Halos mahigit bente singko minuto din ang itinagal ni Dex sa operating room. Dinala na siya ngayon sa recovery room for observation.
Ngayon pa lang nakahinga ng maluwag si Cass nang puntahan siya ng Doktor para sabihing successful ang naging operasyon.
Hindi niya alam kung gaano ito katagal sa recovery room bago ilipat sa hospital suite kaya't nagpasya siyang manatili na lang doon at hintayin na lamang na magising ito.
Parang kinurot ang puso ni Cass habang pinagmamasdan si Dex na ngayon ay natutulog pa rin dahil sa epekto ng anesthesia na itinurok sa kaniya. Buti na lang at pinayagan siya ng doktor na makapasok sa recovery room. Binilinan na lang siya na tumawag sa nurse's station pag nagising na ito.
Masungit man ang binata pero nararamdaman niyang may kabutihan itong tinatago. Bigla din siyang nakaramdam ng awa rito dahil sa kabila ng pagiging successful sa negosyo, kayamanan, gwapo at halos lahat na yata ng magagndang bagay sa buhay ay nasa kaniya na pero salat naman sa pagmamahal ng pamilya. Ni hindi man lang nga ito kinakamusta ng magulang o ng kapatid.
Pinagsawa niya muna ang sarili sa pagtitig sa binata habang tulog pa dahil ito ang bagay na hindi niya magawa, ang salubungin ng tingin ang mata nito lalo na sa tuwing ito ay nagagalit.
Never niya pa ito nakitang nakangiti pero hindi malaman ni Cass kung bakit
hindi talaga niya maiwasang humanga sa taglay nitong ka gwapuhan. Parang may kung anong magnet ang humihila sa mata niya sa tuwing mapapatitig siya sa mukha nito.
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang doktor ni Dex at sa likuran ay may nakasunod na babae at lalaking sa tantiya niya ay nasa early 60's. Naka wheelchair ang babae at tulak-tulak iyon ng babaeng naka scrub suit na sa tingin niya ay katulad din niya na isang private nurse.
Lumipat siya sa kabilang side para magbigay ng espasyo nang maramdamang papalapit ang mga ito sa kama ni Dex.
"Maya-maya magigising na rin siya pag nawala ang bisa ng anesthesia. Huwag kayong mag-alala dahil successful ang naging operasyon. Mauuna na ako dahil may emergency sa OR." Nakangiting paalam ng doktor ni Dex.
"Maraming salamat Dok." sabay na wika ng dalawang matanda.
Nagtataka si Cass kung sino ang mga taong ito dahil wala namang sinabi si manang Rosa na dadalaw sa binata ngayong araw.
Nang makalapit ang matandang babae na nakaupo sa wheelchair ay ginagap nito ang kamay ni Dex na kung saan mayroon pang nakakabit na dextrose at saka tahimik na humikbi.
Makikita rin ang kalungkutan sa mata ng matandang lalaki habang nakamasid sa natutulog na binata.
"Let's go dad." anas ng babaeng nakaupo sa wheelchair pagkatapos ay bahagya pang hinaplos ang kamay ni Dex bago ito unti-unting binitiwan.
Tumango lang ang matandang lalaki ngunit bago pa man sila makalabas ng recovery room ay muling nagsalita ang babae sa wheelchair.
"Sandali." pagkatapos ay nilingon si Cass. "hija come here please."
Agad lumapit si Cass sa kinaroroonan nito.
"Ikaw si Cassandra? Ang private nurse ni Dex tama ba?" Nakangiting wika nito sa kaniya.
"Ako nga ho, pwede ko po bang malaman kung sino sila para masabi ko kay sir Dex na may bumisita sa kaniya."
"kami si Mr and Mrs Greyson, mga magulang ni Dex." Pagpapakilala ng matandang babae
Namilog ang mata ni Cass at bahagya pang napaawang ang labi saka napatingin sa matandang lalaki, kaya naman pala malaki ang pagkakahawig nito kay Dex. Naghihinala na siya kanina pa dahil talagang para silang pinagbiyak na bunga ng binata. Lalong lalo na ang mapungay na hazel brown nitong mga mata
Muli siyang yumuko para kausapin ang babaeng nagpakilalang ina ni Dex.
"Naku, aalis na po ba kayo? Hindi niyo na po ba hihintaying magising si sir? siguradong matutuwa siya pag nalaman na nandito kayo." nakangiting wika niya.
Bahagyang nabigla si Cass nang hawakan ng ina ni Dex ang dalawang kamay niya. "hija, may ipapakiusap kami sayo."
"Ano ho iyon?"
"Huwag mo na sana iparating kay Dex na nagpunta kami rito. Wala kang sasabihin o babanggitin na kahit ano tungkol dito. Maasahan ba namin iyon Cassandra?" Nakikiusap na wika ng ina ni Dex pero naroon pa rin ang awtoridad kahit medyo shaky na ang tinig nito.
"Ah..opo makakaasa kayo." Tila wala sa loob na wika ni Cass. Gusto man niyang magtanong kung bakit hindi niya maaring sabihin kay Dex ang pag dalaw ng mga magulang niya, pero alam niyang wala naman siya sa tamang lugar para kwestiyunin ang mga iyon.
"Salamat hija. Please alagaan mong mabuti si Dex." Bahagya pang hinaplos nito ang likod ng palad niya.
Marahang tumango si Cass bilang pag sang-ayon pero hindi siya agad nakakilos sa kinatatayuan at naiwang nagugulumihanan.
Ilang minuto lang pagkasara ng pinto ay narinig niya ang pag ungol ni Dex. Agad siyang lumapit sa kama nito.
Nakasara pa rin ang isang mata ng binata habang ang kabila ay mayroon pa ring gasa. Patuloy pa rin ito sa mahinang pag ungol. Maya-maya'y unti-unting nagdilat ito ng mata at tumingin sa kaniya.
"Ava?" wika niya sa mahinang tinig pagkatapos ay unti-unting pinikit ulit ang mata.
Napakunot ang noo ni Cass. Sino si Ava?
Tanong niya sa isip.
Mukhang unconcious pa rin naman ito at marahil ay may kaunting hallucination lang dahil siguro sa gamot. Hindi niya alam kung anong oras pa ito magigising kaya't naisipan niyang maupo muna sa lazy boy lounge chair na nasa tabi lang ng kama ni Dex.
Nagbasa na lang muna siya ng mga articles sa kaniyang cellphone. Ilang sandali lang ay namimigat na ang kaniyang mga talukap at hindi na namalayan na nakatulog na pala siya.
Makalipas ang isang oras ay nagising na si Dex. Unti-unti niyang iminulat ang mata kahit ramdam niya ang pagkahilo. Pinakiramdaman din niya ang paligid. Wala na ang mga doktor at nurses doon. Wala na rin siya sa operating room. Ibig sabihin ay tapos na ang kaniyang operasyon.
Luminga siya sa paligid at doon niya nakita si Cass. Nakaupo sa tabi niya habang natutulog.
Ayaw man niyang matuwa pero bakit hindi niya mapigilang mapangiti. She stayed here?
Bayad ang mga nurse sa ospital na iyon para mag monitor at mag asikaso sa kaniya. Pwede naman doon na si Cass maghintay sa hospital suite para makapagpahinga rin pero nandito ito ngayon para samahan siya.
Bago pa man magsimula ang operasyon ay nandoon na ito kahit pa nakabuntot lang ang dalaga sa mga lalaking nurse na naka duty kanina na bumuhat at naghatid kay Dex sa operating room.
Hanggang kailan naman kaya siya tatagal? Ayun nanaman ang kontrabidang tinig sa isip na agad nagpawala ng magandang pagkakangiti niya.
Inilibot niya ang tingin sa paligid.
Pamilyar ang kwartong ito sa kaniya. kung hindi siya nagkakamali ay doon din siya nagising pagkatapos niyang magkamalay matapos maaksidente, kung saan si Ava ang unang nakita niya pagmulat ng mga mata.
Damn! bakit kailangan pa kitang maalala! Gumuhit nanaman ang pait sa dibdib niya. Kung pwede lang burahin ang parteng iyon sa isip ay gagawin niya.
Maya-maya ay nagising na rin si Cass. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala si Dex. Nag alala siya na baka matagal na siyang nakatulog. Agad siyang lumingon sa gawi ng kama nito.
Gising na nga ito at nakatingin sa kaniya.
Dahan-dahang tumayo si Cass at lumapit sa gilid ng kama.
Nang magtama ang kanilang paningin ay kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Cass sanhi upang lumabas ang maliit ngunit malalim na biloy sa ibabang gilid nang labi niya.
Damn! that smile though...arghh!
okey fine! she's cute. Ayaw man aminin ng binata pero mukhang nagtatraydor na talaga ang sariling isip niya.
Masayang-masaya naman ang puso ni Cass nang makitang gising na si Dex. Nakatitig din ito sa kaniya pero hindi niya mahulaan kung galit ba ito dahil nakita nanaman siyang natutulog pero mukha namang hindi dahil blangko lang ang ekspresyon ng mukha ng binata.
Pero bakit ganon habang tumatagal ay para siyang matutunaw sa klase ng tingin nito. Parang biglang may naglarong mga paro-paro sa kaniyang sikmura. Tuloy, umusbong ang pagnanais ni Cass na haplusin ang pisngi ng binata pero bago pa man tumaas ang kamay niya para gawin iyon ay nagsalita na ito.
"What?" malamig na wika nito sa kaniya na nakapagpabalik sa katinuan ng isip niya.
"A- ah..Anong what? Aayusin ko lang to ." sabay turo sa dextrose na nasa ulunan ng binata. "Medyo mabagal ata ang patak." Pagdadahilan niya, pagkatapos ay nagkunwaring ina-adjust ang flow nito kahit nakakadaloy naman iyon ng maayos.
"Gising ka na pala" pag-iiba ni Cass.
"Oo, bakit? mukha pa ba akong tulog?" wika nito pagkatapos ay nag iwas na ng tingin.
Napalabi na lamang si Cass sa sagot ni Dex. Dapat masanay na siya sa ugali ng amo at palampasin na lang ang pagiging masungit sa kaniya.
"May gusto ka bang kainin para ma-order ko na? Tatanggalin na rin yang dextrose mo kaya pwede ka ng kumain maya-maya." magiliw niyang tanong.
"Paella Valenciana and my regular coffee please. Um-order ka na rin ng para sayo." wika nito na hindi man lang siya tinignan.
Ganon pa man lihim siyang napangiti dahil nag please naman ito at mukhang nagustuhan ang timpla ng kape niya. Hindi naman siguro ito mag re-request kung hindi ito nasarapan sa timpla niya.
"Punta lang ako sa nurse's station. Ayoko naman galawin yong dextrose mo hanggat wala silang go signal."
Ilang saglit lang ay dumating na ang dalawang lalaking nurse at tinanggal na ang dextrose ni Dex.
Pinauna na niya si cass sa hospital suite dahil nag request pa ang binata na maligo muna dahil kahit malamig naman sa loob ng recovery room ay pakiramdam nito may mga blood stains siya galing sa OR kaya't inalalayan naman siya ng mga lalaking nurse.
Sinigurado ni Cass na maayos ang hospital suite pagdating ni Dex. Pinapalitan na rin niya ang bed sheet pati na ang mga pillow case. Nakahanda na rin sa lamesa ang pagkain na pina order nito pati na ang paboritong kape.
Nang makaalis na ang mga nurse ay agad kinuha ni Cass ang foldable table tray at iniayos iyon sa kama ni Dex. Sinimulan na rin niyang ilagay doon ang pina-order nitong pagkain. Ininit muna niya iyon sa microwave oven kaya umuusok-usok pa ito nang ilapag niya sa table tray dahil alam niyang isa sa pet peeve nito ang malamig na pagkain ayon kay Manang Rosa.
Nilagay na rin niya ang isang bottled water at isinunod ang mainit na kape.
"I also prepared a dessert. Wait lang kukunin ko sa ref." ani Cass pagkatapos ay nagtungo sa maliit na kusina.
Napakunot na lamang ang noo ni Dex at sinundan ng tingin ang dalaga. Wala naman kasi siyang pina order na dessert.
"There you go!" Inilipag ni cass sa table tray ang isang bowl ng malamig na sliced avocado with milk at may whipped cream on top. "bon appetit." nakangiting wika ng dalaga bago ito tumalikod.
Sinabayan na rin ni Cass kumain si Dex pero doon siya naupo sa lamesa. Panay rin ang sulyap niya sa binata habang kumakain. Lihim din siyang napangiti ng makitang mukhang na enjoy ng binata ang pagkain sa harap nito. Lalo na ang inihanda niyang desert. Salamat talaga kay Manang Rosa na nagpahatid ng mga avocado at ingredients para rito.
"how's your desert sir? sakto lang po ba ang timpla ko?" tanong ni Cass nang magsimula na itong tikman ni Dex.
"kulang sa gatas. Matabang."maiksing pahayag nito.
Napasimangot naman si Cass sa sagot ng binata. Sinunod ko naman yong instructions ni Manang sa text. Anang isip niya.
Samantalang ayaw naman ipahalata ni Dex na sobrang na enjoy niya ang hinandang desert ni Cass. Sakto lang ang linamnam at tamis nito. Hindi nga niya malaman kung paano nagagawang mahuli ng dalaga ang panlasa niya.
Ang totoo niyan pagkalapag pa lang nito kanina ng desert bowl sa harap niya ay gusto na niya itong lantakan. Isa kasi sa paboritong prutas niya ang avocado at matagal-tagal na rin nang huli siyang kumain nito.
Halos sabay lang din sila natapos kumain at nang maramdaman ni Cass na inilapag na ni Dex ang kobyertos at nagpunas nang bibig, agad siyang tumayo para iligpit ang pinagkainan ng binata.
Napataas naman ang kilay niya ng makitang said at wala ng laman ang desert bowl. Matabang pala ah.!
Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti habang nagliligpit ng pinagkainan nito at syempre hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Dex na mukhang nahuhulaan ang tumatakbo sa isip niya.
"Sayang naman kung itatapon lang kaya pinagtiyagaan ko na." Hindi makatinging wika nito na kunwari ay busy sa kaniyang cellphone.
"Owwkeyy." wika ni Cass sa nanunudyong tono habang naglalakad patungo sa maliit na kusina dala ang pinagkainan ni Dex.