"Wow! Grabe naman ang ganda at napakalaki." Bulalas ni Cass nang makarating na sa address na ibinigay ng babaeng kausap niya sa celphone kaninang umaga. Nag doorbell siya ng isang beses at naghintay na pagbuksan siya ng gate.
Sa labas pa lang magarbo na ang interior design ano pa kaya sa loob? Ngayon lang ako nakakita ng modern mansion na ganito kaganda. Madalas kasi pag sinabing mansion mayrong creepy feels pero ito iba ang vibe. Manghang pinagmamasdan niya ang mga nakikita ng mata nang biglang bumukas ang gate.
Sinalubong siya ng isang matandang babae.
Nginitian siya nito ng ubod tamis kaya medyo nawala ang kabang nararamdan.
"Ikaw ba si Cassandra Bustamante?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.
"Ako nga ho." Nakangiti ring sagot niya.
" Pasok ka hija. Halika sa loob." nilakihan nito ang bukas ng gate para makapasok siya.
"Salamat ho mam."
"Manang Rosa hija. Yan ang itawag mo saakin. Sumunod ka lang saakin. May mga kaunting bilin lang ako sayo bago ka magsimula sa trabaho."
"Ah, sige ho manang Rosa."
Lalong nalaglag ang panga ni Cass ng tuluyang makapasok sa loob ng mansion. Hindi siya nagkamali na kung maganda na ito sa labas lalo pa sa loob.
"Ilang oras nga pala ang byahe mo hija mula sa inyo patungo dito?"
" Isat kalahating oras lang ho mula sa tinutuluyan ko. Siya nga pala na send ko na ho sa email na binigay nyo iyong mga requirement na hiningi po saakin."
"Oo, narecieve na daw ng secretary kanina."
Nakapasok na sila sa loob mismo ng mansion. Pakiramdam ni Cass ay nalula siya sa laki at garbo nito. Halatang mamahalin ang mga gamit sa loob lalo na ang naglalakihang chandelier.
"Nagkakakitaan pa po ba ang mga tao rito Manang Rosa? Napakalawak ho pala nito sa loob." Nakatingalang pinagmamasadan ang kabuuan ng mansion.
Natawa naman si Manang Rosa nang marinig ang sinabi niya. "Oo naman hija. Sayang nga eh kasi hindi lahat ng nakatira dito ay masaya."
"Ho?" Dahan-dahan siyang nagbaba ng tingin at tinignan si Manang Rosa kung seryoso ba ito o nagbibiro lamang.
"Oo hija, tatapatin na kita ha..Medyo masungit ang magiging pasyente mo. Sa katunayan pang twenty ka na sa mga aplikante, yong iba within the day lang fired na. Yong iba nakaka survive naman tapos kinabukasan nagpapaalam na kasi hindi matagalan ang ugali ng alaga ko. Sana naman ikaw mapagtiyagaan mo. Tuturuan kita ng tips ha hija. Makinig kang mabuti" Mahabang paliwanag ni Manang Rosa.
"Kinabahan naman ho ako bigla."sabi ni Cass na biglang napahawak pa sa dibdib.
"Wag kang kabahan. Sa totoo lang hindi naman siya ganyan dati. Simula lang ng madisgrasya at iniwan ng fiance' niya. May tampo din iyan sa mga magulang at nakakaawa din ang kalagayan ngayon kaya siguro aburido na palagi." Mahinang bulong ni Manang Rosa sa kaniya.
Habang naglalakad sila sa kabuuan ng kabahayan, ipinaliwanag ni manang Rosa kung ano ang do's and dont's, ang mga responsibilidad niya at hindi. Binigyan din siya nito ng tips paano pakisamahan ang magiging pasyente at pinag usapan na rin nila kung magkano ang sahod sakaling magtagal siya doon.
Ganoon siguro talaga kahirap pakisamahan ang taong iyon kasi halos triple ng sahod niya sa St Claire Medical hospital ang sasahurin niya kung sakali. Hinding-hindi ako susuko sa laki ng sweldo aba'y blessing in the sky pa yata ang nangyari sakin sa manila. Sabi ng isip niya.
"Hija, dito madalas si Dex. Ito ang paboritong tambayan niya. Halika, ikaw man ay mawawala ang problema sa ganito kagandang tanawin." Nauuna ng ilang hakbang maglakad sa kaniya si Manang at sumusunod lang siya rito.
"Dex ho pala ang pangalan ng pasyente ko?"
"Oo hija. Oo nga pala anong gusto mong itawag namin sayo?." nilingon siya ni Manang Rosa.
"Cass na lang ho manang." Nakangiting tugon niya.
Nang marating na nila ang sinasabing paboritong tambayan ni Dex ay napasinghap na lamang si Cass. Napakaganda! Sigaw ng isip niya.
May malaking infinity pool doon na nakaharap sa kulay bughaw na dagat. May modern kubo din na nasa mababaw na bahagi ng tubig. May mga string light din sa buong baybayin.
"Halika hija, mag meryenda ka muna tapos maya-maya hatiran mo na rin ng meryenda si Dex kasi may isang gamot siya na dapat inumin mamayang alas singko."
Bigla nanaman tuloy siyang kinabahan. Relax lang Cassandra. Isipin mo na lang ang sasahurin mo dito. Sabi ng isip niya.
"Napakaganda mong bata Cass. Tingin ko magtatagal ka rito. Naku, pwera usog! Sana nga makayanan mo si Dex." Nakangiting sabi ni Manang Rosa sabay subo ng ipinalutong ginataang bilo-bilo with langka.
Pinamulahan ng pisngi si Cass sa papuri ni Manang Rosa. "Pipilitin ko ho magtagal lalo na pag palaging may masarap na meryenda."Pabirong sabi ni Cass at sabay pa sila ni Manang Rosa na humalakhak.
"Naku hija, Wala kang po-problemahin sa pagkain dito. Lalo na at stay-in ka naman kaya libre lahat ng kailangan mo dito sa loob ng bahay. Siya nga pala kahinaan ni Dex ang masarap na lutuin. katulad nitong meryenda natin. Siya ang nag request na magluto nito."
Bongga! Pati food libre. Makakaipon talaga ako nito blessing in the sky talaga. Napangiti pa siya sa naiisip.
Pagkatapos nila kumain ay itinuro rin ni manang sa kaniya ang kwarto na tutuluyan. Nagpalit lamang siya ng scrub suit buti na lang may nahanap siya sa sss market na bilihan dahil wala naman siyang dala nang magpunta dito sa palawan ni isa kaya dumaan muna siya para ma pick up ang mga iyon bago tumuloy sa mansion.
"Cass, ito ang ihahatid mo kay Dex." inilapag ni manang ang isang tray na may malaking mangkok ng ginataang bilo-bilo at black coffee. Nakalagay na rin doon ang isang tabletang gamot.
Habang paakyat sa hagdan ay naramdaman nanaman niya ang kaba na kanina pa niya sinusupil at nang nasa tapat na siya ng pinto ng binata ay huminga muna siya ng malalim bago kumatok.
Nakailang katok na siya ngunit walang sumasagot sa loob. Nang tignan niya ang relo sa bisig ay nakita niyang mag aalas kwatro medya na, kakain pa ito bago inumin ang gamot. Nag aalala na siya na baka hindi na iyon mainom sa tamang oras. Halos mag sasampung minuto na rin siyang kumakatok.
Napagpasyahan na niyang pumasok na dahil baka natutulog ito at kailangan gisingin para makainom ng gamot.
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Tuloy-tuloy siyang pumasok para ilapag sana ang tray na dala. Nakakailang hakbang na siya papunta sa maliit na lamesa, nang biglang may nagsalita sa likuran niya.
"Ganyan ka ba ka bastos? bigla ka na lang pumapasok sa kwarto ko ng walang permiso?" Ma awtoridad ang pagkakasabi ng baritonong boses sa likuran niya.
Halos mapatalon sa gulat si Cass nang marinig iyon. Natapon pa ng bahagya ang kape na nasa tray dahil halos manginig ang kamay niya nang biglang magsalita ang binata. Buong akala kasi niya ay wala ito doon dahil sabi ni manang madalas ito nagpapahangin sa balkonahe.
Inilapag na niya ang tray sa mesa at hinarap ang kaniyang pasyente."Pasensiya ka na sir ak-" bigla siyang natigilan. Napa-awang ang bibig at tumalikod ulit saka napasigaw sa nakita.
"Aaaahhh!!!" Maiksi at impit na sigaw ni Cass.
Nagulat siya sa hitsura ng lalaking naka wheelchair. Wala itong pang itaas at pang ibabang damit. Tanging tuwalyang puti lamang ang nakatakip o nakapatong nga lang yata sa pagitan ng hita nito. Magulo at basa pa ang buhok niya na mukhang bagong ligo lang. s**t si Adonis ba ito? Why so gwapo? Gusto niyang batukan ang sarili sa naisip.
"Stupid! Why are you acting like that? Pumasok ka dito ng walang permission! si Manang lang ang pwedeng gumawa nyan! See, you're invading my privacy!"
"Ah-a-im so-sorry s-sir." Ano ba Cass bakit ka nabubulol?! Gusto na talaga niyang sampalin ang sarili baka sakaling tumuwid ang dila niya. Bumuntong hininga muna siya ng malalim bago muling magsalita.
"What the heck! tatayo ka na lang ba dyan?!" sigaw ng lalaki sa kaniya.
"Im sorry sir. Kailangan mo na kasi kainin yong gamot at inumin yong ipinalu- ay, mali!" Sa sobrang bilis ng pagsasalita niya ay napagbaliktad na niya ang mga sasabihin. Mayroong kung ano sa boses ng binata na nakakapagpakaba sa pagkatao niya.
kailangan mo kumalma. Remember ang laki ng sahod. Paalala ng isip niya. Napalunok muna siya bago muling nagsalita.
"Sorry, kung pumasok ako ng walang permiso. Almost ten minutes na kasi ako kumakatok sa labas ng pinto kaya akala ko tulog ka. Gigisingin sana kita para makakain at makainom ng gamot. Kailangan mo na nga pala mainom yan ngayong alas singko." sabi niya habang nakatalikod pa rin "Sige ho, lalabas na ako pasensiya na po ulit." Lumakad na siya patungo sa pinto ng hindi lumilingon at nang makalabas na siya ay para siyang nakahinga ng maluwag.
Pababa siya ng hagdan ng tawagin siya ni Manang. "Cass, kumusta? naibigay mo na ba?" Excited na tanong ng mayordoma.
"Opo manang. Tamang-tama hinahanap talaga kita kasi gusto ko sana makita ang medical records or medical history ni Sir Dex para may background ako kahit papaano. Yong mga reseta, kailangan ko din po lahat at yong mga gamot, kailangan nakalagay siya sa isang medicine drawer para ma check ko kung ano-ano ang kailangan ng refill o baka may kailangan na po bilhin." Mahabang paliwanag ni Cass
Patango-tango lang si Manang Rosa habang nagsasalita siya.
"Sige hija, ipapahanda ko na ngayon. Naku, sobrang organize mo naman pala. Yong ibang nurse kasi pag nasigawan na naku, nawawala na sa focus." Namimilog ang mata ng mayordoma at mukhang excited na tila ba isang magandang balita ang mga sinasabi niya.
"Sya nga po pala manang, alam ba niya na may bago na ulit siyang nurse?"
"Oo hija, bago ka pa lang dumating alam na niya. Hindi naman iyon nakakatanggi lalo pa at nong nakaraan lamang ay pinilit niyang makaalis ng kama para lumipat sa wheelchair kaso nawalan ng panimbang, ayon nahulog."
"Ah, ganon ho ba manang. Mukhang mahirap pala talaga ang kalagayan niya." kaso ang sungit pa din. Dagdag ng isip niya.
"Oo, hija kaya iintindihin mo sana siya ha." tila nakikiusap ang mata ng mayordoma at napahawak pa sa kamay ni Cass.
