EPISODE EIGHT

1035 Words
"Wala na ang Tatay ko, si Nanay naman bukod sa nag asawa na ng iba lulong na ito sa alak. Tanging ang siyam na taon gulang kong kapatid ang may malasakit sa 'kin," mahabang sabi ni Ola. Nakita ko na naman ang malungkot niyang mga mata. Marahil tama ang kaniyang sinabi pero dapat may makakasama siya dito sa ospital. May trabaho ako naiwan. Takot man ako sa aking Ate Elissa ay tinawagan ko siya para sabihin ang nangyari para alam niya at hindi siya mag hanap sa akin. "Hello! Ate hindi muna ako makaka uwi sa ngayon, may kailangan lang ako tapusin muna," sabi ko sa kabilang linya. Kilala ko ang aking kapatid ayaw na ayaw niyang pinaghihintay siya kaya minabuti kong sabihin sa kaniya. Pero hindi ang pamamalagi ko sa ospital. Mahirap na kapag nag punta pa siya dito at manggulo na naman. Tiningnan ko ang nakahiga at mahimbing ito natutulog. Hindi ko alam kung bakit ganito na ang nararamdaman kong awa para sa taong ito. Lumapit ako dito ay pinag masdan siya habang mahimbing na natutulog. Pakiramdam ko matagal ko na siya nakita. Pero hindi ko matukoy kung saan. Kinuha ko ang kaniyang mga palad at hinaplos 'yon. "Ola, ilang araw ka ba mamalagi dito?" Bulong ko sa aking isip. Nakita kong gumalaw ang dalagita. "Puwede ka na umuwi kong gusto mo," Wika nito. Marahil narinig niya ang pag bulong ko. Bakit ba puro awa ang nangingibabaw sa akin sa tuwing maririnig ko ang boses niya. Buntong hinga ang pinakawalan ko bago lisanin ang silid na 'yon. "Dr. Magtatagal ba dito si Ola?" tanong ko sa Dr. Nang maratnan ko ito sa labas. "Mr. Mendez, puwede mo na siya iuwi mamayang hapon," Sagot nito sa akin. Malaki ang pagkaka ngiti ko habang pabalik ako ng silid ni Ola. Nakita ko ang pag iimpake ng dalagita. Pagkuway nag salita ito. "Maraming salamat Mr. Mendez," Nakangiti nitong sabi. Laking pag kabigla ko nang banggitin niya ang Mr. Mendez kung ganon kilala na niya ako dati. "Excuse me? Mr. Mendez? How did you know my family name?" Takang tanong ko sa dalagita. Kapansin pansin ang naging itsura nito halos hindi ito makasagot ng Matino. Kaya hinayaan ko na lang ito. "S--sa Dr.! Oo sa Dr. ko nalaman," utal niyang sabi. Kahit sinabi niyang sa Dr. niya ito nalaman hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi. Ibinalik ang aking pansin sa kaniyang mga gamit. Halatang galing ito palingke nang mabangga ko siya kagabi. Kahit anong gawin ko pag aalok ihatid si Ola sa kanilang tinitirahan ay hindi ito pumayag. Bagaman bago ko siya iwan ay inabutan ko ito ng dalawang libo. Nahihiya man niya ito tinanggap. PAG BUKAS ko pa lang ng pinto ay nabungaran ko si Ate Elissa. Nakapamaywang ito at hindi maipinta ang kaniyang mukha. "My God Rafael! magdamag kami dito nag hintay sa'yo!" Galit na sabi ni Ate Elissa. Umiling lang ako at tinungo ko ang pinto papunta mini bar. Hindi ko alam na nakasunod pala ito sa akin at walang balak tumahimik hanggang hindi ako nakakapag paliwanag dito. "Puwede mo ba ipaliwanag kung bakit bigla ka na lang nawala kagabi?" Inis pa rin sabi ni Ate. Paano ko ba sasabihin na muntik na ako makapatay dahil sa pagmamadali ko dahil sa lintik na party kagabi. "Pagod ako Ate, Puwede ba bukas ka na lang manirmon!" mariin kong sagot dito. Nakita ko ang pag ka dismaya niya kaya naupo lang ito sa mahabang sofa. "Nakakahiya doon sa pamilya ni Morgan, Rafael," pag hihinayang niya. Muli ko nilasahan ang paborito kong alak 'tsaka ito sumagot. "Huwag ka nang mahiya doon, total naman, sila ang may gusto ng party," sarkastiko kong sagot sa ate. Pagkuwan ay tumalikod na ako papuntang paakyat ng hagdanan. "Rafael!" narinig ko pang sabi ni Ate. Mula nang manirahan sa ibang bansa si Daddy kasama ang bago nitong pamilya ay naging sunod-sunoran na si Mommy sa kagustohan ni Ate. Ultimo sarili namin buhay ay siya na ang nag papatakbo nito. At dahil siya ang panganay sa 'min magkakapatid ay wala kami magawa kun'di ang sumunod sa kaniyang kagustohan. Tulad ng pakikipag kasundo niya sa akin sa kaisa-isang at best friend niyang si Morgan. Pabagsak ko isinara ang pinto at tinungo ang kama upang mag pahinga. Ganito na lang palagi kapag ipinipilit sa akin ni Ate ang kaibigan. Alam ko naman kaya ginagawa ni Ate ang lahat dahil sa pansariling niyang kapakanan. Kung tutuosin hindi naman namin kailangan dumikit sa may malalaking pangalan dahil kaya naman namin tumayo sa sarili namin mga paa na hindi nadadamay ang sarili namin kaligayahan. Talagang si Ate lang ang hindi makuntento kung anong mayroon kami. Napasandal ako sa head board ng aking kama at napapikit lamang ito sa isipin kailan kaya mangyayari ang hindi makialam si Ate sa kaligayahan ko. Sunod -sunod na katok ang pumukaw ng aking diwa. "Kuya," tawag sa akin ng nakakabata kong kapatid na si Erika. "Pasok," sabi ko dito. Masayang mukha ang isinalubong sa akin. Umupo ito sa gilid ng kama. "May problema ba ang aming Prinsesa?" tanong ko dito. "Wala po kuya, eh, kuya. Gusto ko po sana mag pahatid sa'yo bukas," malambing niyang wika. Napakunot noo ako dito. "At bakit? Saan na naman ba pupunta ang aming Prinsesa?" tanong ko sa kaniya. "Eh, Kuya, hanggang ngayon po kasi hindi pumapasok iyong kaibigan ko, baka may sakit kasi siya," malungkot na sabi niya. Muli ako napakunot noo. Ang alam ko walang kaibigan ang aking kapatid sa Paaralan dahil sa pihikan ito pagdating sa pakikipag kaibigan. "At kailan ka pa nag karoon ng kaibigan sa Paaralan na hindi ko alam?" makulit na tanong ko. "Eh, hindi naman sa Paaralan kuya!" pikon na sagot niya. Hinawakan ko ang mag kabila niyang balikat at ini-angat ko ang kaniyang mukha. "Erika, may hindi ka ba sinasabi sa' kin?" Seryoso kong tanong sa kaniya. Inalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang balikat at biglang kinuha ang unan at ibinato 'yon sa akin. "Kuya! Ano ba ang pinag sasabi mo d'yan?" natatawa niyang sabi sa akin. Napasapo ako ng ulo kung saan tinamaan ng unan 'tsaka ako tumayo. "Erika, bata ka pa, huwag ka mag kakamali baliin ang mga pangako mo sa 'kin!" pag babanta ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD