Chapter Nine: Building Dreams with My Haven

1611 Words
Riley’s POV Alam kong matagal ng may gusto si Dra. Beverly sa akin and I’m flattered. Sino bang lalaki ang hindi matutuwa na hangaan ng isang maganda, magaling, at sexy na doktora. Pero hindi yata natutuwa si Doc sa presensiya ni Miss Cindy, gayon din si Miss sa kanya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Ilang beses kong nahuli ang labanan ng taasan nila ng kilay. Napag-alaman kong dati silang magkaklase noong first year college at pinag-agawan ang isang lalaki. Napaka-palad naman ng lalaking ‘yon. Pinapasok ako ni Doc sa loob ng therapy room pero pinigilan niyang pumasok si Miss Cindy. Hindi ito nagustuhan ng senyorita kaya nilabas na ang galit. “This patient is not in need of therapy. Gusto lang niyang palitan ang dosage ng sleeping pills niya. He doesn’t need to lie down on that stretcher bed and examine his body–” “Oh, wait Miss Estofelli. Sino ba ang doktor dito? Nakapagtapos ka ba ng medisina? Marunong ka na bang gumawa ng sarili mong essay? Na hindi pinagawa sa gwapong bodyguard?” Natahimik si Miss. Hindi kaya ‘yung bodyguard niya ang pinag-agawan nila? Ganoon ba si Miss Cindy no’ng college, nagpapa-gawa ng essay? I can’t imagine. She’s so smart, and skilled, she’s excellent in everything she does. She’s very interesting indeed. “Look, I don’t have to be a doctor to know that Riley is sick and lying in your bed is not his cure.” I can’t believe that I’m hearing it all from Miss Cindy and she’s behaving that way. Pumagitna na ako. “It’s all right Miss, hihiga lang naman ako. It will cause me no harm.” Tumingin naman ako kay doktora, “Doc, can you let Miss Estofelli to stay with me?” Wala ng magawa si Doc kundi ang payagan si Miss Cindy na bantayan ako. Jeez, women. Ang tagal na ng alitan nila pero hanggang ngayon hindi pa rin sila bati. Pati ako nadadamay sa dibdiban nilang laban. Nagsimula na si Doc sa pagsuri sa akin. Maraming beses niya na akong sinuri sa kamang ito at nagpapayo ng kung ano-ano. She’s managing my thoughts and feelings. Teaching me relaxation techniques to help me learn to quiet my mind. Hindi niya pinayo na taasan ang dosage ng aking sleeping pills dahil baka maging dependent na ako sa gamot at tuluyan na akong hindi makatulog. Marami itong magiging masamang side effects in the future. Dalawang oras din kaming nagtagal, dalawang oras din niyang hinawak-hawakan ang kamay ko, minasa-masahe ang ulo, at likod. Pagtapos namin sa clinic ni doktora, agad na pumasok si Miss Cindy sa loob ng kotse at hindi ko mawari ang nakalukot niyang mukha; ang nakasalubong niyang kilay habang naka cross-arms pa. Inilapit ko ang sarili ko sa kanya para ikabit ang seatbelt niya pero kinuha niya ito sa akin. Lalo ko pang hinigpitan ang kapit. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang iritable niyang mukha kaya lalo pa siyang nainis. “Having fun? Masarap ba siyang magmasahe? Magaling humagod? Physical Therapist na pala siya ngayon. Masaya bang pinag-aagawan?” Nabigla ako sa tanong niya, are they fighting over me? Kinabit ko na ang seatbelt niya kaya wala na siyang nagawa. Pinisil ko ang kanyang pisngi ng bahagya kaya lalo pa siyang nainis. “Ganito pala pakiramdam ng may girlfriend na sinusuyo.” “Oh c’mon, Riley. I’m not jealous. If that’s what you’re thinking.” “Wala naman akong sinasabi. Ikaw lang ang nag-iisip niyan.” Sasagot pa sana siya pero binuhay ko na ang makina at niyayang kumain sa labas. Dinala ko siya sa mall. Parang first time ko lang yata makipag-date, kung iyon man ang tawag sa ginawa namin. Kahit kailan hindi ko man lang naisip na magyaya sa isang babae na makipag-date. Hindi naman ako torpe, hindi rin mapili, sadyang abala lang sa trabaho. Maaga pa para umuwi kaya dinala ko muna si Miss Cindy sa bahay na binili ko. Malapit ito sa tabing dagat. Payapa ang paligid at sariwa ang hangin. Hindi naman ito kalakihan, isang two-storey house, hindi rin fully-furnished dahil wala pa naman naka-tira pero pwede ng tulugan. Inalalayan ko si Miss Cindy papasok ng bahay at binuksan ang bintana. Matatanaw mula rito ang bughaw at payapang dagat. Umupo siya sa sofa at pinagmasdan ang kabuuang interior ng simple kong bahay. Huminga ako ng malalim at dinama ang simoy ng hangin. “Pinaghirapan ko ang pambili ng bahay na ito, kaya ito lang ang nakayanan ko. Hindi ito galing sa iligal na gawain.” “Interesting. May I know saan galing?” “Profit shares sa Estofelli Real Estate.” “Oh, ang nag-iisang legal na business ni Dad.” “I advised him to invest half of his wealth in real estate business. It was too risky but if he truly trusts me, I told him that it will be all worth it. Am glad he heed my advice. Dalawa kasi ang benefit no’n, una, mag e-expand ang business niya, mapapalawak ang koneksyon niya both in corporate and political affiliates. Second, it will be some kind of a put up a front, bluff, something like that. It will serve as a front act to conceal our illegal business. Tingin mo, paanong hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukulong si Don Tomasso, bukod sa hawak niya ang mga pulis? Simple lang, dahil sa Estofelli Real Estate, nakilala siya bilang business tycoon at hindi bilang Mafia Boss. Lalo na ang mga pina-falsificate kong documents, mga gawa-gawang business ni Don sa Italy to make him a credible businessman.” “Magaling ka kasing lawyer kaya nakakalusot pa ang F. Felli. What if, wala ka na? I don’t think makaka-survive ang Familia sa pagpapatakbo ni Vonn mag-isa. Kaya kahit sagad hanggang langit ang insecurity niya sa’yo, he cannot afford to dispatch you.” I smiled. Ngayon ko lang siya narinig na nag-compliment sa akin. “So, paano mo nagawa ang pag peke ng documents sa Italy? Of course, the court would verify it first—” “I wouldn’t be your Dad’s consigliere for nothing. I have my ways Cindy.” “So, what do you mean? Flexing how great and capable you are? Should I clap clap for you?” sarkastiko niyang tanong. She even gestured her hands for an applause. Ang hambog siguro ng dating ko kaya napa-buntong-hininga ako. “I mean nothing. I just want you to know that your Dad owes me a lot. Pinaghirapan ko kung nasaan man ako ngayon. Ilang beses kong sinara ang pintuan ng bilangguan para sa dad mo. I strengthened the foundation of the Estofelli. I made his kingdom bulletproof. Then what did I get in return? Maging asong alalay ni Vonn. Is that fair?” Nanatili lang siyang tahimik. She knows where my sentiments are coming from. Iniba ko na lang ang usapan. “Magugustuhan kaya ni doktora ang bahay na ‘to?” Napayuko siya nang tumingin ako sa kinauupuan niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko. “I’m already in my late twenty’s. Gusto ko rin bumuo ng pamilya. To have a loving wife who will bear me lovely children. Sa kanila ko iaalay lahat ng pagmamahal at pinaghirapan ko.” Tumayo na siya at nagyaya ng umuwi. “Let’s go. Naghihintay na si Vonn.” Nangingilid ang luha niya at may nginig sa kanyang boses. Lalabas na sana siya ng pinto nang hinawakan ko ang kamay niya kaya siya nahinto. “Siguradong magugustuhan ng Beverly mo itong bahay mo. No doubt about it,” sabi niya habang tinatanggal ang pagkaka-kapit ko sa kamay niya. Pero mas lalo ko pa itong hinigpitan. “Don’t you like it?” I sincerely asked, almost a whisper. “Kumpara sa Estofelli Mansion, walang-wala ang bahay na ito. Hinding-hindi ko matatapatan ang mga kayang ibigay ni Vonn—” “Riley, please enough. Do you think I’m after billions of dirty money? I desire power? Naranasan ko na lahat ng karangyaan sa buhay. Pero hindi nito kayang punan ang lungkot sa puso ko. Gusto ko rin magka-pamilyang buo at masaya. Isang haligi ng tahanan na katuwang sa hirap at ginhawa—” “Then, let’s give it a try…” I sincerely said while looking at her beautiful yet sad brown eyes. Iginiya ng dalawang kamay ko ang magkabila niyang braso sa pader at isinandal ang likod doon. “We can’t,” iyon lang ang sinabi niya at mukhang aalis na. Itinukod ko ang mga bisig ko sa pader para hindi siya makawala sa akin. Marami pa kaming dapat pag-usapan. “Nagseselos ka kay doktora. Pero tinanggihan mo naman ako. You want me to be alone for the rest of my life?” Iniwas niya ang tingin sa akin at halos pabulong na sinabing, “hindi ka pa nga umaamin sa akin—” Napangiti ako, oo nga pala, hindi ko pa nasasabing gusto ko siya at niyaya ko agad na bumuo ng pamilya sa bahay na ito. Pakiramdam ko kasi, matagal ko na siyang kilala. Hinawakan ko ang malambot niyang kamay at inilagay sa dibdib ko. “I love you Mercindy. Alam kong napakabilis pero alam kong matagal na tayong magkakilala. Hindi ka man matandaan ng isip ko pero naaalala ka ng puso ko.” Hinalikan ko ang malambot niyang mga labi. Binitiwan ko na ang kamay niya upang pihitin siya papalapit sa akin. She threw her arms around my nape at ginantihan ng mas mainit ang aking halik. Matagal-tagal din ang palitan namin ng halik at halinghing bago ko naisipang tumigil. Binuhat ko siya na parang bago kaming kasal at dinala sa second floor, sa master’s bedroom. ~ ~ITUTULOY ~ ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD