EPISODE SIX

1018 Words
Apat na oras na ang nakakaraan mula nang tamaan ako ng bola nang pinakakamamahal kong si Rafael. Para ako baliw na nakahawak parin sa aking noo habang naka nga-nga akong nakatingin sa kawalan. "Ate!" sigaw sa akin nang aking kapatid. Agad naman ako umayos ng pagkakatayo at naka tingala pa rin sa kawalan. "Ate! ano ba ang nangyayari sa'yo at kanina ka pa nababaliw d'yan?" Napahiya ako inayos ang aking buhok at yumuko sa aking bunsong kapatid na si Akiko. "Ano ba 'yon? at kailangan mo pang sigawan ang ate?" Nakangiti kong tanong sa kaniya. Umupo nang pabagsak ang bata at para bang may malaking itong problema sa buhay. "Ate, kasi, kanina pa kita tinatanong abala ka naman d'yan!" Nagtatampo niyang saad. Tumabi ako sa kaniyang pagkakaupo at tinanong ko siya ulit. "Sige na, sabihin mo sa Ate kung ano 'yan," Nakangiti ko pa rin sabi. Malungkot na tiningnan ako nang bata. 'tska ito nag salita. "Ate, kailangan mo daw pumunta bukas nang Paaralan," malungkot na sabi nito. Tiningnan ko ang aking bunsong kapatid. At nagtatanong ang aking mata. "Ate, nakipag away kasi ako kanina," naka yuko nitong sabi sa akin. Napatampal ako sa noo at tinanong ko siya ulit. "Bakit na naman? Hay, Akiko ano na ang gagawin ko sa'yo!" Nag aalalang sabi ko sa aking kapatid. Yumuko ito at muli nag salita. "Pag pasensyahan mo na ako Ate, e, kaya ko naman 'yon nagawa dahil ipinagtanggol ko lang ang sarili ko," Wika nito sa mababang boses. Napatingin ako dito at nag tanong. "At bakit? Akiko ano ba kasi ang problema mo?" Malakas na boses na tanong ko sa kaniya. Napansin ko ang pamumuo nang luha sa kaniyang mata at ang namumula niyang pisngi. "Tinawag kasi nila akong Putok sa buho," umiiyak na sabi ni Akiko. Napatanga ako sa sinabi nang bata. Hindi ko akalain na mangyayari ang ganitong bagay. Akala ko sa loob lang nang bahay ko maririnig ang mga katagang iyon. "Ate, Ano ba kasi ang ibig sabihin ng salitang 'yon?" Tanong sa 'kin ni Akiko. "Ate, malaki na ako. baka puwede ko malaman kung ano ibig sabihin 'yon!" Sunod pa nitong sabi. Umiling ako at napakagat labi ako bago huminga ng malalim. "Akiko, pumasok ka na sa kwarto," utos ko sa mababang boses. "P--pero." Sabi ni Akiko. Tiningnan ko nang masama si Akiko bago nagsalita. "Akiko!" Mariin kong sabi sa kaniya. Agad naman sumunod ang bata at naiwan ako sa sala. Napaupo ako sa lumang sofa at hilamos ang sariling magkabilang palad. Alas Otso ng umaga mabilis ko nilakad ang Guidance office nang mababang Paaralan nang San Agustine kung saan nag aaral ang aking kapatid na si Akiko. "Ms. Pheguia, alam mo ba kung bakit kita ipinatawag dito?" Seryosong tanong nang Principal. Napaupo ako nang tuwid at Sinapo ko ang pawisan kong noo. "Naki pag away daw ang aking kapatid," Kinakabahan kong sabi. Tumingin sa akin Ang Principal at umiling ito. "Ms. Pheguia, si Akiko ay ilang beses nang nakipag suntokan sa mga kaklase," Paliwanag ng Principal. Napa iling lang ako at napatahimik. kinakabahan ako sa susunod pang sasabihin nang Principal. "Ms. Pheguia, buhay pa ba ang mga Magulang ninyo?" tanong sa akin. Alam ko na ang sasabihin ni Principal at kinakabahan ako sa puwedeng mangyari. "Ms. Pheguia, Kung ganito palagi ang nangyayari mapipilitan kami ibigay sa DSWD ang inyong kapatid," Sabi ng Principal. Biglang pumatak ang aking luha nang marinig ko ang gagawin ni Principal. Ayaw kong iasa sa iba ang pag aalaga sa aking kapatid. Siya lang ang nagbibigay sa 'kin ng lakas na loob. Ayaw ko pati siya ay mawala sa akin. Kinagat ko muna ang pang ibaba kong labi upang hindi tuluyan kumawala ang luha. "Ma'am, maawa po kayo sa 'kin, huwag mo sa 'kin kunin ang kapatid ko,"tuluyan nang kumawala ang aking luha. "Pero Ms. Pheguia." Sabi ng Principal. Halata itong nahihirapan din. muli ito nag salita ulit. "Bibigyan pa kita ng isa pang chance, pero kapag hindi pa tumino 'yang kapatid mo, mapipilitan na kami," Sabi ng Principal. Parang nabunutan ako nang tinik sa dibdib nang pumayag ang Principal. "Maraming maraming salamat po!" Sabi ko sa Principal. "Wala 'yon. alam ko na lulong na sa alak ang Nanay mo, sa'yo ako naaawa," Wika ng principal PARANG uusok ang ilong ko sa inis nang makasalubong ko ang unggoy na si Fabian. Malaki ang pagkakangiti ito halos umabot na sa tainga ang pag kakangiti. Kung puwede ko sana lagpasan ginawa ko na kaso parang gusto manadiya 'ata ang lalaki. "Good morning," Wika nito. Parang walang nangyari kahapon at may pabati-bati pa siyang nalalaman. Sa halip na sagutin ko siya. Nilagpasan ko lang ito na parang wala ako narinig. "Hey! Kinakausap pa Kita ah!" sigaw niya sa akin habang nakasunod ito sa akin papasok. Hindi ko na ito pinansin nang humarang sa dinadaanan ko. Sabay pangisi-ngisi ito. "Puwede ba, padaanin mo ako Sir!" pinag diinan ko ang salitang Sir. Ngumisi ito at tumingin sa paligid. "Pasalamat ka at maraming tao dito," pananakot niyang sabi sa akin. Sa halip na matakot ako kinuha ko ang kabila niyang braso at hinila ko 'yon. "Pinaka ayaw ko ay ang masyado mataas ang tingin sa sarili!" Ibinulong ko dito sa kaniya. Wala na siya nagawa kun'di ang umalis sa kaniyang kinatatayuan. "May araw ka din sa' kin!" Pasigaw niyang sabi. Alas nuebe na ng umaga pero wala pa rin dumadating na Aling Mily. Ayaw ko mag isip pero masama ang kutob kong hindi papasok ang matanda. Pabalik-balik ko tinitingnan ang orasan hanggang sa nag alas dose na. "Sir, lalabas muna ako, para makapananghalian," Sabi ko sa mayabang na si Fabian. Ibinaba nito ang cellphone at tumingin sa akin. "Ms. Sungit, Nakikita mo bang kumain na ako? Hindi 'Di ba?" nakangisi nitong sabi. Tiningnan ko ulit ang oras minus twenty ito para mag Ala una na. "Pero Sir! Mag a Ala una na po! Baka naman po puweding kumain muna ako!" Inis ko parin wika. Tumingin ito sa akin ng masama at kinuha ulit ang cellphone bago ito nag salita. "Ms. Sungit, sana naisip mo 'yan bago mo ako tinarayan kanina," nakangisi pa rin nitong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD