"Nakita mo na loves? nakita mo na ang pag uugali ng mayabang mong anak!" wika nito sa aking nanay. sabay duro sa' kin.
Loves ang tawag ni Tiyo Kanor sa Nanay sa tuwing may kailangan ito. kaya't lalo niya nabibilog ang ulo ng aking nanay sa matatamis nitong salita.
"Loves, hayaan mo na at kakausapin ko minsan," Sabi ng aking nanay sa batugan niyang asawa.
Parang babaliktad ang aking sikmura ng gawaran niya ito ng halik.
"Sige na, pumasok ka na at susunod na lang ako," Kinikilig pa na sabi ng nanay ko.
Bago pumasok ng kwarto si Tiyo Kanor ay naglambing muna siya sa uto-uto kong ina.
"Nakaka suka kayo!" sambit ko dito at tumalikod na ako.
Hindi ko alam sumunod pala sa akin si nanay hanggang sa pag pasok ko ng kwarto.
"Anak, puwede ba tayo mag usap?" panimula niya.
Umupo ito sa gilid ng kama. kasalukuyan naman nagtutupi ako ng damit.
"Inay, kung tungkol ho 'yan sa sinabi mo kanina! kalimutan mo na," Inis na sabi ko sa kaniya.
"Anak, hayaan mo at kapag magaling na ang paa ko, ako na ang mag tatrabaho," sagot nito sa mababang boses.
Tumingin ako sa kaniya habang nagpapa awa ang kaniyang itsura. Kun'di ko lang siya nanay minsan gusto ko na lang siya batukan.
"Nanay, titingnan ko kung may mapapasukan akong ibang pag kakakitaan," sabi ko.
lumapit sa akin si Nanay at mahigpit na yumakap.
"Sabi ko naman mabait ka! salamat anak at pinag bigyan mo 'ko!" natutuwang sabi ng aking ina.
Mataan ko siya pinag mamasdan at hindi ko maiwasan mag selos sa ibinibigay niyang pag mamahal at pag aalaga sa anak ng kan'yang asawa.
"Ito at may listahan akong nakahanda," excited niyang sabi.
Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.
"Listahan? para saan ho ba Inay?" Agad kong tanong.
Dumukot ito sa bulsa at pag karaan ay ibinigay niya sa akin ang kapirasong papel.
"Ano po ito Inay?" tanong ko sa kaniya.
Sabay buklat sa kapirasong papel.
"Nanay! ang sabi ko, titingnan ko kung may mapapasukan pa akong pag kakakitaan!" malakas kong sabi. "Anak naman, para handa ka na sa bibilihin mo," Singit niyang sabi.
Napa sapo ako ng mukha habang ang aking Nanay ay masaya itong binabasa ang ginawang listahan para sa kakailanganin ni Dante.
"Dalawang paris na Pantalon at isang Adidas na S--sap--,"
Putol niya sa iba pang sasabihin nang sigawa ko siya.
"Inay! papatayin mo ba ako? ayaw mo ba pag aralin si Akiko? Inay, naman!" naiiyak kong sabi.
Hindi ko alam kung ano ang ipinakain nang mag amang 'yon sa aking ina at mas pinipili niya ang mag ama kaysa sa 'min mga anak niya.
Pagkatapos ko masigawan si Nanay ay tahimik itong lumabas nang kwarto at naiwan naman akong umiiyak.
Kinabukasan araw ng Linggo matamlay ako naglalaba kasabay ko si Aling Emma at may ibinubulong ito sa akin.
"Ano po? huwag ka kasi bumulong at hindi kita marinig!"
Sabi ko sa kaniya.
"Ikaw naman, Alam mo ang slow mo," Bulong pa nito sa akin.
Inayos ko ang basket na nakaharang sa pagitan namin ni Aling Emma upang marinig ko ang ibinubulong ito.
"Sabi ko, mamaya na ang dating ni Sir Rafael." bulong niya ulit sa akin.
Sa sobrang excited ko ay napatutup ako ng bibig at lumaking ang aking mga mata napahawak ako sa braso ni Aling Emma.
"Talaga po? huwag mo naman ako biruin aling Emma!" sabi ko dito at napakamot ulo ako.
"Ikaw bata ka, kailan ba ako nag biro sa'yo?" Inis na sabi ni Aling Emma.
Napangiti ako nang sabihin ni Aling Emma na hindi siya nag bibiro at totoo ang sinasabi. Pero ang excitement na nararamdaman ko ay may kalakip na pangamba.
"Oh, bakit ganiyan ang itsura mo? kanina lang para kang praning diyan dahil darating si Sir Rafael," takang tanong ni Aling Emma.
"Eh, Aling Emma, paano kung hindi niya ako magustohan?" mahina kong sabi.
Humalakhak si Aling Emma sa sinabi ko. pinalakihan ako ng mata.
"Gusto agad? Ano ka ba naman bata ka, kung saan-saan pumupunta iyang imahenasyon mo," sabi nito sa akin sabay batok ng aking noo.
Nabigla naman ako sa ginawa ng matanda at napatawa ako.
"Aray! parang nangangarap lang ang tao, hindi pa ako ma-suportahan nito," Natatawa kong sabi. sabay sapo sa akin noo.
Bago ako umuwi nang bahay ay dumaan muna ako ng tindahan upang bumili nang ulam. dahil alam kong hindi na naman nag luto ang aking Nanay.
Dahan-dahan ko binuksan ang pinto at dahil madilim ang loob ng kabahayan ay kinuha ko ang lighter upang mag sindi ng kandila at tinawag ang bunso kong kapatid na si Akiko.
"Akiko, nandito na ako! bakit hindi mo binuksan ang ilaw?" Pinalakas ko ang aking boses upang marinig nang ibang tao sa bahay.
Narinig ko ang ingay ng pinto at lumabas doon ang bunso kong kapatid.
"Ate, Naputulan na po tayo nang ilaw," sabi nito sa akin.
"Naputulan? kabibigay ko lang ng pera kay Tiyo Kanor ah!" takang tanong ko dito.
Umiling ang batang si Akiko. Napabuntong hinga ako nang makita kong umupo ito sa harap ng mesa.
"Ate, may dala ka bang pag kain?" mahina niya ito tanong sa akin.
Kunot noo ako humakbang palapit sa mesa at tiningnan ko ang kaldero. Napa-tampal ako sa noo nang makita kong walang laman ito.
"Bakit hindi kayo nag saing?" Inis na tanong ko sa bata. "Ate, Wala na po tayong bigas," nakayuko nitong sagot.
At doon na sumabog ang inis ko. Kakabili ko lang kahapon papaanong naubos.
"May bigas dito kanina ah! saan napunta ang bigas na iyon?" Inis kong tanong.
"E, Ate, dumating kanina si Kuya Dante at may mga kasamahan," sagot ni Akiko.
Habang inis ako umupo sa mahabang upuan ay narinig ko ang papalapit na boses. umirap ako nang makita ko kung sino ang paparating.
"May dala ka bang pag kain? gutom na kasi ako," tanong ng batugan na si Tiyo Kanor.
Padabog ako tumayo ay tinungo ang pinto.
"Hali ka na Akiko matulog na tayo, bukas ka na kumain!" sabi ko sa kay Akiko.
"Lintik! kapag kinakausap kita huwag mo ako pinagdadabugan!" Galit na sabi ni Tiyo kanor.
Binalingan ko ito at tinapunan ko ng masamang tingin.
"Huwag mo ako malintik lintik! at isa pa wala akong dalang lalamunin niyo!" galit na sabi ko.