Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang palayasin ang empleyado niyang si Miss Nicolette para sa akin kaya lalo tuloy akong nahuhumaling sa kaniya.
Nanatili akong nakatayo habang nakatulala. “Excuse me, Miss Anastacia De Masilang pinabibigay po ito ni Sir,” may sumulpot na magandang babae sa harap ko at bitbit niya ang wallet ko. Teka? Wallet ko ba talaga ito? Paano ito napunta sa kaniya? Kinupitan kaya niya ako?
Agad ko itong kinuha mula sa babae. “ Jusmiyo pulguso, wallet ko nga.”inamoy-amoy ko pa ito at nahuli kong ngumisi 'yung babae sa akin at sabay akong tinalikuran. Isinilid ko 'to sa bulsa ko at dali-daling lumabas ng building. Nang makalabas ako ay nilakad ko ang daan pauwi sa amin upang makatipid ako ng pamasahe.
Tirik na tirik ang araw at malapit ng maubos ang baon kong tubig na nakalagay lamang sa isang plastic bottle. Mahirap lang kasi kami kaya di ko afford ang mamahaling water bottle 'yung uso ngayon.
Napadaan ako sa isang burger shop at naalala ko ang dalawa kong kapatid. Paborito kasi nila ang burger lalo na't may pipino. Dinukot ko ang pitaka sa loob ng bulsa ko at sabay itong binuksan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang limang libong pera.
Agad kong naalala na barya-barya lamang ang laman ng pitaka kong ito kaya paano nagkaroon ng limang libo? Halos dalawang buwan kong kita ito sa pag-si-sideline. Raketira ako sa umaga at balot vendor naman ako sa gabi.
At isang note ang umagaw ng atensyon ko nang dumukot ako ng isang libo. Agad kong kinuha ang maliit na papel at sabay itong binasa. “ Kung kulang pa ay magsabi ka lang,” basa ko dito at sabay akong napakamot sa aking batok.
Paano ako makapagsabi kung di ko naman alam ang identity mo? Teka lang hindi kaya 'yung poging crush ko ang naglagay ng pera na iyon sa wallet ko? Kung ganun ay utang ko pala iyon sa kaniya pero ano iyong sinabi niya sa note totoo kaya iyon?
“ Tatlong buy 1 take 1 nga po, miss samahan mo na rin ng isang 1.5 litrong pepsi.”
Marami-rami ang naging customer nito kaya't inuna niya ang nauna sa akin. Mga ilang sandali ay inabot na sa akin nito ang aking inorder at ang isang litrong pepsi. Agad kong inabot sa kaniya ang bayad at sinuklian naman niya 'to. “ Salamat,”
Masaya akong naglalakad habang suot ko ang luma kong sapatos kaya ko pa naman itong tiisin. “ Peeeeep!”napalingon ako nang may bumusina sa akin at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko siya ulit. Teka? Lamborghini ba iyan?
Woaah! Ang mahal niyan kulang pa ata ang buhay naming tatlo ng kapatid ko para makabili ng ganiyang klaseng awto. “ Hatid na kita, Miss De Masilang.”luh? Ihahatid niya ako? Panaginip lang ba ito? Sana hindi na ako magising.
Hindi agad ako makapagsalita. “ Sumakay kana, ihahatid kita sa inyo.”nabalik ako sa huwisyo nang muli siyang magsalita. Kung sasakay ako? Paano kung magasgasan ko o di kaya ay madumihan ko pa ito? Waah! Wala akong maipambayad kaya titiisin ko nalang maglakad. “Hop in,”
“ Wag kanang mahiya miss, kasi habang buhay ko na itong gagawin sayo.” taas kilay naman akong napatingin sa kaniya.
Anudaw? Habang buhay? Nah. Sana nga totohanin niya. Libre sakay sana habang buhay. Kinikilig ako.
“ Paano kung magasgasan ko? Paano kung madumihan ko? ”sunod sunod kong tanong pero ngumisi lamang siya sa akin.
“ Don't worry kung magasgasan mo iyan, puso mo lang ay okay na.”hirit pa niya na lalong ikinapula ng pisngi ko. Ang galing talaga niyang mangbola. Paano niya kaya naslsabi ang lahat ng iyon no? Langit siya, lupa ako.
Kinapalan ko na ang mukha ko. Agad akong sumakay bitbit ang isang paperbag na may lagay na burger habang bitbit ko ang isang litrong bote ng pepsi. Nakikita ko siya sa peripheral view ko, na panay ang sulyap sa akin habang nakangiti at panay ang pag-iiling nito. Problema ng isang ito?
Mas lalo tuloy akong nahiya at di mapigilang mapangiti sa kilig na nararamdaman ko. I can't believe it na may binatang mayaman ang mag-alok sa akin ng free ride.
“ Diyan nalang sa tabi.”saad ko nang makarating na kami sa kantong malapit sa amin. Agad niya itong inihinto. Dahan-dahan akong lumabas ng awto niya. “ S-salamat po sa free ride.”nahihiyang pasalamat ko sa kaniya.
Pagkatapos 'nun ay agad ito itong pinaharurot. Nagtatalon ako sa kilig nang makalayo ang kotse nya mula sa aking kinatatayuan. Ganito pala ang feeling na mainlove? Yung love at first sight. Nakangiti kong tinahak ang kanto papunta sa munting bahay namin..
Maya-maya habang naglalakad ako, may nakasalubong akong mga lasing at bitbit pa itong bote ng alak habang tinutungga ng isa sa mga ito. Agad nila akong pinalibutan. “ Miss pakihawakan ang botelya ko, kasing tigas ito ng poste. ”sambit ng isang lasing at sabay na tumungga ng beer. Idadamay pa yata nila ako kabaliwan nila.
“ Pre, alam mo mas matigas ang sa akin at kaya nito ang dalawang dosena.”hirit naman ng kasama nito.
“ Miss, paliligayahin kita buong magdamag.” Ginawa kong shield ang bitbit kong pepsi'ng bitbit ko. Kung pwe-pwersahin nila ako ay may panangga ako at maipagtanggol ko ang aking sarili. “ Wag kayong lumapit sa akin.”
“ Miss,wag kang matakot sa akin ilang taon kanang hinihintay ng alaga ko.” ang babastos nilang tatlo. Kung wala lang akong bitbit edi sana ay kanina ko pa sila pinag-uuntog ang mga ulo nila.
“ Tumigil ka nga, manong! Manyak!”
“ Ikaw lang ang minamanyak nitong alaga ko, miss.”
Mabilis nilang nahawakan ang braso ko at nagpupumiglas ako sa mga ito. “ Let me go! Bitawan niyo ako!” pagpupumiglas ko pa ngunit mas hinigpitan nila ang pagkakahawak nila sa braso ko. “ Let her go!"sabay silang napalingon nang biglang sumulpot 'yung laaking bumihag sa puso ko.
At agad na nakatulog ang mga ito nang salubungin niya ang mga ito ng suntok at tadyak. Nagmala-Bruce Lee ang ginawa niya. Isang suntok lang niya ay agad na nakatulog ang tatlong lasing.
“ O-okay kalang?"nag-alalang tanong niya sa akin. Para siyang guardian angel ko.
“ O-okay lang ako. Salamat sa pagligtas sa akin kundi mo ako niligtas bago ano pa ang sinapit ko sa kanila. Salamat talaga.” nauutal kong pasalamat sa kaniya.