Chapter Three: Phobia
Riley’s POV
Do you love me, Cindy?
Sobra akong pina-init ni Miss Cindy kaya hindi ko na alam kung anong pinagsasabi ko. Pareho naman kaming nag-iinit kaya hindi na mahalaga kung ano mang namumutawi sa aming bibig. Katawan na namin ang siyang nangungusap. Ang mahinhin niyang halinghing ang nagpapatunay na gusto niya rin ang aking ginagawa. Hindi ko mapigilan ang paghalik sa kanyang leeg, sa kanyang batok, at sa kung saan pa pwedeng dumapo ang aking labi habang siya’y nakatalikod. Pinakawalan ko na ang kanyang pulsuhan at nagsimulang ilikot ang kamay sa kanyang kurba, sa pagitan ng maliit niyang bewang at bilugang balakang.
“Come on Gorgeous, please answer me, mahal mo ba ‘ko?” tanong ko ulit sa nagmamaka-awang tinig.
“That’s for you to find out.”
Sinandig niya ang kanyang ulo sa kanan kong balikat at kumapit sa aking batok. Nakaladlad tuloy ang malusog niyang dibdib na nakalapat sa pinto habang siya’y nakaliyad. Hinigpitan ko ang kapit sa magkabila niyang braso at kinagat ang kanyang leeg sa gigil ko, saka ko siya binitiwan. Bigla siyang napaharap sa akin at agad din iniwas ang tingin.
Nahiya rin ako sa ginawa ko. “Sorry for my foolishness. Napaka stupidong tanong. Paano mo naman mamahalin ang taong kahapon mo lang nakita.”
Sandali siyang natahimik at napakagat ng labi parang may gustong sabihin.
“You don’t believe in love at first sight?” nahihiya siya at namumula ang kanyang pisngi.
Kinuha ko ang silk robe niya at ako mismo ang nagsuot sa kanya nito. “I do. Naniniwala nga ako sa love na hindi ko nakikita.”
“So, you love someone else, bakit mo pa ako tinatanong kung mahal—”
“I’ll go ahead Ms. Cindy.” Hindi ko na pinatapos ang tanong niya at inayos na ang sarili para maka-alis. Bigla na lang niya akong binato ng mamahalin niyang pabango na nadampot niya sa side table. Mabuti at nasalo ko ito. Bakit siya biglang nagalit?
“After you seduced me, you’ll walk away just like that?” malumanay pa rin niyang sabi kahit na galit.
“Hindi lang babae ang nag-iingat ng virginity. Gusto ko ibigay ang pagka lalaki ko sa babaeng mahal ako at hindi dahil sa nadala lang ng init gaya mo.” Tinalikuran ko na siya dahil nahiya rin ako sa pag-amin ko.
“Wait. Can you stay?”
Nahinto ako at muli siyang hinarap.
“I swear I’ll be—” she took a deep breath. “All right, umalis ka na kung gusto mo.”
Muli akong lumapit, ipinulupot ang bisig sa kanyang bewang, at pinihit palapit sa akin. Isang mabilis na pagdampi ng aking labi sa kanyang noo. “My body wants to stay but my mind is telling me otherwise.”
Pinakawalan ko na siya sa aking mga bisig at ngumiti.
“How about your heart? what does it says?” tanong niya na halos pabulong.
Inilagay ko ang kaliwang kamay niya sa dibdib ko. “That’s for you to find out.” I gave her a half smile and finally left.
Gustuhin ko man manghinayang dahil sinayang ko ang pagkakataon na makasama ang isang Mercindy Estofelli pero ito ang alam kong tamang gawin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, may kung anong bagay na pumipigil sa akin na angkinin ang maalindong na babaeng ‘yon. Paano ko ipapaliwanag sa kanya na may iba ng nagmamay-ari ng puso ko? I’m in love with the woman whom I have not yet seen, a woman I don’t even know if she truly exists.
Paglabas ko ng kwarto ni Ms. Cindy, naka-abang sina Don Tomasso at Boss Vonn. Nakakuyom ang kamao ng Don at nanlilisik ang tingin sa akin samantalang seryoso lang si Boss tulad ng lagi.
“Maliksi, in-charge ka sa basement—” nanggigigil na sabi ni Don. Tinawag niya ako sa aking apelyido, at pinamahala sa basement, nangangahulugang galit siya sa akin at pinaparusahan niya ako. Sino bang mob boss ang hindi magagalit sa lalaking ‘mananamantala’ sa kanyang unica hija?
“Nag-usap lang po kami,” agad kong paliwanag bago pa siya ma-stroke sa galit.
Wala na siyang ibang sinabi, pina-andar ang de-motor niyang wheelchair at tuluyan ng umalis. Naiwan si Boss na humhiimas-himas ng manipis na balbas sa pisngi. “Nag-usap? Interesting. Ano kayang pinag-usapan niyo?”
“Why won’t you ask her yourself,” tipid kong sagot. “Boss.” Nakalimutan kong tawagin siyang ‘boss’.
“Drop the ‘boss’ Riley. Para namang hindi tayo magkaibigan n’yan.”
“Inaalala ko lang ang subordinates—”
“A consigliere worrying too much for lower ranks, what a softie, Riley,” uyam niya sa akin at tinalikuran na rin ako. “No need to be formal for casual talks,” dagdag niya pa bago ako tuluyang iwan.
Magkaibigan? Gawing pain ang babaeng tinatangi para lang sirain ang kaibigan- very clever Vonn. Napaka-tuso, pinamana na sa kanya ang Familia Estofelli. Isa na siyang ganap na Boss at ako ay adviser lamang. Hindi man siya totoong kadugo ni Don Tomasso pero siya ang “heir to the throne” at ito na nga nangyari na ang nais niya. Ano pa bang kulang at nag-abala pang gumastos ng barya, at gawing premyo si Ms. Cindy para lang i–set up ako, at galitin ang Don?
~ ~ ~ ~ ~ ~
Kinabukasan, sa kusina habang nag-aalmusal, walang humpay na kantyaw ang natanggap ko kina Renz at Dimitri. Alam kasi nilang hindi ko tinuloy ang premyong ‘a night with Ms. Mercindy’.
“Bro, wala akong pakialam kung biglang nawala yung balls mo o kahit birahin mo pa magdamag si Ms. Cindy basta may utang kang dalawang milyon sa akin.” Nakasalubong ang kilay ni Dimitri at brutal na naman ang mga salita niya. Ganyan siya tuwing mainit ang ulo. Mahalaga sa kanya ang bawat sentimong makukuha niya.
“Aright Bro, chillax, I got you,” I assured him. Si Renz naman ang aaluhin ko.
“Bro, kung alam ko lang na papalagpasin mo si Cindy sana hindi na lang ako nagpaubaya,” sabi naman ni Renz na parang gusto ng saksakin ang kinakaing stake.
“Hindi natin alam kung anong nasa utak ni Boss, kung anong pinaplano niya.”
“Alam niyo, ‘yan ang palaisipan sa’kin, why risking Ms. Cindy as bait for a child’s play? He's so possessive of her at alam naman ng lahat na hindi siya mananalo sa’yo, hindi pa naguumpisa ang laro may nanalo na,” Renz said confusingly.
Natahimik na lang kami at sinimsim ang masarap na almusal para sa maghapong trabaho. “Pero putangina talaga, bro. Sobrang sayang. Pagkakataon na sanang matikman si Miss.” Humirit pa talaga ang babaerong si Renz.
Ang dalawang matalik kong kaibigan ay may ranggong Capo ng Familia Estofelli. Si Dimitri ay in-charge sa mala-military training ng mga soldiers o associates. Ang expertise niya ay physical combat, weaponry, basta physical skills. Samantalang si Renz ay sa Intelligence Unit, isang hacker, at magaling bumuo o magdefuse ng explosives.
Ako naman ay third-in-command. I’m a lawyer by profession pero piniling mag-silbi sa mga Estofelli. Lahat ng expertise nila ay kaya kong higitan ng doble, even Vonn’s. I wouldn’t be Don Tomasso’s right hand for nothing. Am I proud? No, I’m not. Gaya ng sinabi ni Boss, malambot ako. I have a soft heart especially for the poor and needy. Sa katunayan, hindi ko maatim na tumingin sa basement ni ang bumaba man lang d’on. Kaya isang parusa sa akin na doon magdu-duty ngayon. Naroon kasi ang mga pinapahirapang mga babaeng isu-supply sa ibang bansa for sexval purposes, human trafficking. Dina-drugs ang mga babae o kung hindi man ay pinipilahan. Doon din tino-torture ang mga lalaking kumakalaban sa Familia Estofelli. That basement is a hell on earth. I don’t why am I compromising my principles just to serve this ruthless mafia clan.
~~ ~~ ~~
Bago ako mag-duty sa basement kinagabihan, kinailangan ko munang sumagap ng sariwang hangin sa swimming pool. Umupo ako sa lilim ng puno kung saan ang paborito kong pwesto. Natanaw ko sa malayo si Khalil. Nilalaro niya ang tutang niregalo ko. Ang laki niyang bata, napagkamalan kong six years old na siya kahit apat na taon pa lang siya. Tuwang-tuwa ako sa kanya, isa siyang mabait at magalang na bata. Maayos ang pagpapalaki ng tiyahin niyang si Ms. Cindy. Alagang-alaga niya ito at busog sa pagmamahal. Paano pa kaya kung magkaroon siya ng sariling anak. Anak namin. Napailing na lang ako at napangiti sa sutil kong naisip. Magte-trenta na nga pala ako pero wala pa akong naging girlfriend dahil na rin sa uri ng trabaho ko. Pangarap ko ring bumuo ng masayang pamilya. Mamumuhay kami ng tahimik at galing sa ligal at malinis na paraan ko sila bubuhayin.
Natigil ang muni-muni ko nang hinabol ni Khalil ang aso na nahulog sa pool at pati siya ay lumubog para sagipin ito. Tumakbo ako ng napakatulin halos hindi na ako huminga para lang abutan si Khalil, walang alinlangang tinalon ko ang pool at hinablot ang batang ‘di magkamayaw sa pagkawag, nalulunod na siya. Masyadong malalim ang pool na ito dahil ginagawa itong training pool ng mga associates for exercises at diving. Biglang umatake ang nerbiyos ko, damn this panic attack! Dalawa na kami ni Khalil na malulunod. Pinilit ko rin ikampay ang aking mga kamay at binti nang may narinig akong tumalon din sa tubig at hinila niya si Khalil paitaas at ang isa rin niyang kamay ay hinila ako ngunit sa sobrang taranta ko at marami na’ng nainom na tubig ay kumalas ako sa kanyang kapit baka tatlo na kami nila Khalil na malunod. Siya si Ms. Cindy, alam ko ang pakiramdam ng maliit at malambot niyang kamay. Bago pa ako mawalan ng malay, narinig ko ang sigaw niya, ‘Dimitri! Si Riley!’ at ipinikit ko na ang mga mata ko. Jeez, my cause of death- drowning.
Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ako o kinukuha na ako ni San Pedro o ni Kamatayan. Isang malaking bulto ng katawan ang naramdaman kong tumutulong sa aking umangat. Kinawit niya ang braso sa aking leeg at naaaninag ko na ang liwanag.
May dumidiin na palad sa aking dibdib ng paulit-ulit.
“Damn it Riley. Wake up! Wake up! Wake up!”
Binabangungot na naman ba ako? The feeling is surreal. Parang totoo na may dumadamping labi sa aking bibig ng paulit-ulit. “Riley, please wake up!!!” isang malakas na hampas sa dibdib ko ang nagpabalik sa aking ulirat. Binuga ko ang ga-litrong tubig at abot-langit na habol-hininga ang ginawa ko at tuluyang nagising. Ah hindi ako nananaginip. Nasa harap ko ang pinaka-magandang babae, si Mercindy. Basang-basa ang buo niyang katawan, simula ulo hanggang paa. Muli ko na namang nakita ang mga mata niyang puno ng pag-aalala.
“Damn you! You idiot! Alam mo ng may phobia ka sa swimming pool tumalon ka pa rin!” sigaw niya sa akin habang nakakapit ng mahigpit sa aking kwelyuhan.
Kapwa kami napatigagal sa kanyang sinabi.
Paano niya nalaman ang sikreto ko?
~~ITUTULOY~~