TILA batang musmos na uungot-ungot kay Governor Hermedes si Celestine. Kanina pa siya sunod nang sunod dito. Naghahanap ng tamang timing. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa asawa ang kanyang gusto. Baka masira ang mood nito kapag biglain niya. “What? May sasabihin ka ba? I noticed, kanina ka sumusunod sa akin.” “A-ano kasi, Hermedes,” natatarantang tugon ni Celestine. Hindi kasi niya akalain na napapansin siya nito dahil busy ito sa pagkalikot ng cellphone. “Com’on, just tell me. What is that, spell it out, hmm?” Ilang segundong naghihintay ang Gobernador na magsalita siya. Kaya napagpasyahan niyang sabihin na lamang ang kanyang pakay. “Gusto ko lang sabihin sa ’yo. Nagusto kong magtinda muli ng mani sa aking dating puwesto,” diritsahan na niyang tugon. “No! Bakit ka pa ma

