” mahabang paliwanag ni Renz. Mukhang nagsasabi siya ng totoo. Hindi na ako nag-abala pang magtanong ng kung ano-ano. So, I’m having amnesia or something?
“May tanong ka pa ba, Ry?” tanong ni Boss Vonn.
I just shrugged, wala naman na yata akong mapipiga sa kanila. “Buong buhay at buong katapatan akong maglilingkod kay Don Tomasso at sa Familia Estofelli dahil kayo lang ang kinikilala kong pamilya. Pikit-mata akong susunod sa lahat ng ipapagawa niyo.”
Tinapik-tapik ni Boss ang balikat ko matapos akong akbayan. “I commend your loyalty. No wonder Dad favors you more than his heir. But I’m the Boss now, kanino na ang loyalty mo?”
“My loyalty belongs to someone who earned and deserves it more.” Tinapik-tapik ko rin ang kanyang balikat.
Apparently, alam na niya ang kasagutan.
~~~~~
Kinahapunan, pinuntahan ko si Ms. Cindy sa kanyang office na nasa right wing, pinakadulo ng mansyon. Bukod sa may gusto akong itanong, aaminin kong gusto ko siyang makita. Her presence calms me for whatever reason I don’t know why.
Binuksan ko ang pinto matapos kumatok ng tatlong beses. Inaasahan na niya yata ang pagdating ko dahil hindi na siya nagulat. O dahil sadyang wala lang siyang pakialam. She’s an ice queen.
“How did you know, Miss?” bungad ko sa kanya. Alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.
She drew three envelopes out of her drawer. Hinagis niya ang mga iyon sa ibabaw ng table niya.
Una kong dinampot ang envelope na may label na CONFIDENTIAL: RILEY MALIKSI. Binasa ko ang nilalaman at tungkol ito sa akin; personal information, educational background, special skills, pati ang phobia ko ay naroon. This family background caught my attention, it has no data. Nakakalungkot naman, maski ang all-powerful at all-mighty na Estofelli ay walang record ng pamilya ko. Bigla na lang ba akong lumitaw sa mundo?
“Now you know. At baka mag-assume ka na records mo lang ang alam ko.” Itinuro ng mga mata niya ang dalawa pang envelope. CONFIDENTIAL: RENZO TATTINGHAM, CONFIDENTIAL: DIMITRI KOZLOV.
“How about you Ms. Cindy? Wala ka bang data na confidential? I have the rights to access every info there is.”
“Meron naman.” Sa wakas, nakita ko siyang ngumiti. “Kunin mo kay Vonn.”
Napangiti na rin ako, imposible yata ang sinasabi niya. Is she challenging me?
~ ~ ~ ~ ~ ~
Kinagabihan, papunta ako ng basement para humalili kay Dimitri, tutal hindi rin naman ako makatulog. Dalawa ang passage ng basement kaya dalawa ang pwedeng entry o exit. Isa ay mula sa labas, dadaan ka muna sa matinding security check. Doon ang daan ng mga nadakip na babaeng isusupply bilang sx workers pati ang mga kalalakihan na involved sa business namin. Kaming mga opisyal at higher ranks ay sa loob mismo ng mansyon ang entrance. Ang entrada ng basement ay isang mahabang passage, ubod ng dilim at nakakabinging katahimikan. Habang papalapit ka na sa undergound ay unti-unti mo nang maririnig ang tunog ng impyerno. Ang hiyawan at iyakan ng mga babaeng dinu-drugs at nire-rape. Men groan in excruciating pain, gnashing of teeth, and wails of despair because of violence. Torturing them in every way possible. Nakakakilabot. Tila himig ito sa pandinig nina Don Tomasso at Boss Vonn. Kung ako lang ang masusunod, kailanman ay hinding-hindi ko hahayaan si Khalil na marinig ito.
Papasok pa lang ako ng kwarto papuntang basement, natanaw ko na sa malayo si Ms. Avery. Binuksan niya ang secret door at tinungo ang underground. I sneaky followed her all throughout the passage para hindi niya mapansin na may sumusunod sa kanya. Ano kayang kailangan niya sa basement?
“Miss Avery—” rinig ko ang boses ni Dimitri, umaalingawngaw ang baritono niyang tinig sa madilim na daan, tanging dim light mula sa cellphone ni Ms. Avery lang ang ilaw. Ah, si Dimitri pala ang sadya niya rito.
Isang sampal ang tugon ng aming naming senyorita. Hindi pa siya nakuntento at sa kabilang pisngi naman niya sinampal si Dimitri. “Have you finally found your fvcking balls? I don’t think so, you pvssy!”
Tumingkayad si Ms. Avery para maabot niya ang kwelyuhan ni Dimitri. Kahit na she stands five-eight, kasing tangkad ni Ms. Cindy pero kumpara sa taas ni Dimitri ay kailangan niyang tumingkayad pa.
“You don’t love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Hinablot ni Dimitri ang dalawa niyang braso at pilit siyang inilalayo.
“Miss Estofelli, you’re drunk. Baka makita tayo ng Dad mo.”
“Ayaw mo na ba sa’kin? I love you, Demi. I’ve been faithful to you all these years. I fought hard for you-- ”
“Ty yedinstvennyy kogo ya lyubil i budu lyubit' vsyu zhizn'” sagot ni Dimitri.
“Damn that Russian of yours—”
“Ang sabi ko, tumigil ka na, hindi kita mahal. Kaya pwede ba huwag mong sirain ang buhay ko, tama na, Avery! Tumigil ka na!” Tinulak niya papalayo si Ms. Avery.
Sa pagkaka-intindi ko, kabaliktaran ang sinabi niya.
“You liar! I studied Russian while I was away.”
Natamihik bigla si Dimitri. Wala na siyang lusot.
“Ikaw lang ang minahal ko at mamahalin habambuhay.’ Why can’t you say it straight to me? Mahirap bang sabihin ‘yan sa Tagalog?”
Marahas na sinandal ni Dimitri si Ms. Avery sa dingding at marahas ding hinalikan. Kapwa na sila hibang sa isa’t-isa.
Malinaw na na meron silang love affair. Akala ko pa naman walang interest sa babae si Dimitri, sadyang faithful lang pala siya sa babaeng kaniig niya ngayon. Aalis na sana ako dahil napuno na ng ungol at halinghing ang underground nang bigla namang nagsalita si Dimitri.
“Avery, tapos na tayo. Kung hindi ka babalik sa America, ako na ang babalik sa Russia.”
“Isama mo na ako, Demi. Tumakas na tayo,” pagmamaka-awa ni Ms. Avery.
“You want me dead? Gusto mo matulad ako kay Riley?”
Hindi ko inaasahan na masasali ako sa usapan nila kaya muli kong itinuon ang panonood sa kanila.
“Magka-iba kayo ng sitwasyon. Malaki ang kasalanan niya kay Dad. Ikaw wala kang ginagawang masama.”
Tama ba ang naririnig ko?
Kinaladkad na ni Dimitri si Ms. Avery para ihatid palabas ng underground. Natigilan sila nang nakaharang ako sa dadaanan nila. Kitang-kita ko ang pag-laki ng kanilang mga mata at ramdam ko ang kaba nila nang makita ako.
“Anong malaking kasalanan ang ginawa ko sa Dad mo?”
~~~ITUTULOY~~~