"Susubukan ko po." maikling tugon ni Cass.
Nang nasa loob na siya ng silid ay saka niya naunawaan ang tototoong kalagayan ng binata. Naroon na lahat ng medical records nito at binabasa ang mga iyon. Maging siya ay nalungkot.
"Maari pala mabulag ang kaliwa niyang mata kawawa naman." Mahinang bulong niya sa sarili.
Napapailing na lamang siya habang binabasa ang medical history ni Dex nang biglang tumunog ang message alert tone ng celphone niya.
Never love with all your heart it will only ends in aching - countee cullen
Good evening!
Napangiti si Cass nang mabasa ang text mula kay Shokoy. Napagkasunduan kasi nila na shokoy at sirena na lang ang magiging pangalan ng bawat isa. Kaya iyon din ang naka-save na pangalan sa phonebook niya. Pero hindi pa rin niya mapigilang matawa sa tuwing re-rehistro ang pangalan nito sa screen ng celphone niya.
Kagabi pa siya naaliw kay shokoy dahil siguro pareho silang broken hearted, nauunawaan nila ang pagiging emo ng isat-isa at the same time hindi nila alam ang totoong identity ng bawat isa kaya they feel free to talk about anything and be themselves without judgement.
Agad naman siyang nagtipa at hindi rin magpapatalo sa broken hearted quote nito.
"Pleasure of love last but a moment. Pain of love last a lifetime." - Bette Davis. Good evening!
Hinihintay niya kung mag re-reply pa ito pero mukhang nag send lang talaga ng quote. Marahil ay nag e-emo nanaman at na mi-miss ang ex girlfriend nito.
Napailing na lamang si Cass ng maisip iyon. Siya naman so far ay may mga oras na nasasaktan pa rin pero hindi na dahil sa gusto pa niyang makasama ang dating nobyo. Oo nandoon pa rin ang minsan miss niya yong mga araw na magkasama sila at minsan umiiyak pa rin pero hanggang doon na lang at sa tingin naman niya ay normal lamang iyon kasama iyon sa proseso ng pag mo-move on.
Napabuntong hininga na lamang si Cass at binalik ang atensyon sa pagbabasa at pag check ng mga medical records at medical history ni Dex. Isa-isa na din niya in-organize ang mga gamot sa acrylic mini cabinet drawers na binigay ni Manang Rosa sa kanya. Maging ang mga panglinis ng sugat, gasa at ibat-iba pang medical needs ng binata.
Nang matapos ay nagpasya na siyang dalhin na iyon sa kwarto ni Dex para naroon na lahat ng kakailanganin ng binata. Minsan daw kasi sabi ni Manang ayaw ni Dex na lalapitan pa ito para painumin ng gamot. Lalong-lalo na iyong aalalayan mo pa siya para makabangon sa kama. Buti na lang talaga nabigyan na siya ng mga instructions, kung hindi baka isa na rin siya sa na fired. Sayang naman ang laki ng sahod.
Bitbit na niya ang acrylic mini cabinet drawer na siguro ay nasa limang dangkal ang taas at dalawang dangkal ang lapad. Hindi rin naman iyon ganon kabigat. kahit medyo struggle ay nagawa naman makakatok sa pinto ang isang kamay niya.
"come in."
Narinig nanaman niya ang baritonong boses ng binata na hindi niya malaman bakit nakakapagpa kabog ng dibdib niya.
Pag bukas niya ng pinto ay nakita niyang nasa kama na ang binata. Tumikhim muna siya dahil parang ayaw nanaman lumabas ng mga salita sa bibig niya.
"Good evening! Sir pasensiya na ho ulit kahapon hindi na ako nakapagpakilala. Ako nga po pala si Cass bag-" putol na sabi niya ng magsalita si Dex
"Im not interested. Hindi ka rin naman tatagal dito. Can you just tell me anong kailangan mo nakakaabala ka." Mahinahon naman niya iyon sinabi ngunit ma awtoridad na parang gugustuhin mo na lang talaga umalis.
"Ahm..okey, ah sir inayos ko yong mga gamot mo and medical supplies nandito na lahat. Saan nyo ho ba gustong ipalagay ito?" sabi niya na nakadungaw ang ulo sa gilid ng dalang acrylic dahil natatakpan na nito ang kaniyang mukha
Hindi niya namalayan na titig na titig na pala siya sa kaguwapuhan ng binata. Ngayon niya lang nakita talaga ang mukha nito dahil kahapon hindi naman siya pwedeng humarap dito ng wala itong saplot.
"I don't want that here. Anong gusto mo gawing ospital tong kwarto ko?! Hindi pasigaw pero malakas na ang boses ni Dex nang magsalita.
Alam ni Cass na may sinasabi si Dex pero hindi niya iyon masyadong naintindihan para siyang na engkanto, nalaglag na ang panga niya sa pagkakatitig sa binata. Gosh! Ang lakas ng s*x appeal niya.
"Bingi ka ba or what?! Take it out!"Malakas na sigaw nito.
Saka pa lamang nahimasmasan si Cass at naunawaan ang sinasabi ni Dex.
Napasinghap siya sa pagkabigla. "Okey sir, ilalabas ko na lang ho ngayon din." Agad tumalikod si Cass papunta sa pinto. Taranta siya sa pagpihit ng seradura at kahit may bitbit, tagumpay naman niya itong nabuksan. Ngunit dahil bahagyang natatakpan ng dalang acrylic ang dadaanan biglang sumabit ang crocs na suot niya sa kanto ng pintuan, dahilan para matisod siya.
"Aaaaaahhhhhhh" yong pakiramdam na parang nag slow-mo pa ang pagbagsak niya pasubsob at bumilis na lang ang lahat nang lumagapak na siya sa sahig. Gumawa din ng malakas na ingay ang dala niyang acrylic dahil nabasag iyon ng bahagya. Buti na lang makapal na klase iyon kaya walang gamot ang nabasag.
"Ouch..ara-" mahina niyang sabi habang nakadapa pa rin ng bigla niyang narinig ang sigaw ni Dex na alam niyang nakita ng buo ang katangahan niya.
"s**t! What are you doing woman?!" Sigaw ni Dex
"Im okey sir!" Agad siyang tumayo sa pagkakadapa. Umakto siyang hindi naman masakit. Nakabukas ang pinto kaya sumenyas siya ng okey sign at ngumiti pa sa binata pagkatapos ay isinara na niya ang pinto.
Pagkasara ng pinto ay saka niya ininda ang masakit sa katawan. "Ouch, aray ko po.." sabi niya habang hinihimas ang hita at balakang.
Maya-maya ay dumating si Manang Rosa "Anong nangyari Cass?" nag aalalang tanong ng mayordoma sa kaniya.
"Napatid lang ho ako manang okey naman ako. Babayaran ko na lang yong acrylic nabasag ho eh. sorry po." sabi niya habang kumakamot sa noo.
"Naku, 'wag mo intindihin yan. Sigurado ka okey lang. Wala bang masamang ginawa si Dex sayo?" Tinignan pa nito ang braso, kamay at pinaikot pa siya patalikod kung okey lang ba talaga siya.
Natawa naman si Cass sa reaksyon ni Manang. "okey lang ho ako manang. Sige ho ililigpit ko lang ang mga ito." Nginitian niya ang matanda para hindi na ito mag alala at binitbit ang acrylic pabalik sa kwarto niya.
"Hija bakit hindi mo gamitan ng trolly iyan para di ka nahihirapan? Siya nga pala Cass, bukas ang follow-up check up ni Dex. Alas syete ang alis ninyo dito." paalala ni Manang sa kaniya.
"Okey lang ho kaya ko na ito. Sige po manang." sabi niya na nakalingon sa mayordoma.
Ayan makakasama ko pa siya bukas. Naku, self makisama ka naman! Kung ayaw mo mapurnada ang malaking sahod na inaasam mo. Sigaw ng isip ni Cass habang patungo sa kaniyang silid.