NAGPAPADYAK SI CELESTINE dahil sa sobrang inis! Gusto niyang sipain ang bayag at sakalin sa leeg ang Gobernador. Kanina pa ito nakakaalis ngunit hindi pa rin nawawala ang inis niya rito. Para maibsan ang nararamdaman pinagbabato niya ang unan na kanyang nahahawakan. “Ah! Kainis ka, Governor Hermedes! Galit na galit ako sa ’yo! Hindi ka talaga makaka-score sa akin!” Pinagsusuntok niya ang kama. Hindi pa siya nakuntento akmang ihahagis niya ang vase na sa bedside table ngunit nang maalalang wala pala siyang pambayad kapag nabasag niya ito. Napatingin siya sa kisame para naghanap ng butiki, Ngunit napansin niyang sobrang lakas ng buga ng aircon at naka-close ang buong bahay wala nga pa lang butiki na magagawi o kahit na isang sekto dahill paniguradong titigas ang mga ito. Nariyan ang napat

