"Sir, tumawag po pala si Attorney Sarmiento at nagpa-set po ng appointment kung kailan daw po kayo maluwag, actually po, last week pa po sana 'yon kaso, po sabi ko on leave po kayo nun, eh ngayon po tumawag uli. E-accept ko po ba? Sabi n'yo po kasi na 'wag muna akong tatanggap ng any appointment ngayon hangga't hindi n'yo sinasabi, kaso po kasi, importante raw po sabi ni Attorney Sarmiento," mahabang paliwag sa akin ni Ann nang bumungad ito sa pintuan ng aking opisina. "Ok! Tomorrow morning. I have to go!" simpleng sagot ko rito pagkatapos ay tumayo na rin ako at nagpasyang umuwi na muna sa bahay namin ni Leizle bago pumunta ng Hospital, at sa pagkakataong 'to ay ngayon pa lang uli ako makakauwi sa bahay namin, simula nung huling araw na umuwi ako noon doon, nang masaksihan ko 'tong namil

