Billionaire's Misery

2263 Words
"Manang Rosaaa!" Dumadagundong ang tinig ng isang lalaki mula sa ikalawang palapag ng mansion. Napapikit na lamang ang mayordoma nang marinig ang malakas na pagsigaw ng amo. "Naku, ano nanaman kaya ang problema niya sa bagong nurse? Napakahirap pa naman humanap ng kapalit." Umiiling-iling na bulong ng matanda habang nagmamadaling umakyat sa hagdan. "Bakit hijo? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Manang Rosa. "Get her out of my room! Manang i don't need her!" Galit na sabi ng lalaki. "Manang gusto ko lang naman po siya alalayan tapos big-" Naputol na ang pagpapaliwanag ng nurse nang muling magsalita ang lalaki. "Get out!" Malakas na sigaw nito pagkatapos tabigin ang mga gamot na nasa bedside table sa tabi ng kama. Nabasag ang ilang gamot maging ang baso na nakapatong doon. Napaurong na lamang ang nurse at si Manang Rosa dahil sa takot nang muli itong magsalita. "Hindi ako inutil. Kaya kong alagaan ang sarili ko at hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino sa inyo. Naiintindihan niyo ba? Hindi ako inutil!" Galit na sa sabi nito. "Sige hijo, ako na ang bahala. Magpahinga ka na muna riyan." sabi ni Manang Rosa sabay hila sa kamay ng nurse palabas sa kwarto ng amo. "Ano ho bang mali sa ginawa ko? Gusto ko lang naman sana siyang alalayan sa pag inom ng gamot niya. Bigla na lamang siyang nagalit. Nangingilid ang luhang tanong ng nurse. "Pasensiya ka na hija, hindi naman talaga siya ganyan kasama noon. Nagsimula lang noong maaksidente siya. Naging mainitin na ang ulo. Dumagdag pa yong fiance' niya na iniwanan siya sa ganiyang sitwasyon." Mahabang paliwanag ni Manang Rosa "Grabe naman ho siya manang kakapasok ko lang. Maghapon pa lang ako dito fired na agad." malungkot na sabi ng nurse. Nakaramdam ng awa si Manang Rosa sa nurse kaya't hinimas nito ang likod ng dalaga. "pasensiya ka na talaga hija, kami nga rin ay nahihirapan na dahil halos araw-araw yata kami nagpapalit ng nurse. Ang hirap pa naman mag hanap ng kapalit." Napabuntong hininga na lamang ang matanda. "kaya naman pala ang laki ng offer kasi ganito pala kahirap pakisamahan ang magiging boss. Naku po kahit anong laki ng sweldo pero kung ganyang klaseng pasyente ang aalagaan ko, hindi bale na lang. Wala ho talagang magtatagal dito manang." "Wag ka mag alala hija babayaran ka pa rin para sa maghapon mong pag aalaga."Sabay dukot ng limang libo sa bulsa at iniabot sa nurse. "Salamat po manang." Nakangiti ngunit may kasama pa ring lungkot ang mababakas sa tinig ng nurse. Marahil ay nanghihinayang ito sa maaari pa sanang kitain sa pagtatrabaho. Nang makaalis na ang nurse ay agad namang bumalik si Manang Rosa sa silid ng amo para ligpitin ang mga bubog at kalat sa kwarto nito. "Manang, Hindi ho ba sinabihan ko na kayo na hindi ko kailangan ng personal nurse?" Kalmado nang sabi ng binata. Napahinto naman sa ginagawa si Manang Rosa at humarap sa kaniya."Pasensiya na Dex hijo yan kasi ay kabilin-bilinan ng iyong ina. Hindi pa rin kasi siya makakapagbakasyon ngayon sa Pilipinas kasi may tinatapos pa silang trabaho ng Daddy mo kaya't gusto niya ay may nurse na tututok saiyo lalo na at sariwa pa ang mga sugat mo." Mahabang paliwanag ni manang Rosa. "Hindi nanaman sila uuwi ngayong taon? Wala na ba silang ibang idadahilan. Buong buhay ko na yata iyan na lang ang lagi nilang