Kabanata 3

1473 Words
“ Bye, take care!” itinaas niya ang kaniyang kamay at sabay akong tumango sa kaniya. Grabe ganito pala ang pakiramdam na masabihan ng “take care” nakakakilig grabe. Umuwi akong lutang sa amin. Imbes pihitin ko ang pinto ay hinila ko ito paatras. “ Sh1t bakit ayaw mabuksan?”napamura ako sa isip ko dahil di ko talaga mabuksan 'yung pinto ng bahay namin. Kakahila ko ay napaupo ako sa sahig at kararating lang din ng dalawa kong kapatid. “ Ate? Anong nangyari?”nag-alalang tanong ni Siyansi sa akin at sabay nila akong tinulungang makatayo. Itinuro ko ang siradura ng pinto. “ Sira naba iyan? Bakit ayaw bumukas? Kahit anong hila ko?” nagkatinginan ang dalawa kong kapatid at sabay na humagalpak ng tawa. “ Atw ba't mo kasi hinila, pinipihit iyan di hinihila,”natatawang untag ni Zeb sa akin at nasapo ko naman ang noo ko sa katangahang nagawa ko kaya pala ayaw bumukas. Nyay! Naging lutang na naman ako. “ Hahaha! Ang sakit ng tiyan ko sayo ate!”humagalpak pa ng tawa si Siyansi habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Peke akong napangiti sa kanilang dalawa at sabay na napakamot sa batok ko. “ Sensya na, napagod lang siguro ako sa paglalakad.” “ Naks ano iyang dala mo ate?”napahinto si Siyansi sa kakatawa nang mapansin niya ang dala kong paper bag at ang dala kong softdrink. Nagniningning na naman ang mga mata niya. “ Paborito niyo.”maikling sagot ko sa kaniya. “ Yieey! Thanks ate Tacia.”masayang sabi nito at sabay akong niyakap. Nakalimutan ko tuloy ibigay sa kanila iyon. Siya kasi laging nasa isip ko. Ayokong sabihin sa kanila na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa isang lalaki baka sermonan nila ako. Hindi pa nila ako pinapayagang magkaroon ng boyfriend. Kahit ate nila ako ay di ko kayang suwayin ang mga kapatid ko. “ Sa amin lang ba ito?”ngumunguyang tanong ni Zeb nang makapasok kami sa loob ng bahay. Tanging tango ang isinagot ko sa kaniya. Ang cute lang kasi niya. Ayy ewan! Para na akong baliw nito. “ Oo, siya sige pasok muna ako sa kwarto magbibihis lang ako.”paalam ko sa dalawa kong kapatid. Nag-over-think na naman ako sa kaniya habang nagbibihis. Bukas ay muli ko na naman siyang makita. Di parin ako makapaniwala hanggang ngayon na tinanggap ako sa trabaho na pinag-aplayan ko. Waaaah! Janitress niya ako. Naks! Sheyt! Ang saya nun sa puso 'yung palagi ko siyang nakikita. Sumapit ang alas tres ay agad kong inasikaso ang mga tinda kong balot. Ilalako ko na naman ang mga ito. “ Ate, samahan kana namin,”suhetsyon ni Siyansi sa akin. “ Hindi pwede, mag-aral lang kayo diyan. Kaya ko 'tong mag-isa. ”mariin ko siyang tinanggihan. Ako lang ang dapat na gumagawa nito dahil responsibilidad ko sila. “Pero ate---”pinutol ko ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko. “ Wag ng sumuway, Siyansi. Mag-aral lang kayo dito sa bahay pag-uwi ko ay ubos na ito.” Agad kong isinukbit ang basket sa braso ko. “ Mag-iingat ka ate.”nakangiting bilin sa akin ng mga kapatid ko at nginitian ko sila. “ I will. O sige na aalis na ako.”paalam ko sa kanila. Agad akong lumabas ng bahay at tinahak ang makitid na daan palabas ng kanto. “ Balot kayo diyan, mainit-init pa ito.” “Balot! Balot!” May lumapit sa aking lalaki. Bahagya niyang sinilip ang basket ko. Agad kong inilapag sa lupa ang basket ko. “ Mayroon bang numero sixteen?”tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya. Sabay kong binuksan 'yung basket ko. “ Ilan pong sixteen kuya?"seryosong tanong ko sa kaniya. “ Lima, samahan mo na rin ng suka at chicharon.”sagot niya sa'kin. “ Tatlo bente ang chicharon ko, kuya.” “ O sige, tatlo rin niyan.” Nagbalot ako ng limang numero sixteen na balot at tatlong chicharon. Naglagay narin ako sa maliit na plastic ng suka. “ Sinto kurenta isingko po lahat kuya.” sambit ko at sabay na inabot sa kaniya, inabutan niya naman ako ng dalawang daan. Magsusukli na sana ako nang pigilan niya ako. “ Keep the change, hija.” sambit niya na ikinatuwa ko. Ganito sana ang iba kong customer hindi iyong tumawad pa. Tig-sisingko lang naman ang ipinatong ko sa kada balot eh. “ Salamat kuya.”nakangiting pasasalamat ko sa kaniya at agad kong isinukbit ang basket sa braso ko. “ Balot! Balot kayo diyan! Mainit- init pa.” Nagulat ako nang may biglang humintong kotse sa harap ko. “ Bilhin kona lahat ng iyan.”sambit ng driver kaya napalingon ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Anong ginagawa niya dito? Sheyt! Di na naman ako makakapagconcentrate nito dahil nandiyan na. Patalon siyang lumabas ng awto niya. “ Bilhin ko na iyan lahat.”muling sabi niya. “ Pumunta kayo dito libre ko.”tawag niya sa mga tao kaya nagsilapitan ang mga ito sa gawi namin. “ Bibilhin mo talaga lahat?”di makapaniwalang tanong ko sa kaniya at kumindat lamang siya sa akin. Namumula na naman ang pisngi ko. “ O sige, ilan ba yan lahat?"tanong niya. “ Isang daang piraso.” nahihiyang sagot ko sa kaniya, nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko. Inabutan niya ako ng tatlong libo sa isang daang balot kasama na don ang dala kong chicharon. “ Sobra to” “ Keep the change!” “ May I ask you for a walk?” seryosong tanong niya at napalunok naman ako. May balak kaya to sa akin? Nah. Masyado akong assuming. Papayag ba ako? Waah! Pano kung manligaw siya sa akin? Sasagutin ko ba? “ Hey,anong sagot mo?”nabalik ako sa wisyo nang muli siyang magsalita. “ A-i- s-sige”nauutal kong sagot sa kaniya. Napangiti ito sa akin. “ Guys! Limang libo bantayan niyo ang awto ko ah?”aniya niya sa mga taong kumakain ng tinda kong balot. “ O sige sir, kahit wag na sir. Okay na itong nilibre mo kami ng balot.” “ Okay.” Nagsimula kaming naglakad. At hindi ako makaimik. Nahihiya ako at di ko kaya. “ Are you okay?”nag-alalang tanong niya sa akin at marahan akong lumingon sa kaniya sabay tumango. “ Naiilang kaba sa akin?”biglaang tanong niya sa akin. Sobrang naiilang ako sa kaniya. Okay lang sana kung wala akong lihim na nararamdaman sa kaniya. Crush na crush ko siya eh. Pinagpapantasyahan ko siya. Gwapo niya. Kissable lips. Sheyt! Nalalaway ako sa mapupulang labi niya. Ughh! Sarap sunggaban kundi lang ako babae. Edi sana naangkin kona ang labi niya kanina pa. Nakakahiya ka talaga! Huminto kami sa tapat ng restaurant. “Pasok muna tayo sa loob libre kita.”aniya sa akin at sabay na hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob ng resto at umupo sa vacant seat. “ Waiter!"tawag niya sa waiter at agad itong lumapit sa gawi namin. Binigyan niya kami ng menu. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang bawat presyo. Sheyt! Ang mahal! “ aaay! Mag street foods nalang tayo. Sobrang mahal dito, di ko kayang lunukin. Dalawang buwang kita ko na iyan.”deretsong sambito ko na ikinangiwi niya. “ Nah. Ako naman ang magbabayad.” “ Kahit na, di ko parin kayang lunukin.”mariing sabi ko, ibalik niya ang dalawang book menu sa waiter at sabay kaming tumayo. Napakamot na lamang ng ulo ang waiter habang nakatingin sa amin palabas ng restaurant. Dumiretso kami sa nagtitinda ng fishball at quick-quick.“ Anong sa inyo, maam, sir?”nakangiting tanong sa amin 'nung lalaking tindero. “ Dalawang baynteng fishball at quick-quick. Dalawang pineapple juice.”sagot ko sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang pangdidiri. “ Ligtas ba iyang kainin?”biglaang tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya. “ Oo naman, ligtas at mura pa. Di katulad 'nung resto na pinasukan natin, ang mahal ng bawat menu.” mariing sagot ko sa kaniya at nakita ko siyang umiiling. “ Tikman mo dali!" Aya ko sa kaniya nang iabot ko sa kaniya ang isang tuhog na fishball. Isinawsaw ko ito sa sawsawang matamis at suka. “ Di ko kaya!” Arte naman nito. “ Nah, try mo kahit isang kagat lang.”sabi ko pa at sabay na kumagat ng isang fishball. Nakita ko siyang gumaya sa akin. “ Uumm! Ang sarap!” di ko mapigilang mapangiti. “ O diba, masarap?” “ Oo, masarap nga siya." Agad na naubos niya ang isang tuhog kaya sinenyasan ko si kuyang tindero. “ Grabee! Ang sarap!" Ang cute niya. Lihim ko siyang pinagmasdan habang kumakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD