CHAPTER THIRTY-NINE: ••• ••• Palabas na sana kami ng main gate nang makarinig kami ng Isang boses. "Kenster!" Isang boses ang narinig ko kaya napahinto ako sa paglakad. Ganun din si Kuya Kent. "Nandito ka pa pala." Isang babae ang huminto sa harapan namin. Nakangiti ito. At nanlaki kaagad ang mga mata ko nang makilala kung sino siya. "Mary..." wika ni Kuya Kent sa mahinang tono. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Seeing him talking with her made my heart ached. My heart felt heavy, as if it was breaking in slow motion. Napansin siguro ni Mary na may kasama si Kuya Kent kaya napatingin siya sa'kin. Nawala ang ngiti niya sa labi nang makita ako. "M-may kasama ka pala." Pinilit n'ya ulit na ngumiti kaso nagmumukha 'yung ngiwi. "Ke—" "Faith!!!" May bagong boses nana

