Hospital scenes

2802 Words
Pagkasara ng pinto ay napailing na lang si Dex sa kapalpakan ng bagong hired na nurse. Ngayon lang din niya napansin na mukhang bata pa ito. kaya siguro ganito siya kumilos parang bata rin. Sigurado ba silang nurse yon? Dagdag pa ng isip niya. "Dex, hijo!" si manang Rosa habang kumakatok sa pintuan. "come in manang!" "Hijo, ipapaalala ko lang sayo, bukas nga pala yong follow up check up mo sa ospital. Sasamahan ka ni Cass para alam din niya kung may mga bagong instructions o baka may papalitan nanaman sa mga nireseta sayo." "Sige manang.'' Maiksing sagot niya. Patalikod na ang mayordoma ng muli niya itong tawagin. "Ah, manang how old is she? the newly hired nurse?" Napa awang ng bahagya ang labi ni Manang Rosa sa pagkabigla, nagtataka siya dahil ngayon lang naging interesado si Dex sa lahat ng mga naging nurse nito. Ni pangalan ng mga nagiging nurse ay wala talaga itong pakialam. "bente syete hijo, bakit mo naitanong?" Nakangiting sabi ni Manang Rosa Nakaramdam naman ng pagkailang ang binata sa pagkakangiti ni Manang Rosa kaya't nag-iwas ito ng tingin "Nothing. She looks very young. She looks minor. Im just worried kung nurse ba talaga sya baka mamaya mareklamo pa tayo sa labor nyan." "Baby face lang talaga si Cass hijo, pero alam mo ba na sa edad niyang iyan ay head nurse na siya sa isang malaking ospital sa manila." bidang kwento pa ni Manang Rosa. kumunot lang ang noo ni Dex na parang hindi naniniwala sa sinabi ni Manang pagkatapos ay nagkibit balikat lamang ito. "Magpahinga ka na hijo, maaga pa kayo bukas." Pagkasabi niyon ay lumabas na ng silid si Manang Rosa. Ilang minuto nang nakakaalis si Manang pero hindi pa rin makatulog si Dex. Mag aalas otso pa lang naman ng gabi kaya't naisipan niyang mag message kay sirena para kumustahin ang araw nito. Sa totoo lang ay naging bahagi na ng araw niya ang pakikipagpalitan ng mensahe dito. Good evening! kumusta ang araw mo? bungad ni Dex at ilang minuto lang ay nag reply din naman agad si sirena. Ito medyo malungkot. Miss ko na kasi ang family ko. Eh, bakit hindi mo dalawin? Sabi ko nga di ba, nasa malayo ako nagtatrabaho. Hindi ko naman pwedeng basta-basta na lang iwan ang trabaho ko. Pwede ka naman siguro mag leave? Oo, pero hindi pa siguro sa ngayon. Ikaw kumusta? Ayos lang naman medyo naiinip lang. Minsan nakakapagod ang buhay no? parang paulit-ulit lang ang mga nangyayari sa araw-araw. hoy! swerte pa rin tayo kasi buhay pa rin tayo kahit paulit-ulit na lang araw-araw. Lalo na kung kasama mo pa pamilya mo. How i wish makapagbakasyon din ako at makasama ang parents ko. I miss them. Bigla naman natigilan si Dex dahil pareho pala sila na nangungulila sa magulang magkaiba lang dahil hindi niya alam kung gusto din ba siya makasama ng ama't ina. I miss them also but i am not sure kung ganon din ba sila saakin? Don't tell me same din tayo ng sitwasyon? Nasa malayo ka rin nagtatrabaho? No, not same. Sila ang nasa malayo. Simula pagkabata lagi na silang busy. Mabibilang lamang sa daliri ang mga pagkakataong magkakasama kami. Madalas pag may mga okasyon lang. Hindi talaga maunawaan ng binata kung bakit nakakapagsabi siya ng mga ilang personal na bagay sa estranghera. Katulad na lamang nito na sobrang sensitive siya pag napag uusapan, pero natatagpuan na lang niya ang sarili na nag oopen sa taong hindi naman niya kilala. Ilang beses din sila nagpalitan ng mensahe bago siya nag paalam na matutulog na. Iniisip niya din baka pagod ito at kailangan nang matulog dahil may trabaho pa kinabukasan. Alas singko pa lamang ay gising na si Dex. Kailangan niya din kasi mag laan ng extrang oras para sa pag gayak. Tuwing maliligo kasi siya ay kailangan niya din ng tulong ni Mang Raul para mabuhat siya nito sa wheelchair na ginagamit para sa paliligo pagkatapos ay iiwan na siya nito sa banyo. Magkakaiba kasi ang gamit niyang wheelchair, yong isa ay pag maliligo dahil pwede itong basain. Ang isa naman ay pag nasa loob siya ng mansion at ang isa ay para sa labas at parehong electric wheelchair ang mga iyon. Alas sais medya nang matapos siya at nagpasyang bumaba na gamit ang elevator na ngayon lamang nagagamit simula nang maaksidente siya. Halos lahat naman sila sa mansion ay hagdan lang ang gamit maliban na lamang kung may emergency at mga mabibigat na gamit ang iaakyat o ibaba. Naroon na din si Mang Raul at nag hihintay na lamang sa kanila. ''Magandang umaga!" nakangiting bati ni Mang Raul. "Magandang umaga! Wala pa ba 'yong nurse? "Ayan na ata siya parating na." Lumingon si Dex at nakita si Cass na palapit na sa kanila. "Magandang umaga Sir." bati nito sa kaniya ngunit tinanguan lamang niya ito. "Magandang umaga din ho mang Raul." baling nito sa driver. "Magandang umaga hija!" Napakasungit! Sigaw ng isip ni Cass nang hindi siya binati man lang pabalik ng binata. "Mang Raul, dito na ako sa harap uupo." "Sige sir." binuksan ni Mang Raul ang passenger seat at akmang bubuhatin na si Dex, lumapit si Cass para sana umalalay sa paghawak man lang ng wheelchair nang bigla itong magsalita. "Did we ask you for help? Go away!" naiiritang wika nito. Oo nga pala nakalimutan niya ang isa sa bilin ni Manang Rosa na huwag tutulungan ang binata sa mga ganoong pagkakataon lalo na kung hindi ito humihingi ng tulong sa kaniya. Nawala iyon sa isip niya kaya nanghingi agad siya ng paumanhin. "Sorry po." nakayukong wika niya at nagkasya na lang sa panunuod kung paano ito isampa ni Mang Raul sa sasakyan. "Kung di ko lang talaga kailangan ng pera naku! di talaga kita pagtityagaan" sabi ni Cass sa mahinang tinig at pabulong na siya lang ang nakakarinig. Naghihimutok ang loob niya sa kasungitan ng binata kaya hindi na niya namalayan nakasakay na pala ang mga ito at siya na lang ang hinihintay. "Are you saying something?" biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at lumitaw ang mukha ng binata. Halos mapatalon si Cass sa gulat. "A-a-ah wa-wala sabi ko sa likod ho ako uupo." nabulol ngunit naitawid din niya ang sasabahin. "Oo sa likuran ka uupo unless gusto mo sa roof ng sasakyan." Naiiritang wika nito. Alam ni Cass na may sinasabi si Dex ngunit muli nanaman siyang nahipnotismo sa guwapong mukha ng binata. Shocks! ganito pala itsura niya sa malapitan. Parang hollywood actor. Yong mata niya, kahit may gasa ang isa pero ito na yata ang nakita kong pinakamagandang mata sa buong buhay ko. "Hey! are you going to come with us or not?!" Malakas na naman ang boses ni Dex na nakapagpabalik sa katinuan ni Cass. Nataranta tuloy siya sa pag pasok sa sasakyan medyo mataas iyon kaya di na niya namalayan na sumobra ang pag bwelo niya paakyat, kaya nauntog siya sa b****a niyon. Rinig ang lakas ng impact sa loob ng sasakyan. Gustuhin man niyang sumigaw sa sakit ay hindi niya magawa kinagat na lamang niya ang pang ibabang labi, napahawak sa noo at napapikit sa sakit. Pag mulat niya ay nakita niyang nakalingon si Dex at mang Raul sa kaniya. "Hija, okey ka lang ba? Ang lakas nun ah.." nag aalalang wika ni Mang Raul. "Okey lang po ako Mang Raul." Pinilit niyang ngumisi pero talagang masakit. Feeling tuloy niya ay nagmukha siyang ewan dahil sa ngiting iyon na may kasamang sakit. "No, she's not okey. Mang Raul please get some ice pack namumula at may bukol na 'yong noo niya." wika ni Dex "Oo nga hija, saglit lang at kukuha lang ako sa loob." Nang maiwan sila ni Dex sa loob ng sasakyan ay nakaramdam siya ng pagkailang. Nahihiya din siya sa katangahan na nagawa. Kinakastigo niya ang sarili sa mga kapalpakan sa harap pa ng binata. Infairness may kabutihan din pala itong tinatago akala ko wala talagang pakialam ito sa mga tao sa paligid niya. Napapangiti pa siya sa naiisip nang bigla itong mag salita. "What's that smile for?" nakakunot ang noo ni Dex at nakatingin sa kaniya mula sa rare view mirror ng sasakyan. "Ah, wa-wala ho, naisip ko lang ang ganda po ng umaga. Ang ganda po ng morning sunlight ano ho?" pagdadahilan niya na itinuro pa ang labas ng sasakyan na sinamahan pa ng ngiti. "Ang ganda ng umaga sinisira mo. kanina pa sana tayo nakaalis kung nag iingat ka sa mga kilos mo. Sa susunod mag-iingat ka baka hindi lang yan ang mapala mo. Baka isang araw ikaw na ang dadalhin sa ospital." Wika nito na walang kangiti-ngiti. Pakiramdam tuloy ni Cass ay para siyang batang pinapagalitan nito."Pasensiya na po sir." Mahinang wika niya. Maya-maya ay dumating na si Mang Raul dala ang ice pack. "Ito hija, idampi mo sa bukol mo para humupa." "Maraming salamat po Mang Raul pasensiya na sa abala." Nahihiyang sabi niya habang idinadampi ang ice pack sa noo niya. "Walang anuman hija." Nakangiting wika ni Mang Raul na nag umpisa nang paandarin ang sasakyan. Tahimik si Cass habang nasa biyahe dahil wala namang kumakausap sa kaniya. Pakiramdam niya ay mapapanis na ang laway niya. Nag-uusap si Dex at si Mang Raul paminsan pero madalas ang binata sa kaniyang celphone hindi niya alam na nagtatrabaho pa rin pala ito kahit nasa bahay at nagpapagaling. Mukhang tungkol sa mga negosyo nila ang mga pinag-uusapan. Lalo niyang napagtanto na kaya pala sobrang yaman ng binata dahil napakaraming negosyo ng mga ito. Nang makarating na sila sa ospital ay dumiretso na sila agad sa clinic ng doktor ni Dex. Sa labas na naghintay si Mang Raul kaya dalawa na lang silang magkasamang pumasok. Napakalamig sa loob at tanging maririnig mo lang ay ang buga ng hangin na nagmumula sa aircon na naroroon. Lumabas lang daw sandali ang doktor na titingin sa binata ayon sa sekretarya na umalis din pagkatapos sila kausapin. Hindi malaman ni Cass kung dahil ba sa lamig kaya bahagya siyang nangangatal or she just felt uneasy pag sila lang dalawa. Sa sobrang tahimik ay parang naririnig tuloy ang kabog ng dibdib niya. "Good morning Mr Greyson! Sorry kung pinaghintay ko kayo. Inihanda ko lang yong equipment na gagamitin natin to check the development on your left eye. We need to transfer in the next room. Come and follow me. Nakangiting wika ng Doktor at nauna nang maglakad. Pagdating sa kabilang kwarto ay kinailangan na alisin ang gasa na nasa mata ni Dex para matignan ang sugat na naroon at para makita ang development ng kaniyang paningin. Nasa tabi lang si Cass dahil may nurse naman si dok na nakatalaga doon ngunit tanaw niya pa rin lahat ng ginagawa sa binata. "Doc, why i can't see it clearly? Everything is getting blurred with my left eye. What is happening? " wika nito sa mahinang tinig ngunit bakas ang desperasyon. Nakatakip ang kanang mata niya at tinitignan ang kaliwa kung nakaka kita na ba ito ng malinaw. May mga ibat ibang object din na hawak ang doktor at pinapakita sa binata para suriin ang paningin nito. May isang aparato din kung saan sinisilip ang mata na parang tulad ng isang malaking telescope na nakakabit sa maliit na monitor. Ini-scan nito ang bawat ugat sa mata at kinukuhanan ng litrato. Mr. Greyson, you have to undergo an eye surgery as soon as possible to save your left eye from blindness." wika ng doktor "Do we really have to do it now doc?" "Yes Mr Greyson. You have to undergo physical exam first if everything is within normal state then we need to proceed Asap." "okey doc." Nang araw ding iyon ay sumailalim si Dex sa ibat-ibang test at preparation para sa operasyon nito sa mata. Nang makuha na ang result at okey ang lahat ng test ng binata ay kumuha na agad sila ng private room dahil kinabukasan ay sasailalim na siya sa operasyon pero may mga test ang kailangan pa ulitin kaya nagpasya sila na doon na magstay. Pagpasok nila ng room ay namangha si Cass sa lawak, linis at ganda ng loob nito. kompleto din sa gamit katulad ng sofa, television, four seater na table at may jacuzzi pa sa bathroom. May maliit din na kusina kung saan pwede rin mag luto. "Kung may kailangan kayo tumawag lang po kayo sa intercom direct na yan sa nurses station." sabay turo sa aparato na nasa tabi ng kama ni Dex. "Okey. Thank you!" sabay na tugon ni Cass at Dex na nagkatinginan pa ngunit umiwas din agad ng tingin ang binata. Marunong naman pala to magpasalamat. Sabi ng isip ni Cass. Ni minsan kasi hindi pa siya napasalamatan nito. Palagi lang nakasigaw sa kaniya. "Sir, hindi ka pa kumakain. Gusto mo po ba mag order ako ng food mag aalas-dos na po ng hapon." "Can you please stop saying po? Pinapatanda mo 'ko." naiiritang wika nito. "sorry po. A-ah i mean sorry." nag-aalangang wika niya. "I want seafood and pizza for snack. How about you? What do you want?" Walang kangiti-ngiting sabi nito. "Ako po?" sabay turo sa sarili. "Ahm.." nag iisip na wika niya. "Hindi ikaw, yong multo. May ibang tao ba dito? Ikaw at ako lang 'di ba? inis na wika nito na sinamahan pa ng pag iling-iling. Bakit ganon parang kinilig ako sa Ikaw at ako lang. Ayiie... Pilyang sabi ng isip ni Cass kaya't bahagya siyang tumalikod dahil hindi niya mapigilan ang pag ngiti. "At isa pang po, you will be out." "sorry.." Nilingon niya ito, nginitian ng matamis at nag peace sign pa pero seryoso pa rin ang mukha ng binata. Napakamahal naman ng ngiti nito. Napaka-suplado! "I dont like hospital food. I will give you a phone number of the restaurants where you can order the foods, so you can also choose whatever you like in their menu." wika nito habang hawak ang celphone at hinahanap ang numero kung saan siya mag o-order. "Noted sir!" Matapos mag order ay naupo muna si Cass sa malambot na sofa na naroon ngunit hindi na niya namalayan na nakaidlip na pala siya. Halos kaninang umaga pa siya paroo't parito dahil sa pag kompleto ng mga laboratory exams ni Dex kaya siguro nakaramdam na siya ng pagod. Ilang sandali lang ay dumating na rin ang pagkain na in-order nila ngunit nang makita ni Dex na natutulog ang dalaga ay nag alangan siyang gisingin ito. Palihim niya itong pinagmasdan habang payapang natutulog nang nakaupo sa sofa at magkasalikop ang mga palad. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa nang mapadako ang mata niya sa mukha ng dalaga na bahagyang nakatingala at nakanganga pa. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman sumingit ang alaala ni Ava. Sa hindi malamang dahilan biglang nag flash back sa isip niya ang mga pangyayari noong na aksidente siya. Sinamahan at inalagaan siya nito pero bigla na lamang siyang iniwan nang malaman nitong maari siyang mabulag at maliit na lang ang chance na makalakad siya ulit. Habang naglalaro iyon sa isip ng binata ay bigla na lamang dumilim ang mukha nito habang nakatingin kay Cass. No one wants to stay with me.. Bahagyang ipinilig ni Dex ang ulo para iwaksi ang hindi Mandingo alaalang nagbabalik sa isipan niya. "Hey! wake up!" Malakas na sigaw nito kay Cass na tila ba dito ibinaling ang galit na nararamdaman. "huh!" Napasinghap naman si Cass sa gulat nagpalinga-linga sa paligid na parang naalimpungatan at nang makita niyang nakatingin sa kaniya ang binata ay nataranta siyang pinunasan ng panyo na nasa bulsa ang bibig nya dahil pakiramdam niya ay naglaway siya sa pagkakatulog sa malambot na sofa. "Pasensya na sir nakatulog ako." "kanina pa nandiyan ang pagkain. Ano pa hinihintay mo? tutulog-tulog ka sa kangkungan." Nang lingunin ni Cass ang lamesa ay napatutop na lamang ang kamay niya sa bibig dahil nandoon na pala ang pagkain nang hindi man lang niya namamalayan. "Sorry, sige ipaghahanda na kita ng pagkain." nagmamadali siyang nagtungo sa lamesa kung saan nakapatong na ang kanilang mga in-order. Inayos niya muna ang table tray sa kama ng binata bago inilagay ang pagkain sa harap nito. "Anong tinatayo-tayo mo diyan? Kumain ka na rin." wika niya ng mapansing nakatayo pa rin si Cass sa gilid ng kama. "Ah, sige sir tawagin mo lang ako pag may kailangan ka." nakangiting wika ni Cass na siniguradong matamis ang pagkakasabi niyon pagkatapos ay nagmamadaling tinungo ang lamesa para kumain na rin. Napakasungit mo ah..pwes, I will kill you with kindness. Hindi niya namalayan na nakatingin pa pala ito sa kaniya kaya nahuli nito ang lihim na pag ngiti-ngiti niya. "Smiling for what?" kunot ang noo na tanong ni Dex habang bakas sa mukha ang pagkairita. "Nothing sir." Sabay taas ng pizza na hawak "sherep." pagkatapos ay sumubo. "Crazy." wika ng binata sa mahinang tinig pagkatapos ay napailing na lamang. Crazy pala ha...let see!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD