bc

Laurelle Carter [SINFUL MAIDEN: Series 2]

book_age18+
1.7K
FOLLOW
9.0K
READ
love-triangle
possessive
sex
arranged marriage
independent
bxg
small town
secrets
gorgeous
seductive
like
intro-logo
Blurb

SINFUL MAIDEN SERIES 2

R-18 Mature Content | Some scenes are not suitable for the young readers. All characters, incidents, organizations, and background are all FICTITIOUS.

****

Laurelle Carter escaped to her arrange marriage to someone she didn't know because she loves her boyfriend. She went to a province where she knew no one knew her to hide until her boyfriend returned to the Philippines. Pumasok siya bilang kasambahay kahit na wala siyang alam na gawaing bahay sa bahay ng mga Valencia kung saan nakilala niya ang magkapatid na si Apollo at Adam.

Will she be able to withstand the temptation of the two handsome men as well as her desire to taste the heat of the night again?

© 2022 penpenthelarapen. All rights reserved.

Status: Completed

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Rinig na rinig ko ang lakas ng tugtugan sa paligid ko habang patuloy lang ako sa pagsasayaw dito may gilid. May hawak din akong coctail drinks na hindi ko tinitigilan sa pag-iinom. Im now bit tipsy pero patuloy lang ako sa pagsasayaw. Ganito naman lagi ang buhay ko ehh especially pag gabi. Lagi akong nasa club, to be honest— halos lahat na ng clubs and bars around Manila ay napuntahan ko na. I have my own reason kung bakit hindi ako nag i-stick sa isang club, gusto niyong malaman kung bakit? Simple lang, isang heneral kasi ang Dad ko. Siya si General Enrique Carter. Lagi niya akong pinapasundo sa kaniyang mga tauhan kapag lumalagpas ang oras ko sa 11 PM na curfew niya sa akin. Like, what the h*ll? Sino ba naman na isang City girl na edad 25 na ang umuuwi nang ganong oras? Tell me! Kaya ang ginagawa ko, palipat-lipat ako ng club na pinupuntahan dahil almost 1 hour din ang tinatagal nang paghahanap nila sa akin kaya naman nakakapag-extend pa ako dito sa pag-party ko. Kung matalino ang Dad ko, well— mas matalino naman ako sa kaniya. But dont get me wrong okay? Mabait ang Dad ko and close kaming dalawa, simula nang mamatay ang Mom ko ay hinati niya na ang oras niya para sa akin at para sa minamahal niyang trabaho. Ako ang kaisa-isa niyang anak kaya naman naiintindihan ko kung bakit siya over protective pag dating sa akin. Actually, hindi ko naman masasabi na over protective siya dahil may kalayaan pa rin naman ako na gawin ang mga gusto ko. Nabibigay niya ang mga pangangailangan ko ng higit pa sa hinihingi ko. Siguro talagang iniingatan niya lang ako dahil ako na lang ang tanging kasama niya sa buhay niya and— I’m his everything. By the way, I’m Laurelle Carter. Siguro naman hindi ko na kailangan pa na ipakilala ang sarili ko sa inyo ng sobra dahil yung mahahalagang information tungkol sa akin ay nasabi ko na. Ow wait- I forgot! Naka-arrange marriage nga pala ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala pero dont worry— wala naman akong balak na gawin yun to please my Dad. When I turned 20, lagi nang kinukulit ni Dad sa akin ang tungkol doon and now I’m 25, so sanay na sanay na ako. Like what I’ve said, wala akong balak na gawin yun because, I have a boyfriend. Almost a year and a half na kaming mag-on. Madalang kaming magkasama kasi nga isa siyang marine and LDR kami. Isa pa, secret relationship ang meron kami dahil nga ayaw kong ipaalam sa Dad ko ang tungkol doon. And I love him. Siya yung rason kung bakit ayaw kong magpakasal doon sa lalaking nakatadhana daw na maging asawa ko. Well, General ang Dad ko kaya naman sure ako na mahihirapan akong ipaliwanag sa kaniya na ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko kilala kaya naman naisipan kong magpabuntis na kay Zandro who is ang boyfriend ko kapag nakabalik na siya dito sa Pilipinas. Ngayon kasi ay nasa London siya dahil like what I’ve said, isa siyang Marine. Tama na nga ang chika. Nagpatuloy na ulit ako sa pagsasayaw pero hindi pa man nagtatagal ay napansin ko na parang nahawi ang mga taong nagsasayaw dito sa dance floor kaya naman lihim akong napabuntong hininga. Okay! Mukhang nahanap na nila ako. Sure ako na yun na yung mga alagad ni Dad kaya naman binitawan ko na yung baso ng coctail na hawak-hawak ko tsaka kinuha na yung bag ko. Sanay na sanay na ako sa mga pangyayari na tulad nito dahil pa ulit-ulit na. Sa katunayan nga, may mga ibang bar na ang hindi tumatanggap sa akin dahil nagco- cause daw ako nang commotion. Like what the f*ck! Mahalaga pa ba talaga yun kung malaking pera naman ang kaya kong ipasok sa club nila kapag naging customer nila ako? Hays. And Ta dah! Hindi nga ako nagkamali. Lumapit sila sa akin ng may mga seryosong ekspresyon. “Ma’am, pinapasundo na po kayo sa amin ni –“ “F*ck off!” Walang gana na putol ko sa sinasabi niya. Halos tandang-tanda ko na ang mga mukha ng mga sundalo na toh. Tsk. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang mga tinginan ng ibang customer na malapit lang dito sa scene. Sure ako na iniisip na nila ngayon na isa akong kriminal or what dahil halos sampung sundalo ang nakatayo ngayon dito sa harapan ko. Hayyys. Lagi akong pumapasok sa bar ng halos walang nakakapansin sa akin pero I always ends up having a grand exit. Tsk. Nagsimula na akong lumakad para umalis. “Dito po Ma’am ang daan.”wika niya pa at nang aalalayan niya sana ako ay mabilis ko siyang hinarap. “Jeeez. Kaya kong lumabas okay? Nakapasok nga ako dito diba? My god! You are getting into my nerves!”asar na wika ko at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya tsaka nauna nang lumabas ng club. Hindi na ako magtataka kapag hindi na ako pinayagan na pumasok sa bar na toh kapag bumalik ako. Sayang. Masarap pa naman ang coctail nila. Paglabas ko ay hindi ko maiwasan na mapatigil nang makita ko ang itim at magarang kotse ni Dad— at hindi lang yun dahil nasa loob din siya. Mabilis kong nilingon yung lugar kung saan ako nag-park ng kotse ko kanina at wala na yun doon. Hindi na ko magtataka kasi sigurado akong pina-drive na yun ni Dad sa kung sino mang sundalo na tauhan niya pauwi sa bahay. Hindi na rin ako magtataka kung paano nila nagawa yun kahit na nasa akin naman yung susi. Nagsimula na akong maglakad palapit sa kotse niya. Pinagbuksan pa ako ng pinto nung isang sundalo kaya naman pa dabog akong pumasok sa loob. Well, nagtataka ako kung bakit sinundo pa ako ni Dad dito which is hindi naman niya yun madalas na ginagawa. Pero, bakit ko pa nga ba iisipin yun kung nandito na siya mismo di ba? “Bakit mo pa ako sinundo Dad? Hindi ko naman tatakbuhan ang mga sundalo mo.”wika ko sa kaniya habang tinatakid ko ang seatbelt ko. “May pag-uusapan tayo.”seryosong sabi niya kaya naman hindi ko maiwasan na batuhan siya nang nagtatakang tingin. Ang seryoso naman ni Dad ngayon. Nagpapanggap ba siyang istrikto dahil nakasuot siya ng uniform niya ngayon at dahil may sundalo kaming driver o talagang may seryoso siyang sasabihin sa akin? Hmm.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook