Pagbaba ko sa ibaba ay nakita ko si Manang Sylvia na nakatayo sa b****a ng kusina at may hawak itong isang bagay, habang si Sarah naman ay nakatingin dito habang tumutulo ang luha, kusa namang humakbang ang aking mga paa patungo sa kinaroroan ng dalawa. "Manang Sylvia, Sarah?" tawag ko sa mga 'to at sabay naman ang naging paglingon ng dalawa sa akin, ngunit napatutok naman ang aking paningin sa hawak ni Manang Sylvia na scarf at apron, inabot ko ang hawak nito, saka ko tiningnan. At sa pagkakataong 'yon ay naramdaman ko na naman ang pagkirot ng aking puso, na pati ang aking mga luha ay nagbabadya na naman tumulo, tumingala ako para mapigilan ang tuloyang pag alpas ng aking mga luha, pagkatapos ay muli akong tumungo at muling tiningnan ang dalawang bagay na hawak ko, na kinuha ko kay Manan

