Mr Sungit

2142 Words
Bakit kaya mag hapon hindi nagparamdam si shokoy? Nagtatakang napaisip si Cass habang nakatingin sa display time ng kaniyang cellphone. Mag-aalas nwebe na ng gabi pero ni isang message ay wala siyang natanggap mula rito. Hindi siya mapakali kahit malambot at komportable naman ang sofa na convertible to bed na siyang hinihigaan niya ngayon. May mabangong mga unan at blanket rin na naroon. kanina pa siya paikot-ikot sa higaan pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Hindi siya sanay na lumipas ang araw na hindi nakaka recieve ng message mula kay shokoy. Nang lingunin niya ang kinaroroonan ni Dex ay nakita niya itong busy pa rin sa harap ng laptop. Marahil ay may trabahong tinatapos, lagi kasi itong may kausap sa kaniyang cellphone kaya panay ang mando at bulyaw. Medyo naiirita na nga ang tenga niya dahil madalas itong nakasigaw sa mga kausap na para bang laging dismayado sa mga empleyado. Napaka seryoso at istrikto pala talaga nito pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Maya-maya ay hindi na siya nakatiis. Nagtipa na siya sa kaniyang cellphone. How's your day? busy?☺️ Gusto sana niyang dugtungan pa ng i miss you dahil totoong na mi-miss niya ang makipagpalitan dito ng mensahe pero binura din niya ito agad. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kaniya. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin itong reply. Nagpasya na siyang matulog na, pero nagtungo muna siya sa banyo para mag shower saglit dahil sanay siya na gawin iyon bago matulog. Buti na lang pinadalhan din siya ni Manang Rosa ng mga gamit at damit sa ospital kasabay ng kay Dex. ******celphone rings***** Bahagyang napapitlag si Dex nang mag-ring ang cellphone ni Cass na nakapatong sa center table katabi ng sofa bed. "s**t! Nasaan ang babaeng yon?" usal niya sa mahinang tinig habang lumilinga-linga sa paligid ng kwarto. Hindi na niya napansin kung saan nagpunta si Cass, masyadong okupado ang isip niya sa trabaho dahil may mga problemang kinakaharap ngayon ang Greyson Steel Manufacturing Company. Naka headset siya pero rinig pa rin ang ringtone at nakaka distract iyon sa mga ginagawa niya. "You're giving me headache woman." wika niya habang hinihilot ng daliri ang sentido. Nawala na siya sa konsentrasyon kaya isinara na lamang niya ang laptop at kinuha ang kaniyang cellphone. Ang kaninang inis na nararamdaman ay tila biglang napalitan ng excitement at saya nang makita na may mensahe mula kay sirena. Simpleng pangungumusta lang pero parang hinahaplos ang puso niya. Nakalimutan niya mag send ng mensahe ngayong araw at nakakatuwa na mukhang naalala din siya nito "So, sorry my sirena i forgot to send you a message today. Yeah! got so many things to finish at work. Thanks for asking! How 'bout you? How's ur day going?" Masayang-masaya ang puso ng binata. Napapangiti pa habang nagtitipa ng mensahe para kay Sirena. Ito ang naabutang eksena ni Cass habang papalabas ng banyo. Aba! mukhang kinikilig si sungit ah..Anang isip niya habang papalapit sa sofa bed. Akmang hihiga na si Cass nang marinig ang pag sigaw ni Dex. "What do you think you're doing?!" Hindi lang niya iyon pinansin dahil iniisip niya na baka may pinapagalitan nanaman itong empleyado sa cellphone. Ipinagpatuloy niya ang paghiga na parang walang narinig "Hey! What do you think you're doing here? Namamasyal? Bingi ka ba?!" sunod-sunod na tanong ng binata sa malakas na tinig. Ang ingay naman nito lalo akong hindi makakatulog eh! Naiirita na talaga siya sa boses nito na palaging nakasigaw kaya humiga ng patagilid, kinuha ang throw pillow na nasa tabi at wala sa loob na sinaklob iyon sa isang tenga para mabawasan ang iritasyon sa eardrums niya sa tuwing sumisigaw ang binata. What the?! hinahamon yata ako ng babaeng 'to! Hindi makapaniwalang dini-deadma siya ng private nurse niya. "Cassandra! bingi ka ba? I'm talking to you!" Si Cass na pinipilit makatulog ay bigla na lang napamulagat nang marinig ang pangalan niya. Tama ba ko ng pagkaka dinig? Tinawag niya ako? Ano nanaman ba nagawa kong mali? Agad niyang inalis ang itinakip na unan sa tenga at nagmamadaling umupo at humarap sa binata. "A-ako ba ang kausap mo?" Nakangiting tanong niya kay Dex pero agad ding