Nakatitig lang ako sa magandang mukha ni Princess at pinapanood ang bawat pag nguya nito kahit ang pagsubo nito ng pagkain ay aking mariing tinititigan. Napakagandang tanawin para sa akin, napaka pino nitong kumilos sa lahat ng bagay, kahit ang makipag usap sa mga tao ay hindi mo kakikitaan ng kapintasan, kaya hindi ko maiwasan na hindi humanga para sa babae na aking pinakasalan, ngunit ang paghangang 'yon na aking nararamdaman para rito ay waring may kung anong damdamin naman ang pumipigil, pumipigil na waring 'wag akong tuloyan na mahulog dito. At hindi ko maintindihan kung ano ang bagay na pumipigil na 'yon. "W-why?" mahinanong tanong ni Princess kaya bahagya naman akong napapitlag, hindi ko na namalayan na nakatingin na rin pala 'to sa akin, dahil sa kung ano ano'ng tumatakbo sa aking

