Marami-rami ang naubos naming fishball at quick-quick. “ Magkano po lahat kuya?”seryosong tanong ko dito.
“Isang daan lang hija.”nanlaki naman ang mata niya nang marinig ang sagot ni kuyang tindero.
Nga pala hindi pa siya nagpakilala sa akin simula 'don sa kumpanya, at nung hinatid niya ako. Lalo na 'yung iniligtas niya ako sa mga lasinggero. Hanggang ngayon ay di ko parin alam kung ano ang pangalan niya. May balak kaya siyang magpakilala sa akin? Langya! Kilala niya ako tapos ako? Waley?
Hindi pwede ito. “ What's your name again?”biglaang tanong ko sa kaniya.
Kahit grade 4 lang ang natapos ko ay may alam akong basic english.
“ Raisle,”maikling sagot niya. Waah! Ang cute ng pagkakasabi niya sa pangalan niya. Ang sarap pakinggan.
“ Pakiulit di ko narinig.” sabi ko dahil gusto kong ulitin niya ang pagkakasabi niya sa kanyang pangalan.
“ Raisle,”ulit niya at halos magtatalon ang kalamnan ko sa sobrang kilig. Hayok na hayok talaga ako sa kaniya. Sarap niyang ngatngatin.
Dumukot siya sa kanyang pitaka ng limang daang piso. Waah! Napakagalante talaga niya. Kanina tatlong libo ibinayad niya sa akin, sa isang daang balot, at chicharon ko tapos ngayon limang daan ang ibinayad niya kay kuyang tindero. Sayang di ako may-ari. Hay! Ilang kilo ng bigas na sana iyan.
“ Hey, are you okay?”seryosong tanong niya sa akin at bahagya akong lumingon sa kaniya.
“ Oo naman okay lang ako. Tara?”sagot at aya ko sa kaniya. Gusto kong kumain ng ice- cream. Libre niya eh kaya di ko palalampasin ito. Minsan lang ito kaya itotodo ko na.
“ Okay, where are we going?”seryosong tanong niya at sabay akong ngumuso sa lalaking nagtitinda ng ice cream.
“ Sure!”
Kaya tumakbo ako papunta sa kuyang nagtitinda ng ice cream. Paborito ko kasi ito. Isang beses lang ako nakakakain sa loob ng isang taon sa sobrang gipit namin. Mas inuuna ko ang pangangailangan ng dalawa kong kapatid. “ Wait for me!”
Balakadyan! Para akong batang bumibili ng ice cream. “ Chocolate flavor nga po isa.”masiglang sambit ko kay kuyang sorbetero.
“ Ikaw ano gusto mong flavor?”
“ Manggo flavor.”
“ Isa ring manggo flavor kuya?”
Inabot sa akin ni kuyang sorbetero ang chocolate flavor kong ice cream. Agad ko itong sinunggaban. Laking gulat ko nang pinunasan niya ang labi ko gamit ang palad niya. “ May dumi kasi.”sambit pa niya at saay na ngumiti sa akin.
“ Thanks, Raisle.”nahihiyang sambit ko pa kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng magtatalon sa nararamdaman kong kilig. “ Sheyt! ”malutong na mura ko na ikinangiwi niya.
“ Ay sorry.”natatawang sambit ko at sabay na isinubo ang hawak kong ice cream. Sana ice cream lang din ako, para malasahan ko ang labi niya. Charr!
Ipinasyal niya ako sa park. Para akong bata na nagduduyan. Nakita ko siyang may kausap sa selpon. “ Okay, I'll be there in a minutes."huling sambit niya at sabay na ibinaba niya ang tawag. Isinilid niya sa loob ng bulsa niya ang kaniyang selpon.
“ Let's go? May family dinner pa kasi kami.”sambit niya na ikinasimangot ko. Tumayo ako at sabay na tumango sa kaniya. Nang makarating kami sa kotse niya ay agad siyang sumakay dito. “ Maiwan na muna kita, Tacia.”paalam niya sa akin at tumango naman ako.
“ O sige, mag-iingat ka.”
“ Kita kits bukas sa kumpanya.”
“ Sure.”
Agad niyang pinaharurot 'yung awto niya. At ako naman ay nakayuko habang nakasimangot. “ Miss, boyfriend moba iyon? Ang gwapo niya at bagay kayong dalawa.”biglaang may sumulpot na ginang sa harapan ko kaya napahawak ako sa aking dibdib sa gulat.
“ H-hindi po, boss ko po iyon.”mariing tanggi ko sa ginang. Sumilay naman ang ngiti sa labi niya.
“ Pero gusto mo siya?”muling tanong nito sa akin na ikinabigla ko. Hindi ko inaasahan ito at napapailing ako sa kaniya bilang sagot sa tanong niya.
“Hindi mo maipagkaila sa akin, hija dahil naranasan kona rin iyan dati nung kabataan ko.” sheyt! Nakakahiya.
“ Sige po, aalis na po ako. ”paalam ko sa kaniya. Hinihintay na ako ng dalawa kong kapatid ngayon. Dali-dali kong isinukbit sa braso ko ang wala ng lamang basket ko. At agad na umuwi sa amin.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa loob. “ Ate kumusta? Naubos ba?”bungad na tanong ni Zeb sa akin habang nagsasaing.
“ Walang natira kahit isa ate?”tanong naman ni Siyansi sa akin. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. “ Waaah! Talaga? Ang galing mo talagang bumenta. Talagang ubos eh.”namamanghang sabi ni Zeb sa akin.
“ Pakibigay ito kay Aling Sonya ang bayad, Siyan.”utos ko kay Siyansi at sabay na inabot ang dos mil sa kaniya.
“ O sige, ate.” agad siyang lumabas ng bahay at nagpunta sa bahay ni Aling Sonya. Si Aling Sonya ang may-ari ng balotan.
“ Oh para iyan sayo, Zeb.”inabot ko kay Zeb ang isang libo. Pangtuition niya ito at sa mga pangangailangan niya. Senior High na siya samantalang si Siyansi ay nasa grade 10. Bibigyan ko rin ng kinintos si Siyansi mamaya pagdating niya. “ Ang laki nito, ate. Paano ka?”
“ Wag mo'kong alalahanin, Zeb. Kumakayod ako para sa inyong dalawa . ”mariing sambit ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
“ Thanks ate, wag kang mag-alala mas lalo kong pagbubutihin ang pag-aaral ko dahil balang araw ay ako naman ang maging padre de pamilya sa ting tatlo."
Ginulo ko ang buhok niya. Maya-maya ay dumating si Siyansi na may ngiti sa labi. Ano kayang nangyari sa isang ito?
“ Oh? Namumula ata 'yung pisngi mo?”bungad kong tanong sa kaniya.
Napakagat labi pa siya. “ Eh kasi binigyan ako ng isang daan ni Aling Sonya.” nahihiyang sagot niya sa akin.
“ Humingi kaba?”birong tanong ni Zeb dito. Napanguso naman ito.
“ H-hindi ah. Kusang loob niya akong binigyan.”mariing tanggi pa niya kay Zeb.
“ Oh ito, limang taon sayo. Pagkakasyahin mo 'yan ah? Wag kang gastador.”sabi ko at sabay na inabot sa kaniya ang kinintos pesos. Nagniningning ang mga mata niya.
“ Yes po ate. "
“ Mag-aral ng mabuti. Isantabi mo muna iyang crush mo. Okay?”
“ Opo ate."
Classmate niya ang kanyang crush. Palaging ikinukwento sa akin ni Siyansi ang crush niya. Open minded kaming tatlo sa isa't-isa. Normal lang naman kasi iyon.
Kinabukasan ay agad akong pumasok sa trabaho. Nakisakay ako kay Santi, ang anak ni Aling Sonya na nagtratrabaho sa isang factory ng tsinelas. Umangkas ako sa motor niya.
“ Tacia, saan ka pupunta?”seryosong tanong niya sa akin habang nagmamaneho ng kaniyang motor.
Sasabihin ko ba sa kaniya kung saan ako nagtratrabaho? Sige na nga sasabihin ko na sa kaniya. Sino ba naman ako para ilihim sa kaniya ang kumpanyang pinagtrabahuan ko. Baka isipin pa niyang ang yabang kona.
“ Sa Rexille Enterprises Company.”seryosong sagot ko.
“ You mean, yung sikat na kumpanya sa siudad na ito?"
“Oo dun nga.”
“ Ano naman ang position mo don?"
Position talaga? Janitress lang naman ako 'dun. “ Janitress.”narinig ko siyang tumawa ng mahina.
“ Bakit?"
“ W-wala. Masaya lang ako na may trabaho kana.”sagot niya.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng kumpanya. Agad niyang inihinto ang kaniyang motor at bumaba na'ko dito.
“ Thank you sa free ride.”pasalamat ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Raisle sa loob habang nakatingin sa amin.
Kinabahan ako sa mga titig niya lalo na sa akin. “ O sige, mag-iingat ka."bilin ko kay Santi at agad na pumasok sa loob. Nakita ko si Raisle na pumasok sa loob ng elavator. Sheyt! Bakit kinabahan ako?