napalis ang ngiti niya nang makita ang seryoso at galit na mukha nito. "What's your name?" "Cassandra Bustamante" Agad na sagot niya na napalunok pa. Hindi niya matagalan ang tumitig dito dahil sa galit na nakikita kaya nagbaba agad siya ng tingin. Hindi niya maintindihan kung anong problema nito at bakit bigla-bigla na lamang nagagalit sa kaniya. "Pasensiya na akala ko kasi may kausap ka lang sa cellphone ka-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng magsalita muli si Dex. "Alam mo ba na ang dami kong kailangan gawin dahil pag na-operahan na ako mahihirapan na akong tapusin 'yon? Can you please put your phone on silent mode bilang respeto? Nakakaistorbo ka!" galit na wika nito Mabilis na dinampot ni Cass ang kaniyang cellphone. Nakita niya na may missed calls siya mula sa kaniyang ina. "Pasensiya na sir. Nakalimutan ko e-silent mode. Sorry po kung na istorbo ang trabaho mo." Hinging paumanhin niya pagkatapos ay agad inayos ang settings at inilagay sa silent mode. "Too late, im not in the mood for work now. Nawala na ako sa focus." wika nito habang nakapikit at hinihilot ng dalawang daliri ang sentido. Napataas naman ang kilay ni Cass nang marinig iyon. "kanina hawak celphone parang kinikiliti. Nakita lang ako wala na sa mood. Daig pa babaeng may regla." Mahinang bulong niya sa sarili. "Are you saying something?" wika ng binata na patuloy pa rin sa ginagawang pagmamasahe sa sariling sentido. "Sabi ko, baka kailangan mo ng kape para mawala ang init-este! sakit ng ulo mo. Ipagtitimpla kita." kabisado na niya ang timpla na gusto ni Dex pagdating sa kape dahil intinuro iyon sa kaniya ni Manang. Buti na lang kompleto ang mga gamit na ipinahatid ng mayordoma kanina kay Mang Raul kaya naroon ang lahat ng kailangan nila pati na ang paboritong kape at mga snacks ni Dex ay kompleto rin. Tatayo na sana siya nang mapansin ang mensahe galing kay Shokoy. Bigla siyang nakaramdam ng excitement. Yong tipong parang lumundag ang puso niya kaya agad niyang binuksan ang mensahe. "So, sorry my sirena i forgot to send you a message today. Yeah! got so many things to finish at work. Thanks for asking! How 'bout you? How's ur day going?" O-M-G !!! My sirena talaga? sounds possessive pero bakit ako kinikilig?! Tanong niya sa isip. Pero dahil ayaw niya mag assume, hindi niya iyon nagawang e-send binura agad niya iyon. Pigil na pigil ni Cass ang kiligin sa natanggap na mensahe mula kay shokoy. Hindi niya namalayang napapikit na pala siya habang hawak ng magkabilang kamay ang cellphone na inilapit pa niya sa kaniyang dibdib. Hindi din niya mapigilan ang pag ngiti kaya kinagat na lamang niya ang pang ibabang labi habang inuulit-ulit sa isip ang endearment ni shokoy sa kaniya na "my sirena." Hindi rin siya aware na para na pala siyang luka-luka sa paningin ni Dex. She looks really weird! Napakunot na lang ang noo niya habang pinagmamasdan ang ikinikilos ng dalaga. "but she also looks innocent, more of a dalagang Pilina." Dagdag pa ng isip niya. Pero agad din niyang ipinilig ang ulo baka kung saan pa siya dalhin ng tinig na iyon sa kaniyang isip. "Hey! Where is my coffee?" untag niya sa dalaga na parang nasa ibang planeta yata at hindi man lang naisip na nakamasid siya rito. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Cass nang marinig ang baritonong tinig ni Dex. "Ito na sir, ipagtitimpla na kita." Agad siyang napatayo sa kinauupuan. "Panira talaga ng moment to si sungit." Mahinang bulong niya sa sarili habang naglalakad patungo sa kusina. Napagpasyahan niyang magtimpla na rin ng kape para sa kaniya. Mukhang hindi talaga niya makukuha ang inaasam-asam na maagang pahinga ngayong gabi. Inilapag muna niya ang kape sa side table ng kama ni Dex bago inayos ang small table bed tray sa harapan nito. Natigilan si Dex habang inaayos ni Cass ang pagpapatungan ng kaniyang mainit na kape. Malapit kasi ang distansya nila at amoy na amoy niya ang mabangong halimuyak na nagmumula sa dalaga. Naliligo pala ito kanina nang mag ring ang cellphone. Ngayon lang din niya napansin na medyo basa pa ang mahabang buhok na may pagka wavy sa dulo. Madalas kasi ay laging nakapuyod lang ang buhok nito sa loob ng mansion. "Sir, dito ko na lang ipapatong." turo nito sa bed tray na naroon sa harap niya "ha? ah..hindi itupi mo na lang ulit yan. Hayaan mo na diyan sa bed side table yang kape. Naabot ko naman." wika niya pagkatapos ay biglang nag iwas ng tingin sa dalaga. Nagkibit balikat lang si Cass at muling iniligpit ang foldable bed tray, inilagay iyon sa drawer na naroon at bumalik na sa kaniyang sofa bed. Dahan-dahang sinimsim ni Dex ang mainit na kape at ayaw man niyang aminin pero kuhang-kuha talaga ng dalaga ang saktong timpla na gusto niya. Agad siyang nakaramdam ng pagkalma habang ninanamnam ang masarap na timpla nito. Maya-maya lang ay nakatanggap na siya ng reply mula kay sirena na siyang nagkompleto ng araw niya. Okey lang naman ang araw ko, medyo nakakapagod nga lang din. Muntik mo na ko makalimutan ngayong araw ah, parang di ako sanay na wala kang paramdam kaya inunahan na kita. Balak ko sana mag message after ng work ko. Hindi ko na namalayan na gabi na pala. Ang saya ko nga na nag mesage ka. Ibig sabihin may nag-iisip din pala saakin kaya ito nawala na ang badtrip ko. Happy na ulit ako my sirena? Talaga ba? May shokoy din palang bolero? Hindi na napigilan ni Dex ang impit na tawa na nakapgpalingon kay Cass. Tignan mo 'to nasa mood naman, pag ako na ang kaharap automatic badtrip. Buti na lang nandito si shokoy kahit paano ay nababawasan ang stress ko sa boss ko na to. Napapailing na lang si Cass sa unpredictable mood ni Dex Patuloy pa rin siya sa pakikipagpalitan ng mensahe nang biglang mag ring ang kaniyang celphone at rumihistro ang pangalan ng kaniyang ina. Alam niyang mahaba ang magiging pag-uusap nila kaya minabuti na niyang magpaalam kay shokoy. Sleep well magkita na lang tayo sa panaginip. Thank you for your time. Goodnight my sirena??? Napangiti na lamang si Cass sa mensaheng iyon ni shokoy pagkatapos ay nilingon si Dex. Nakita niyang gising pa ito at hawak ang cellphone kaya nagpaalam siya na lalabas lang saglit. Ayaw kasi niya na marinig nito ang usapan nila ng kaniyang ina. Naghanap siya ng lugar kung saan pwede silang makapag usap ng pribado. Buti na lang wala na rin masyadong tao ng mga oras na iyon dahil gabi na. Umupo siya sa isang bench na naroon. Nasa mini garden siya ng ospital. Maliwanang ang paligid dahil may mga ilaw naman doon. May iilang tao rin sa di kalayuan at bukas ang coffee shop na nasa gitna ng garden. Pagbungad na salita pa lamang ng kaniyang ina ay umiiyak na ito dahil sa labis na pag aalala sa kaniya. Ipinaliwanag niya ang kalagayan sa nag aalalang ina at ang totoong pangyayari sa relasyon nila ng dating nobyong si Fred. Ipinaalam na rin niya kung nasaan siya at sinabing huwag siyang alalahanin dahil nasa mabuting kalagayan naman siya ngayon. "Babalik ho ako mommy sa lalong madaling panahon. Haharapin ko kung ano man ang ikaso saakin ni Chona at yang hayop na fred na yan humanda siya. Mag-iingat kayo ni Dad. Miss na miss ko na po kayo" Ayaw man niyang ipakita ang totoong emosyon sa ina, hindi na napigilan ni Cass ang pag garalgal ng kaniyang tinig at tuluyang pagpatak ng mga luha. "Mag-iingat ka riyan anak. Naniniwala akong wala kang kasalanan. Makakabalik ka rin sa trabaho dahil ikaw ang pinaka magaling na nurse sa ospital na iyon. Miss na miss ka na namin ng Daddy mo." Tuluyan ng pinakawalan ni Cass ang kanina pa niya pinipigilang emosyon nang mawala na sa linya ang ina. Hindi na rin niya sinabi dito ang tungkol sa email na natanggap niya nong nakaraang araw lang. Tuluyan na siyang tinanggal sa ospital na pinagtatrabahuan. Pinalitan na rin siya bilang head nurse kaya wala na siyang babalikang trabaho. Masakit sa kaniya iyon dahil simula pagka-graduate ay dito na siya nagtrabaho. Buong husay at sobra-sobrang dedikasyon ang ibinagay niya pero hindi man lang siya binigyan ng konsiderasyon ng management. Matapos mailabas ang bigat na nararamdaman nagpasya na siyang bumalik sa hospital suite. kailangan niya mag ipon ng lakas para alagaan ang masungit na amo. Wala na siyang aasahang trabaho ngayon kaya kailangan niya paghusayan ang pakikisama dito. Buti naman tulog na siya. Sa Wakas makakatulog na rin ako. Wala ng magbubulyaw. Anang isip niya habang dahan-dahang lumalapit sa kama ni Dex at marahang inayos ang kumot ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD