: WARNING-SPG Riley’s POV Dinala ko si Miss Cindy sa master’s bedroom at dahan-dahang inihiga sa malambot na kama. Hindi man kasing gara at laki ng kama niya ay sapat na para maligayahan kami. Maisip ko pa lang na maaangkin ko na siya ngayon, nag-iinit agad ako. Mabilisan kong hinubad ang aking blue v-neck shirt. Lumungkot pa lalo ang kanyang mga mata nang makita ang mga latay sa aking katawan. Batid naman niya na dumaan kami nila Vonn, Dimitri, at Renz sa matinding training para maabot ang ranggong capo. “Hindi ka pa ba sanay kay Vonn? Marami rin siyang peklat, hindi na iba sa’yo makakita nito.” “Pero sa likod lang ang sa kanya at hindi ganyan katindi at karami.” Hinimas ng dulo niyang daliri ang malalim na peklat sa aking balikat. Hindi ko na matandan kung saan ko ito nakuha. Tama

