Riley’s POV
“Vonn, he’s having a nightmare,” sabi ni Ms. Cindy sa malumanay na tono.
Kalmado pa rin siya kahit muntik nang sumabog ang mga bungo namin. Nakahiga pa rin sa aking kama habang nakakulong ang katawan niya sa pagitan ng aking mga hita. Ngayon ko lang naranasan pumaibabaw sa kanlungan ng isang babae.
“So, you’re helping him out?” tanong ni Boss Vonn at mukhang nahimasmasan na siya dahil ibinaba na niya ang kanyang baril. “Nakatulong ba sa night terror niya ‘yung suot mong lingerie?”
Nanatiling tahimik si Miss Cindy. Sanay na yata siya sa pagiging sarkastiko ni Boss Vonn o sadyang malamig lang ang kanyang personalidad.
“So, Riley, enjoying the view on the top of my woman?”
Nawala sa isip kong nakapatong pa rin pala ako kay Ms. Cindy.
“I think your woman enjoys it more,” biro ko. Maganda rin naman kasi ang view na nakikita niya, a topless man with a well-built physique. Sakto lang, hindi sobrang laki gaya ng higanteng si Dimitri. Mabuti at madilim, hindi masyadong maaninag ang mga latay ng latigo at malalalim kong peklat na hindi ko alam kung saan galing.
Itinulak ni Ms. Cindy ang dibdib ko at bumangon na sa kama. Nag kibit-balikat si Boss Vonn at sinadyang ipakita na may hawak pa siyang baril. Ipinakita ko rin ang hawak kong mini revolver at isinuksok sa ilalim ng unan. “I’m just kidding Boss.”
We’ve been friends for so many years, hindi ko na nga matandaan kung ilan. Sanay na kami sa biruan ng isa’t isa pero mukhang pagdating kay Ms. Cindy ay seryoso siya.
“Miss Cindy, thank you for saving me,” I sincerely said to show my heart-felt gratitude.
She looked at me with those apathetic eyes, malayo-layo sa mga mata niya kaninang puno ng pag-aalala habang nakahiga sa aking kama. “I would have done the same with Renz or Dimitri,” sabi niya at hinawi paalis si Boss na nakaharang sa dadaanan niya. “I’m not your woman, Vonn. I’m nobody’s woman.”
~~~~~~~
Kinabukasan, maaga akong nagtungo ng kusina para mag-almusal, nakita ko si Pristine na kung tawagin ni Renz ay Kristeta. Hindi siya makatingin sa akin matapos ihain ang pagkain. Agad siyang pumasok sa back kitchen.
Biglang akong nagutom sa mouth-watering meat slices ng mortadella na may side dish na egg benedict with cheese. Dagdagan pa ng hot choco at Sheperd’s Pie sakaling magutom daw ako. Kaya pala nabighani ni Pristine ang playboy na si Renz.
Speaking of heartthrobs, maya-maya ay dumating na rin sina Dimitri at Renz. Agad na lumabas si Pristine at hinain ang customized meals. Isang nakaka-cringe na ngiti ang pinukol ni Renz sa iniirog niyang silbidora.
“Salamat Pristine for a hearty breakfast.” Ngayon lang ako nakapagpasalamat sa kanya, masyado kasi siyang mailap.
“Hindi po ako ang nag-luto niyan sir.” Ngumiti siya at umalis na rin agad.
“Himala at maaga ka nagising. Natulog ka ba?” bati ni Renz sa akin.
“Siguro hindi. Paano ka makakatulog kung may magandang babae na katabi lang ng kwarto mo. Kaso malas kasi binabantayan ni Boss.”
Napahalakhak si Renz sa sinabi ni Dimitri. “Buti ‘di ka tinamaan ng bala,” segunda niya.
Alam nila ang kaganapan kagabi. Tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan ko at para na rin pasalamatan ang cook. Bumukas ang pinto at iniluwa si Khalil. “Aunt Cindy! I’m hungry,” malambing na sigaw nito.
Lumabas ng pinto ng back kitchen si Ms. Cindy at nagtanggal ng apron at hinawi ang strayed hair sa noo. Sa pagkakatanggal niya ng apron at pag-sinop niya ng kanyang buhok, damn! totoo pala ang napapanood ko sa pelikula na tumitigil ang mundo, blurry ang paligid, at tanging siya lang ang in motion.
But her eyes stared at me fiercely and that brought me back to my senses. Hindi ko mahuli ang kanyang saloobin, kahapon lang ay walang emosyon ang kanyang mga mata.
Napansinkoang dala niyang tray na naglalaman ng breakfast ni Khalil katulad ito ng sa akin. Siya ba ang cook? Magpapasalamat na sana ako pero abala na siyang pagsilbihan ang pamangkin niya. Gusto ko sanang tabihan si Khalil habang kumakain but my instinct is telling me otherwise.
Nakita kong nakipag-beso si Ms. Cindy kay Dimitri pagkatapos ay kay Renz naman siya lumapit at pinulupot niya ang mga bisig sa leeg nito. Why does it seem that she’s too familiar with them? Parang matagal na silang magkaka-kilala? Hanggang tanghalian, silang tatlo ang palaging magkasama. Ang nakakapag-taka pa, hinahayaan lang sila ni Boss Vonn, lalo na si Renz na kilala naming chickboy.
Tumawag si Boss sa akin at pinapapunta ako sa outdoor firing range. Pagdating ko roon ay nadatnan kong naghahanda sila para sa isang practice ng gun shooting. Napakunot-noo ako nang makita kong magkahawak-kamay sina Renz at Ms. Cindy.
“Bakit sila magka-holding hands?” tanong ko kay Dimitri at ngumiti lang siya ng nakakaloko. First time ko yatang mapipikon sa kanya.
“Are you jealous? Mas seloso ka pa rin kaysa kay Boss,” sagot niya at tinapik-tapik ang balikat ko. “Chill out bro. They’re childhood best friends. Pero syempre mas higit ka pa rin.”
Kinilabutan ako sa tinuran ni Dimitri, sounds like bromance sa pagitan namin ni Renz. Ang dami niyang sinabi, nagtatanong lang naman ako kung bakit sila magkahawak-kamay. Malinaw na sa akin na matalik silang magkaibigan.
Gentlemen, your attention please.
Napatingin kaming lahat kay Boss Vonn nang pumalakpak siya para makuha ang aming atensyon.
“We will have a firing match. Who wants to join?”
Nasa sampu kaming lahat na tauhan niya na naririto, masyado kaming marami kaya wala akong balak na sumali. Isa pa, hindi pa ako natutulog. Umupo ako sa tabi ni Ms. Cindy dahil iyon lang ang upuan na pwedeng magamit. Inihagis ni Boss Vonn ang personal niyang handgun holster sa akin at kahit hindi ako handa ay nasalo ko ito dahil mabilis ang reflexes ko. Gusto niya akong pasalihin.
“The mechanics is simple, maka-bulls eye lang. The winner will take two million cash.”
Tuwang-tuwa silang lahat dahil gano’n lang ka-simple. Pero hindi pa pala tapos si Boss. “Those who want to join, must advance in second round, if not, you’ll pay me one million.”
Lahat nagsi-atrasan na, si Dimitri lang ang natira. Umiling si Renz, ibig sabihin ay ayaw niya.
“How about a night with Ms. Mercindy?” alok ni Boss.
Naghiyawan ang mga kapwa ko tauhan. Boys will be boys. Dito na binunot ni Renz ang kanyang baril.
Napakibit-balikat si Ms. Cindy at napataas ng kilay, sino bang babae ang matutuwa na gawing premyo sa isang competition? “Two million? Is that my body’s worth?”
“Did I say that? Ang sabi ko lang ‘a night with you’ does it mean sx to you? If that’s so, no one can beat me.”
Nagsalubong ang kilay ni Ms. Cindy at namula ang mukha sa hiya at galit. Tumayo na siya at tinawag ang assistant niya at inutos na kuhain ang kanyang archery set. She stood behind the line at seryosong inasinta ang pulang marka.
Aiming
Breath control
Movement control
Trigger control
Follow-through.
Those are the words that ring in my mind habang pinagmamasdan ko si Ms. Cindy doing her stance and aiming the target. Parang nangyari na ito. A déjà vu? Lalong sumasakit ang ulo ko.
Naghiyawan at palakpakan ang lahat, tinamaan pala niya ang bull's eye. Impressive.
Humarap siya sa akin at tinutok sa dibdib ko ang palaso, ako naman ang kanyang target. “Kapag hindi ka sumali, ang puso mo ang gagawin kong bull’s eye.”
She left me speechless for the second time around. I guess I have no choice but to compete. That woman is Cupid in disguise. Hinagis niya sa paanan ni Boss ang kanyang arrow. “Sa kwarto lang ako, maghihintay,” ang sabi niya at tuluyan ng umalis.
“Sure, wait for me,” buong kumpyansang sagot ni Boss.
Bigla na lang akong nakaramdam ng init sa kaloob-looban ko. I’m fired up. Hindi ako competitive but this time, I will be.
Apat kaming maglalaban-laban. Si Dimitri ay para sa pera, gusto niyang manalo ng dalawang milyon para may ipadala sa mahirap niyang pamilya na nasa Russia. Winter pa naman do’n ngayon at matindi ang snowstorm. Si Boss naman ay obviously lalaban para kay Ms. Cindy. Si Renz naman ay ayaw niya lang panalunin si Boss. Matagal na silang nagtatagisan ng galing at walang gustong magpatalo.
Ako? Para siguro mabuhay pa kaya ako lalaban. Sa talim ng titig sa akin ni Ms. Cindy parang katumbas na ‘yon ng death threat. Marahil, gusto ko rin siyang makasama ng isang gabi baka sakaling matigil na ang aking masasamang panaginip.
Nagsimula na ang laban at kitang-kita sa’ming mga mata ang determinasyong manalo. Lahat kami naka-usad sa second-round ng walang hirap.
Matindi na ang labanan dahil mas malayo at maliit na ang target. Pero hindi naman ito ang unang laro namin, matagal na namin itong ginagawa, ngayon lang may premyong ganito kaya sobrang intense ng laban. Ngayon ko lang sila nakitang ganito ka-seryoso kaya paniguradong walang-awa, walang kaibi-kaibigan ngayon.
Si Dimitri ang nauna, hindi niya expertise ang firearms. He stands six foot-five inches so he’s more into physical combat. Pero matindi ang motivation niya kaya mahirap siyang kalabanin.
Ilang segundo lang niyang sinipat ang target pagkatapos ay tumingin sa akin. “You owe me two million bro.” Sabay kalabit ng gatilyo. At dahil sinadya niyang hindi patamaan ang pulang marka, he lost. Jeez, bigla akong nagka-utang ng dalawang milyon dahil sa malandi kong boss. Kailangan ko tuloy manalo.
Si Renz naman ang sumunod. Sandali lang din niyang sinipat ang target at tumingin din sa akin. “Masasaktan si Kristeta kapag ako ang nanalo.” Sinadya niya rin ilihis ang kanyang baril kaya sa iba ito tumama. Ano bang ginagawa nila?
Mukhang pinaubaya na nila sa akin ang panalo. Na-pressure ako bigla kahit pa wala ni isa sa kanila ang nakatalo sa akin sa larong ito. Si Ms. Cindy ang premyo, do’n pa lang dapat na akong kabahan.
Matagal-tagal kong sinipat at matinding focus ang ginawa ko para tamaan ang target. Nakahinga ako ng maluwag nang natamaan ko ang pulang marka- bulls eye!
Pagkakataon na ni Boss. Matagal din siyang nagconcentrate. As expected, naka bulls eye din siya.
Last round para magka-alaman na kung sino ang mas magaling at pagnanasang maka-sama si Ms.Cindy. Ako ang mauunang puputok kaya wala pang masyadong pressure, sarili ko ang kalaban ko.
“Have you ever wondered why you have scars on your torso?”
Nanlaki ang mga mata ko habang sinisipat ang target, my hands became shaky. Taktika ba ni Boss ang guluhin ako para manalo? Such a lame tactic. Pero epektibo ang ginawa niya, ginulo niya ang isip ko, paano ko nga nakuha ang mga peklat ko?
“Si Cindy ang may-gawa no’n.”
My heartbeat stopped for a few seconds, my knees were trembling, at ang naka-standby na daliri ko sa loop na anytime ay handa nang kalabitin ang gatilyo ay nag-umpisa ng manginig. I was ready to pull the trigger, but I closed my eyes instead. May bulong kasi akong naririnig umaalingawngaw sa aking isip at may pigura ng isang babae akong nakikita. Para akong nananaginip ng gising. Nakikita at naririnig ko lang ito sa aking bangungot, why is it manifesting during daylight? I opened my eyes and pulled the trigger, and bang it hit the bull's eye!
Bagsak-balikat kong naibaba ang aking mga bisig, binuhos ko sa tira na ‘yon ang lakas ko.
“Excellent concentration,” papuri ni Boss. “I thought you’ll blow it up kapag binanggit ko si Cindy.” Sabay ngisi. I felt disgusted, trying to mess me up for him to win? Nah, he’s more than that.
“Cindy was mine.”
Siya naman ang napatigagal sa sinabi ko. Nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay at umigting ang kanyang panga sa galit. Pero patuloy niyang nilalabanan ang emosyon para manatiling focus sa target.
“And she will be mine again tonight.”
Isang malakas na pagputok ang pinakawalan niya, hindi niya natamaan ang bull's eye. Samu’t saring reaksyon ng panghihinayang ang maririnig sa background.
Ang sama ng titig ni Boss sa akin, parang ako ang susunod niyang babarilin. May dinukot siya sa kanyang bulsa at nilagay sa kamay ko ang isang susi. Susi yata ito ng kwarto ni Ms. Cindy.
“She was never yours,” ‘yon lang ang sinabi niya at pumasok na ng mansion.
~~~~~~
Hindi ko alam kung paano ko nasambit ang mga katagang iyon kay Boss Vonn. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong makasama si Ms.Cindy ngayong gabi. Napabuntong-hininga muna ako bago ko isuksok ang susi sa doorknob ng pintuan niya. Pag bukas ko ay tumambad agad ang babaeng nakatalikod, nakaupo sa vanity table, nakapusod ang kanyang buhok at nakasuot ng itim na lacey black nighties na hapit sa kanyang katawan kaya litaw ang kanyang hubog. Sa puti at kinis niya ay maaaninag na lacey thong ang suot niyang pang ibaba at wala siyang suot na bra.
“Good job. What an excellent shooting skill you have or Vonn’s just being rusty. Either of the two, I couldn’t care less,” mahaba niyang pahayag habang nananalamin at nagli-lipstick.
“Wala kang pakialam? Kaya pala nag-abala ka pang magpaganda.”
Hindi naman siya natinag sa pang-aasar ko, nanatiling seryoso ang kanyang awra.
“Nagagandahan ka sa akin?”
Tumayo na siya at dahan-dahang lumapit sa akin, is she seducing me? O sadyang kaakit-akit lang talaga siya. Nagmamayabang ang kanyang tayu-tayong dibdib pero mas nahuhumaling ako sa kanyang mga matang nakatitig sa akin.
“I used to love looking at those fiery eyes,” sabi niya sa malungkot na tinig. Bigla na lang niya akong tinalikuran, papunta siya sa pintuan ng balcony. Sinundan ko siya at hinablot ang kanyang braso. Nabigla ako nang humarap siya sa akin na nangingilid ang mga luha.
Bakit? Ano bang meron? Parang ang pagtingin sa mga mata ko ay nagbibigay sa kanya ng matinding kalungkutan?
“Do you want to own me now?” tanong niya sa akin na parang nagmamaka-awa. Iniwas na ang tingin niya sa akin. Nahiya siya marahil sa kanyang tanong. Muli niya akong tinalikuran at sa aktong pipihitin na niya ang seradura sa balcony ay agad kong hinablot ang kanyang dalawang pulsuhan at idiniin sa pinto. Lumapat ang katawan niya sa pinto at lalo ko pang ipininid ang aking katawan sa kanyang likod. Napakasarap sa pakiramdam na nagdadampian ang aming mga balat. Her curves are turning me on. Seeing her in her defenseless state brings sexval pleasure and unexplainable desire to my innermost.
“Do you love me, Cindy?” I whispered in her ear with burning desire within me.
~~ITUTULOY~~