dahilan." Umiiling-iling na sabi ng binata. Ipinagpatuloy na lamang ni Manang Rosa ang ginagawa. Wala rin kasi siyang maisagot sa binata. Sadyang malaki rin talaga ang pagkukulang ng mga magulang ni Dex sa kaniya. Simula pa lamang pagkapanganak ay halos kay Manang Rosa na ito lumaki. Maging ang dalawa pa nitong kapatid na lalaki kaya parang hindi na rin iba ang turing ng mga ito sa matanda. "Dex, mukhang kailangan na palitan ang gasa diyan sa kaliwang mata mo. Mukhang nagdugo nanaman ang sugat mo." Nag aalalang sabi ng matanda nang mapansing may bahid ng dugo ang puting gasa na nakatakip sa kaliwa nitong mata. "Hindi na ho manang kaya ko na ito. Iwan nyo na ho ako" Matigas na sabi ng binata. Pagkaalis ni Manang Rosa ay dahan-dahang inabot ni Dex ang wheelchair na nasa tabi lang ng kama nito. Ramdam pa rin niya ang sakit sa ibat-ibang bahagi ng katawan pero desidido siya makakilos ng walang tulong ng iba. Hindi maaring ganito na lang ako. Hindi ako papayag maging isang inutil! Sigaw ng isip niya hanggang sa nahawakan at tuluyan na niyang naabot ang wheelchair. Hinila niya ito ng mas malapit pa sa kama. Sinimulan na niyang igalaw ang mga paa ngunit kahit anong gawin niya ay talagang ayaw sumunod ng mga iyon. Damn!come on! Gigil na sigaw ng isip niya. Maya-maya ay ginamit na niya ang dalawang braso para itukod sa kama at buhatin ang pang ibabang bahagi ng katawan. Nagsimula na siyang pagpawisan ngunit ayaw pa rin niyang sumuko hanggang sa umabot na siya sa dulo ng malaking kama kung saan naroon ang wheelchair. Sinusubukan na niyang makalipat dito nang bigla siyang nawalan ng panimbang. Nahulog siya sa sahig at natumba ang wheelchair sa tabi niya. "Aaaah" napaigik siya sakit. Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto. "Anong nangyari hijo?! Ano bang ginagawa mong bata ka?" Natatarantang sabi ni Manang Rosa. "Raul! Raul!" Tawag nito sa driver na noon ay nagpapahinga sa driver's quarter. "Saglit lang hijo hindi kita kayang buhatin. "Hindi mapakaling sabi nito pagkatapos ay lumabas sa silid at tinawag muli ang kanilang family driver. "Raul! Pumarine ka na muna!" Maya-maya ay dumating na si Mang Raul kasunod si manang Rosa. Nagmamadali itong lumapit sa binata. "Mang Raul, sa wheelchair ho ninyo ako ilagay." Nakangiwing sabi nito na marahil ay talagang masama ang pagkabagsak "Sige sir." pagkatapos ay binuhat ito para makaupo sa wheelchair na inilapit ni Manang Rosa. Buti na lang at malaking lalaki din ito. Ngunit ganon pa man halos gamitin na ni Mang Raul ang buong lakas sapagkat hindi rin biro ang bigat ni Dex na isang six footer. "Salamat ho." Maikling sabi ng binata. Nauna nang lumabas si Mang Raul ng silid at nagpaiwan na si Manang Rosa para linisin at gamutin ang sugat ng binata. "Hijo, ako na muna ang maglilinis ng sugat mo." Tumango lang ito. Marahil ay nakaramdam ng pagkapahiya dahil alam niya na kahit anong pagmamatigas ay hindi pa talaga kaya ng katawan niya. Hindi na siya tumutol pa at hinayaan na lang si Manang Rosa. "Ayan tapos na linisin ang mga sugat mo. Teka, wala bang masakit sayo? kung meron ipapatawag ko si Doc Salazar." "Okey lang ako. Salamat ho Manang." Paglapat ng pinto ay agad niyang pinaandar ang wheelchair papunta sa malaking salamin na nasa tabi ng kaniyang cabinet. Matagal na rin siyang hindi nanalamin iniiwasan niya tumingin dito simula ng mangyari ang aksidente. Napatiim bagang na lamang siya ng makita ang sariling repleksyon. May benda ang kaliwang mata. May mga sugat din sa ibat-ibang parte ng mukha. Putok ang labi at ang pinakamalala, hindi niya magamit ang mga paa at binti. Sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi maitatago ang taglay na kaguwapuhan ng binata. Natural na mapungay ang hazel brown nitong mga mata. Matangos na ilong at napaka sexy ng labi. Moreno ang kulay at matipuno ang pangangatawan. Ngunit mababakas sa mukha nito ang poot at lungkot lalo na ngayong naalala niya ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya ngayon. Natigilan si Dex nang mapadaan sa library room ng kasintahan nang narinig na may nag uusap. Papunta sana siya sa kwarto nito para sorpresahin. Hindi talaga siya nagpasabi na ngayong araw ang dating niya galing sa isang business trip. May susi siya ng apartment dahil siya naman ang may-ari niyon. Ipinagamit niya muna dito. Alas syete pa lang ng umaga, simula sa airport ay dumiretso na siya sa apartment dahil halos isang linggo na rin silang hindi nagkikita at sabik na siyang makita at mayakap ito. Alam niyang tanghali na gumigising ang kasintahan tuwing Sabado dahil sarado ang kumpanyang pinapasukan nito ng ganoong araw. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng library room. Kaya't hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng lalaki at ng kaniyang nobya. "Naiinip na ako. Sawa na ako magtago. Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin? kailan mo balak bitawan ang relasyon ninyo ni Mr. Greyson? Hanggang kailan Ava?" "Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon Vince. Huwag muna ngayon." "Yong totoo Ava, nagpapanggap ka pa ba o mahal mo na siya? Magsalita ka!"Sigaw ng lalaki. "Ikaw ang nagtulak sakin na gawin ito baka nakakalimutan mo? Oo Vince siguro nga. Pero hindi ko yon sinasadya!" Humahagulgol na sabi ni Ava. Parang tinarakan ng kung anong patalim ang dibdib ni Dex sa mga narinig. Binato niya ang hawak na bulaklak at dalawang kahon ng gucci na dapat sana ay sorpresa niya sa kasintahan Sinipa niya ang pinto at hinarap si Ava at ang kung sino mang lalaking kausap nito. "Mga hayop kayo dito pa talaga sa pamamahay ko?" Nagtatagis ang bagang na sabi ni Dex. Ganon na lamang ang pagkagitla ng dalawa. Namutla na parang nakakita ng multo si Vince at Ava. "Nagkakamali ka Dex. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pinipili ko." "Naririnig mo ba ang sarili mo? Sa tingin mo ba ay maloloko mo pa ako?" Galit na hinawakan ni Dex ng mahigpit ang mukha ng kasintahan. Halos lumubog na ang mga daliri sa pisngi nito. "Oo honey, sa umpisa ay planado namin ni Vince ang lahat pero kalaunan ay napagtanto ko na mahal na kita. Totoo ang nararamdaman ko sayo hon please patawarin mo ako." Humihikbing sabi nito habang pilit na niyayakap si Dex. "Tumigil ka! isa kang impostor!" Akmang sasampalin na nito ang nobya ngunit huminto ang kamay niya sa ere. Kailanman ay hindi niya gustong makapanakit ng babae kaya imbes na sampal ay itinulak na lamang niya ito palayo sa kaniyang katawan. Pagkatapos ay binalingan si Vince. Nang harapin na niya ito ay napakunot ang kaniyang noo. "Vincent Rosales, ang may ari ng naluluging Rosales steel corporation na anumang oras ay magsasara na. Am i right?" Sabi nito na tumaas pa ang isang sulok ng labi. Hindi pa man nakakasagot si Vince ay nabigyan na ito ni Dex ng malakas na suntok sa panga na ikinahilo nito. Hindi pa siya nasiyahan at sinundan pa ng isa pang malakas na suntok sa sikmura. Napayuko na lang ito sa sobrang sakit at tuluyan nang bumagsak sa sahig. Nilapitan muli ito ni Dex at sinipa sa tagiliran."Get out of my house!" Sigaw niya. Halos matumba-tumba na gumapang si Vince palabas ng apartment. Nang lingunin ni Dex si Ava ay nakita niya itong nandoon pa rin at hindi kumikilos. Humihikbi sa sobrang takot."Get out or i'll shoot you both!" nagbabantang sabi nito. Nataranta naman si Ava sa kinatatayuan. Nagpatiuna pa sa paglabas ng pintuan. Toot..tooot..(text message tone) Napapitlag nang bahagya si Dex dahil sa pagtunog at vibrate ng kaniyang celphone. nakapatong iyon sa bedside table kaya't iginiya niya ang wheelchair papunta roon. Kumunot ang noo niya ng makitang bagong numero iyon dahil hindi naka save sa contacts niya. Walang forever. 'wag ka na umasa. Masasaktan ka lang! huh! and who the hell are you? Ganting reply niya habang nakakunot noo. You sounds bitter huh! brokenhearted? Muling nag send si Dex ng message nang ilang minuto na ay hindi pa rin ito nag re-reply. Yes i am! but you sound more bitter based on your message in this bottle, you said you're lonely and waiting for your destiny. Sa dagat talaga? Ano ka shokoy na naghahanap ng sirena or maybe vice versa. Haha! Biglang nawala ang pagkakunot ng noo ni Dex at sa unang pagkakataon simula ng mangyari ang mga trahedya sa buhay niya ay ngayon lang ulit siya napatawa ng ganito. Hahaha! sino nga ba ang siraulong maghahanap ng forever niya sa dagat? sabi ng isip niya. So, you are broken hearted huh? si Dex ulit Paulit-ulit? Napangiti naman si Dex sa maiksing reply nito pagkatapos ay nagtipa ulit sa celphone Same here.. Ah i see, obvious naman sa message mo eh i can feel it..Okey, so broken hearted ka rin pala. Oo same nga eh! paulit-ulit? Napapangiting reply ni Dex. He cant explain it why he is opening up with this stranger. Somehow, it feels a breathe of fresh air for him to have a conversation with someone who did not know him. The other side of a real Dex Alexander Greyson. Just curious are you a shokoy or sirena? Guess what? Ganting tanong ni Dex hmm..sirena? Mostly kasi girls ang mas dramatic kesa sa boys" That's what society really think, right? if you are a man you should always be emotionally strong that's unfair. So, you find my message dramatic? No, not really. But you know, you're right it is unfair to men because same with us women they also have feelings and fair share of ups and downs in life. So i agree with you. Exactly! So you are a woman. Yes i am☺️ So you are really a shokoy? that's a guess im not really sure.? Napangiti nanaman si Dex sa message ng hindi kilalang numero at muling nagtipa. Yes i am a dramatic shokoy haha? Ilang beses pa sila nagpalitan ng mensahe at hindi na namalayan ang oras. Sa hindi malamang dahilan ay naaliw ang binata sa pakikipagpalitan ng mensahe sa estranghera. Sa ganitong paraan kasi ay nailalabas niya ang totoong nararamdaman nang hindi siya nakikilala ng kausap. Ibang-iba sa mundong ginagalawan niya na ang tingin sa kaniya ng mga tao ay isang matagumpay, malupit at matatag na business man na may perpektong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD