" Babe! "
Napahinto ako sa paglalakad at may galit na hinarap sya. Napahinto din sya sa paglalakad at napalunok.
" Ano ba Mich! Hindi ka ba talaga titigil? "
" A-Ano ba talaga ang ayaw mo sa akin? "
Nakayuko nyang tanong.
" Lahat! "
Napaangat sya ng tingin sa sagot ko.
Wala talaga kahit ano akong gusto sa kanya. Dahil may iba ng nagmamay-ari ang puso ko.
" Kaya 'wag mo ng ipilit sa akin ang sarili mo dahil masasaktan ka lang. "
Pumihit na ako paharap para maglakad ulit. Nagulat ako ng yakapin ako sa likod ni Mich at umiyak. Pero mas nagulat ako ng makita ko si Allisa sa hindi kalayuan. Nakatayo habang hindi ko mapangalanan ang emosyon na nasa mukha nya.
" Lexus huhu. "
Pilit kong pinapangalanan ang emosyon na 'yon pero nabigo ako dahil bigla ito naging blanko at tumalikod na sya. Gusto ko syang sundan pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga paa ko at hindi ako makagalaw.
" Lexus, please give me another chance. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Lahat-lahat. "
Kinalas ko ang pagkakayakap nya sa akin mula sa likod at hinarap sya. Napabuga ako ng hangin ng makita ko ang mga luha nyang walang tigil sa pagbagsak.
" Makinig kang mabuti sa akin Mich. "
Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat. Titig na titig naman sya sa akin.
" Kahit anong gawin mo ay hindi talaga kita magugustohan. Dahil may mahal na akong iba. Sya lang ang gusto ko at wala ng iba. Mapapagod ka lang sa mga ginagawa mo. "
Iniwan ko na syang nakatayo sa parking lot. Sana naman maintindihan na nya. Dahil kahit ilang libong babae pa ang ipapakasal sa akin. Sexy, maganda, matangkad, maputi o mabait, kung hindi lang naman sya si Allisa ay hindi ako papayag.
Itinatak ko na sa puso ko na sya lang ang mamahalin ko.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa campus. Dumiretso na ako sa silid namin dahil ilang minuto lang ay magsisimula na din ang klasi namin.
Pabagsak akong umupo sa upuan ko at napabuga ng hininga. Kailan kaya mapapagod ang mga magulang ko sa kapipilit?
***
" Lexus! You have to marry her! "
" Hindi ko sya mahal mom! Bakit nyo ba ako pinipilit ipakasal sa kanya? "
Mas sinamaan nya ako ng tingin ng tiningnan ko sya ng masama.
" This is for your own good. "
" Good? Ha! "
Napabuga ako hangin at tiningnan sila ng hindi makapaniwala. Gaya ng dati, nasa likod lang ni mom si dad. Always following her.
" For my own good? Makakabuti ba sa akin ang magpakasal sa babaeng hindi ko mahal? Masyado na kayong makasarili mom, dad! Sarili nyo lang iniisip nyo! Kahit kailan hindi nyo ako inisip. Ang mahalaga lang sa inyo ay pera at negosyo. Kahit kailan ba naisip nyo kung gusto ko bang magpakasal sa kanya? No. Masyado kayong madaya. Masyado kayong sakim sa pera - - - "
* PAK *
Napabaling ako sa kabilang direksyon dahil sa lakas ng sampal ng ina ko sa akin. Hindi ko alam pero kusang nagsituluan ang mga luha ko.
Siguro dahil sa ngayon lang nya ako napagbuhatan ng kamay o dahil sa sakit at hinanakit na nararamdaman ko sa kanila. Siguro kusa ng sumabog ang mga kinikimkim ko. Sumabog sa pamamagitan ng mga luha ko.
" Oh my god! I-im sorry son. I-i didn't mean it. "
Sinubukan nya akong lapitan pero ako na ang kusang lumayo sa kanila. Parang sobra na 'to. Nakikita ko sa mukha ng mommy ko na nagsisisi sya sa ginawa nya at umiiyak na din sya.
" Salamat sa sampal mom. It was great. "
Sarkastico kong sabi at agad na tinungo ko ang kwarto at doon nagkulong.
***
Kaninang umaga ay hindi ko sila nakita. Maaga daw silang umalis sabi ng katulong namin. Mabuti na din 'yon dahil ayoko muna sila makita.
'Yon ang unang beses na saktan nya ako ng physical. Kahit kasi nagtatalo kami tungkol sa pag-a-arrange marriage nya sa akin ay hindi naman kami umaabot sa punto na nasasaktan nya ako.
Pero kagabi... Napabuga nalang ako ng hininga at napatingin sa kaharap ko. Isa pa 'to sa problema ko.
Ilang araw na nya akong hindi pinapansin. Hindi na din sya pumupunta sa tagpuan namin. Kapag pinupuntahan ko naman sya sa bahay nila ay hindi nya ako pinagbubuksan.
Malamig na din ang pakikitungo nya sa akin. Nagsimula 'yon ng araw na kinausap nya ako sa campus na hindi na naulit pa. Hindi ko tuloy maisip kung bakit sya naging ganyan.
Gusto ko syang makausap pero paano? Sa kubo nalang nga kami malayang nakakapag-usap, hindi pa sya pumupunta. Napabunga ulit ako ng hininga. Nakaka-stress.
Natapos ang klasi namin kaya lumabas na ako. Naglalakad ako ngayon papunta sa kubo. Napasimangot ako. Sigurado akong mag-isa na naman akong kakain at mag-aaral nito.
Noon naman ay sanay akong mag-isa. Mas gusto ko ang mag-isa kaysa may kasama. Mas tahimik kasi at mas nakakapag-fucos ako sa pag-aaral at nakakatulog ako ng mahimbing.
Pero simula ng makilala ko si Allisa ay parang hindi ko na alam ang pakiramdam na mag-isa.
Parang ayoko ng maramdaman ang ganong pakiramdam. Parang gusto ko kasama ko sya palagi.
Normal lang talaga siguro ito sa taong nagmamahal. Kaya ganito ang pakiramdam ko dahil mahal na mahal ko sya. Sana naman ay pansinin na nya ako.
Pabagsak akong naupo sa sofa at inilagay ang bag sa tabi ko. Dalawang subject palang naman ang napapasukan ko pero bakit parang pagod na pagod ako. Napatingala ako sa kisame.
Miss na kita L. Pansinin mo naman ako.
Napabaling ang tingin ko sa banyo ng may bigla akong narinig na kalabog doon. Ano 'yon? May iba kayang tao dito? Kahit pagod ako ay tumayo ako at tinungo ang banyo.
Dahil kung may ibang tao dito ay paano nya nalaman ang lugar na 'to. Ayokong may ibang makaalam sa lugar na 'to. Nang mahawakan ko ang siradora ay malakas ko itong binuksan.
" L! "
Agad ko syang tinulungan dahil napaupo sya sa inidoro. Na-out of balance sya ng malakas ko itong binuksan.
" Sorry. Hindi ko alam na ikaw pala ang nasa loob. Akala ko... "
" O-okay lang. "
" A-ayos ka lang ba? "
Inilalayan ko syang maupo sa sofa.
" Sandali. "
Umalis ako at tinungo ang kusina para kunin ang first aid kit dahil may nakita akong maliit na sugat sa paa nya.
Nakita ko syang nakatingin sa sugat nya habang pinupunasan ang tumutulong dugo don ng makabalik ako.
" Lilinis ko. "
Hindi na sya pumalag kaya umupo na ako sa sahig. Nilagay ko ang paa nya na may sugat sa hita ko at sinimulan na syang gamotin.
Walang nagsasalita sa amin habang nililinis ko ang sugat nya hanggang sa matapos ako sa paggamot.
" Ayan. Tapos na. "
" Salamat. Aalis na ako. "
Napatayo agad ako ng tumayo sya. Hinawakan ko ang braso nya para mapahinto sya.
" Iniiwasan mo ba ako? "
Naramdaman ko naman na nanigas sya sa naging tanong ko. Nakatalikod parin sya sa akin at hindi ako nilingon.
" H-hindi ah. Bakit naman kita iiwasan? "
" 'Yon nga din ang pinagtataka ko eh. Bakit mo nga ba ako iniiwasan? "
Hindi sya sumagot. Tanging huni lang ng mga ibon ang tanging naririnig ko. Isama mo na din ang sobrang lakas at bilis ng pagtibok ng puso ko.
Kinakabahan ako sa magiging sagot nya sa tanong ko. Baka isagot nya na ayaw na nya sa akin. Na ayaw na nya akong maging kaibigan nya. Na nagsawa na sya sa akin.
Ayoko. Kahit alin man don, ayaw kong maging sagot nya. Mas kinabahan ako sa isang dahilan na naisip ko.
Baka kaya nya ako iniiwasan ay dahil may mahal na syang iba. Napailing-iling ako. Hindi. Hindi ako papayag. Nangako sya sa akin na hindi sya pwedeng magkagusto sa iba hangga't hindi pa kami nakakapagtapos.
Napatingin ako sa kanya ng kumawala sya sa pagkakahawak ko sa kanya. Dahil sa lutang ako ay agad syang nakawala.
Natulala ako ng lumingon sya sa akin na may ngiti sa labi ngunit may lungkot sa mga mata nya.
" Dahil kailangan. "
Napakunot noo ako sa sinabi nya. Dahil kailangan? Bakit?
" Anong ibig mong sabihin? "
Nalilito kong tanong sa kanya. Hindi ko talaga sya maintindihan. Anong kailangan ang pinagsasabi nya. Huminga naman sya ng malalim bago nagsalita. Nakatingin lang sya sa malayo.
" Dahil may fiancee ka na di ba? Kaya kailangan na kitang layuan. "
Ibig sabihin...
" Narinig mo? "
Tumango naman sya bilang sagot. 'Yon pala ang rason kaya nya ako iniiwasan. Ngayon alam ko na.
" Ayokong magkagulo kayo ng dahil sa akin. Baka pagselosan nya ako. Mag-away pa kayo at h-hindi pa matuloy ang kasal nyo ng dahil sa akin. "
Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang sya naman ay nakayuko kaya hindi ko makita ang mukha nya.
" Kahit masakit sa akin na iwasan ka ay titiisin ko. Wala naman akong karapatan sayo eh. Mahal ka nya at mahal mo sya. Haha kaya nga kayo magpapakasal di ba? Dahil mahal nyo ang isa't-isa. Aish! Utak Allisa, nasaan na? "
Bahagya nya pang tinapik ang ulo nya habang nagsasalita. Napakunot noo ako sa inaakto nya.
Hinawakan ko ang baba nya at pinaharap sya sa akin. Gulat. Tama nga ako, umiiyak nga sya.
" Bakit ka umiiyak? "
Nagtataka kong tanong. Sinubukan nyang iiwas ang paningin nya sa akin pero pinaharap ko sya ulit.
" Wala. Napuwing lang ako. "
" Sinuwaling. "
Napanganga sya sa sinabi ko.
" Alam ko kapag nagsisinuwaling ka L. Sabihin mo, bakit ka umiiyak? "
Sa isang iglap ay bigla nalang nagsibagsakan ang mga masasagana nyang luha. Mas nagulat ako ng pinagpapalo nya ako sa dibdib.
" Ano naman sayo kung umiiyak ako? Ano bang pakialam mo? Ang daya mo! Ang daya-daya mo. "
Patuloy parin nya akong pinagpapalo habang umiiyak. Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko din sya pinigilan sa pagpalo sa akin.
" Nangako ka sakin na hindi ka magkakagusto sa iba maliban sa akin. Pero ano 'to ngayon? Malalaman ko nalang na magpapakasal ka na pala sa iba. Bakit? Mahal mo ba sya? Nagsawa ka na ba sa akin? Hindi mo na ba ako mahal?
Ganyan ka ba magkagusto? Nagsasawa? Masyado na ba talaga kitang napaghintay kaya ka naghanap ng iba? "
" Sandali. "
Hinuli ko ang mga kamay nya para tumigil na sya kapapalo sa akin.
" Hindi ako naghanap ng iba. "
Marahas nyang binawi ang mga kamay nya.
" Hindi? Hindi? Eh ano 'yon? Sino ang babaeng 'yon? Tinawag ka pa nyang babe. Rinig na rinig ko na magpapakasal na kayo. "
" Mali ka sa - - - "
" 'Wag mo akong gawing tanga Lexus! "
Napakurap-kurap ako hindi dahil sa sigaw nya kundi dahil sa tinawag nya sa akin. Sa higit isang taon naming magkasama ay ngayon ko lang narinig ulit ang pangalan ko mula sa bibig nya.
" Hindi kita ginagawang tanga L. "
Sa kabila ng pagkabigla ko ay nagawa ko parin syang makausap. Sinubukan ko syang lapitan pero lumayo agad sya.
Napabuga sya ng hininga. Nilagay nya ang kaliwa nyang kamay sa bewang nya habang ang isa naman nyang kamay ay nakatakip sa bibig nya.
" Hindi mo na kailangan pang magsinuwaling Lexus. Narinig ko na ang dapat kong marinig. Tama na. May fiancee ka na kaya itigil na natin ang pagkakaibigang 'to. "
Biglang uminit ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Parang gusto ko na din umiyak gaya nya.
" Bakit ka ganyan L? "
Nakayuko kong tanong. Hindi ko sya kayang tignan. Pakiramdam ko kapag tumingin pa ako sa kanya ay baka tuluyan ng magsibagsakan ang mga luha ko.
" Bakit ang dali sayo na sabihin 'yan? Bakit ang dali sayo na ipamigay ako. Hindi mo ba talaga akong magawang mahalin? Kahit katiting lang? "
Tinitigan ko sya. Nakita ko kung paano kumibot-kibot ang mapupula nyang labi. Nilapitan ko sya at hinawakan sa magkabila nyang balikat.
" Kasi ako L, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang basta ka nalang pakawalan. "
Niyakap ko sya ng mahigpit dahil baka hindi na ito maulit. Oo mahal ko sya pero kung ito ang gusto nya ay susundin ko. Magpaparaya ako kahit masakit. Ganon ko sya kamahal.
" Pero kung gusto mo talaga akong lumayo. Kung gusto mo talaga na layuan kita. Sige gagawin ko, hindi dahil hindi na kita mahal. Gagawin ko 'yon dahil 'yon ang gusto mo. Mahal na mahal kita L. Sobra. Lagi mong tatandaan 'yan. "
Pinunasan ko ang mga luha nya at hinalikan sya sa noo. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula ng maglakad.
Sadyang ganito talaga ang magmahal. Masaya ka pero masasaktan ka din. Dahil kakambal ng saya ang lungkot.
Masaya ako ng mahigit isang taon ko syang nakasama pero mukhang ito ang kapalit ng lahat ng mga oras na masaya akong kasama sya.
Kahit masakit at nakakalungkot ay ayos lang. At least nakilala ko sya. Nakasama at minahal. Hindi ako nagsisi na minahal ko sya.