_{PRINCESS's POV}_ "Miss Leizle, 5 mins na lang po, kayo na." sabi ni Mhay, ang aking P. A, tumango naman ako rito at inayos ko na ang aking sarili. Narito kasi ako ngayon sa Cebu, para sa aking Lokal Fashion Show, na pinuntahan. Ayaw ko na muna sana 'tong i-grab kasi palaging masama ang aking pakiramdam nitong mga huling araw, pero tinanggap ko na rin lang para malibang at ma-divert sa ibang bagay ang aking isip, dahil kung hindi ko 'yon gagawin ay lalo lang akong mahihirapan at mababaon sa pag iisip sa sitwasyon namin ngayon ni Luke. Almost 2 weeks na rin ng makauwi kami galing U. S mula sa aming honeymoon, at mahigit dalawang linggo na rin na wala kaming maayos na sitwasyon. Ramdam at kita ko ang pagbabago nito sa akin, ang panlalamig ng pakikitungo nito at palaging tahimik na akala m

