KABANATA 3

1426 Words
NAGTAYUAN ang lahat ng balahibo sa katawan ni Kasandra ng maramdaman niya ang isang presensiya sa likod niya. Natigilan siya at napako sa kinatatayuan. Lumakas ng lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at tila nanigas ang kanyang leeg. Gusto niyang lumingon upang alamin kung ano ang presensiyang iyon pero natatakot siya sa makikita. Nagsimulang gumana ang imahinasyon niya. Natutop niya ang bibig ng maramdaman ang mainit na hiningang bumuga sa batok niya. Lalong nagtayuan ang mga balahibo sa bahaging iyon ng katawan niya at nagsisimula na siyang pagpawisan ng malapot. Napapikit siya. "Diyos ko po. Iligtas niyo po ako sa kung anuman ang nasa likod ko. Magpapakabait na po ako kapag pinahintulutan niyo akong makaalis dito ng buhay." mahina at nanginginig niyang usal. Lumaki siyang hindi natatakot sa multo o sa mga kaluluwang nagpapakita sa mga tao - masama man o hindi. Pero nasa gitna siya ng gubat at hindi niya alam kung paano siya makakaalis doon. Hindi malayong may mga nakatirang engkanto sa loob ng gubat na iyon. Malay niya kung nagising ang mga ito sa pagsigaw niya kanina. Muntik pa siyang mapatili ng mahinang sumingasing ang presensiya na nasa likod niya. "Kakainin kita." mahina at nakakatakot na bulong ng presensiya sa likod ng teynga niya. Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang tinig nito. Namutla siya at parang hihimatayin. Kumawala ang malakas na sigaw sa lalamunan niya. "Huwag po!!!" umalingawngaw ang malakas niyang boses sa buong paligid. Napapikit siya. Ni ayaw na niyang magmulat. Ayaw niyang makita ang nagmamay-ari ng presensiyang iyon. Natatakot siyang makakita ng hindi maganda. Parang lumobo ang ulo niya sa sobrang takot niya. Sa kabila ng takot ay nagawa pa rin niyang tumakbo. Kung tuluyan ng nakalayo si Liam sa lugar na iyon ay nag-iisa nalang talaga siya doon at walang ibang tutulong sa kanya. Pero hindi pa siya masyadong nakakalayo ng bigla siyang tumigil. Bigla ay may pumasok na reyalisasyon sa kanyang utak. Marahas siyang napalingon sa pinanggalingan. Nagsalubong ang dalawa niyang kilay dahil nakarinig siya ng malalakas na tawa at kung hindi siya nagkakamali ay mula iyon sa pinanggalingan niya. Dapat siyang matakot dahil maaring engkanto ang mga iyon pero pamilyar sa kanya ang halakhak ng isang lalaki. Agad na nagduda si Kasandra. Kumilos siya pabalik sa pinanggalingan habang tahimik na nakikiramdam. Nanlaki at napaawang ang bibig niya ng makita si Liam na parang sira ulo sa katatawa. Tutop nito ang tiyan at hindi na magkandaugaga sa paghalakhak. Naningkit ang mga mata niya ng pumasok ang reyalisasyong naloko nanaman siya nito. Nasisigurado na niyang walang engkanto o kahit anong maari niyang katakutan sa paligid. O kung mayroon man ay hindi iyon ang presensiyang lumapit sa kanya kanina at nanakot sa kanya. Gusto niyang sikaran ngayon ang binatang wala pa ring humpay sa katatawa na sigurado niyang siya ang pinagtatawanan. Naniningkit ang mga matang lumapit siya at ubod lakas na sinipa ang puwet nito ng minsang mapayuko ito. Wala siyang pakialam kahit matanda ito sa kanya ng ilang na taon. Muntik itong sumubsob sa lupa kundi lang sa mabilis nitong pagkilos. Nang mag-angat ito ng mukha ay hindi maipinta ang mukha nito. Nawala ang kaaliwan sa mukha nito at masama siya nitong pinukulan ng tingin. Mapang-asar niya itong nginisihan habang paismid na nameywang. "Bakit mo ako sinipa?" galit nitong tanong. Hindi siya sumagot sa halip ay nilapitan ito. Walang babalang umangat ang isang palad niya at dumapo iyon sa pisngi ni Liam. Natutulig na nasapo ni Liam ang pisnging sinampal niya. Nanlisik ang mga mata nito habang kumuyom ang isang kamao. "Wala pa 'yan sa ginawa mo kanina." nakataas ang noong sabi niya. Ipinaalala ang ginawa nitong pananakot sa kanya na halos ikamatay na niya. "Pero hindi mo dapat ako sinampal!" singhal nito. "Papatayin mo ako sa takot Liam! Gusto mo ba talaga akong mamatay?!" at bago pa siya makapag-isip ay muling lumagapak ang palad niya sa kabilang bahagi naman ng pisngi nito. Muling nasapo iyon ng binata. Sa pagkakataong iyon ay pulang-pula na ang mukha nito sa tindi ng galit sa kanya. Para itong mangangain ng tao sa paraan ng pagtitig sa kanya. Pero hindi siya natatakot. Dapat lang na sampalin niya ito pambawi sa ginawa nito sa kanya kanina. "Ano gagantihan mo ako? Sige. Subukan mo. Tatakutin mo ulit ako? O sasampalin mo din ako?" umismid siya. "Buti nga sa'yo!" matapang niyang pahayag. “Palagi mo nalang ako inaasar. Palagi mo nalang akong tinatakot. Papaano kung may sakit ako sa puso? Sa tingin mo nakakatuwa ‘yung ginawa mo kanina?” aniyang bumalik ang inis niya dito. Mabilis niya itong tinalikuran bago pa ito makapagsalita. Naramdaman niya ang marahas nitong paghawak sa panyang braso para ipihit siya paharap dito. Lalong kumulimlim ang mukha nito. "Pagbabayaran mo ang ginawa mong mag-asawang sampal sa akin." bago pa siya makahuma ay nahatak na siya nito palapit sa katawan nito saka sinapo ang ulo niya. Ang akala niya ay babangga siya sa dibdib nito pero bumangga siya sa isang parte ng katawan nitong hindi niya inaasahang mababangga niya sa buong buhay niya. Kasabay ng paglalapat ng kanilang mga labi ay nanlaki ang kanyang mga mata. Nagpumiglas siya at tinangkang makawala pero malakas si Liam. Hindi niya nagawang makapalag. Sisigaw sana siya pero lalo lamang nitong napasok ang bibig niya. Ang tangka niyang pagsigaw ay nauwi sa pag-ungol. Kasabay din ng pag-ungol niya ay napapikit siya. Naglanding ang mga kamay niya sa mga braso nito upang makakuha ng suporta. Nanghihina siya hindi dahil sa pagpupumiglas niya kanina kundi sa kakaibang sensasyon dulot ng halik ni Liam. Malaya nitong nalasahan ang bawat sulok ng labi niya at hindi niya namamalayang nag-eenjoy na siya sa ginagawa nito. Gumanti siya sa halik na ginagawa ng binata! Iyon ang unang halik niya. Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Hindi niya alam kung papaano tutugunan ang ginagawa ng binata pero sinubukan niya sa abot ng makakaya niya. Natotorete pa rin ang utak niya pero ayaw niyang matapos ang halik na pinagsasaluhan nila ni Liam. Nawala siya sa sarili sa ilang sandali. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig ng maramdaman niya ang palad nitong pumipisil sa puwetan niya. Malakas siyang napaungol sabay tulak dito. Pulang-pula ang buong mukha niya at puwede ng ihanay sa mga kamatis sa bayan. Nang magtama ang mga mata nila ng binata ay lalong namula ang mukha niya. Nakangisi si Liam sa kanya at nanunudyo ang mga mata nito. Hindi niya alam kung papaano itatago ang mukha. "Gusto mo lang naman palang magpahalik, bakit kailangang sampalin mo pa ako? Sa susunod na gusto mong halikan kita ay sabihin mo lang. Huwag mo na akong sasampalin ulit dahil hindi lang iyan ang ibibigay ko sa iyo." nang-aasar na sabi nito na lalong ikinapula ng mukha niya. Para mabakawi ay mariin niyang ipinunas ang kamay sa labi niya. Saka nagkuwanring nagsusuka. "Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko gustong magpahalik sa iyo noh! Ang yabang mo! Buwisit ka!" Natigil sa pagngisi si Liam at nanlisik ang mga mata. "Ang dami mong sinabi!" "Ang sama mong humalik!" singhal niya kahit nag-enjoy naman talaga siya. "Talaga? Kaya pala umangat pa 'yang isang paa mo habang hinahalikan kita. Feeling mo naman nasa alapaap ka na!" Napanganga siya. Paano nito nakita iyon? Tumaas ba talaga ang isang paa ko? "For your information, hindi ko kailanman ginusto na ikaw ang maging first kiss ko! At hindi tumaas ang paa ko!" singhal niya dito. Huli na ng mapagtanto niyang hindi pala niya dapat sinabi iyon. Napatanga siya ng muli siya nitong ngisihan. Humakbang ito palapit sa kanya dahilan para mapaurong siya pero maagap siya nitong napigilan. Inilapit nito ang mukha sa kanya at tumitig sa mga mata niya. Hindi niya masabi kung para saan ang pagniningning ng mga mata nito dahil iyon ang nakikita niya. Siguro ay dahil nagawa nanaman nitong asarin siya. Bumaba ang tingin nito sa labi niya. Para siyang tanga dahil pasimple niya iyong binasa ng dila nila. Akala kasi niya ay hahalikan siya nito ulit. "Hindi na ako magtataka kung ako nga ang unang halik mo. Pero kung hihilingin mong ako pa rin ang maging ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, o kahit hanggang ilan mo gustong maging halik mo ay sabihin mo lang. Madali naman akong magbibigay eh." saka nito mabilis na kinintalan ang labi niya. Napaawang ang bibig niya dahil ikinabigla pa rin niya ang ginawa nito pero ang totoo ay umaasa siyang mas matagal ang gagawin nitong paghalik. Hindi iyon nangyari dahil pinakawalan na siya nito at mabilis itong tumalikod at naglakad palayo. "Liam!" nanggigigil na tili niya. Naisahan nanaman siya ng lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD