bc

Unexpected Love

book_age18+
5.3K
FOLLOW
13.1K
READ
second chance
student
mafia
gangster
twisted
sweet
icy
female lead
male lead
school
like
intro-logo
Blurb

Isa lang akong simpleng estudyante.

Pero ang mga kapwa estudyante ko ay hindi

simpleng estudyante ang pagtingin sa akin.

Heartthrob kung tawagin at ituring nila ako.

Lahat sila ay iniidolo ako dahil sa taglay na kagandahan ng mukha ko.

Lahat sila ay pinapansin ako pero ni isa sa kanila ay wala akong pinansin.

Dahil kahit isa sa mga babae ay wala akong interest.

Ang gusto ko lang ay mag-aral at makapagtapos.

Gusto ko lang makahanap ng trabaho.

Isa ito sa mga pangarap ko dahil gusto kong bumukod sa mga magulang ko na wala ng iba pang-inisip kundi ang ipilit akong ipakasal sa anak ng mga business partner nila.

Lahat ng babae sa eskwelahan ay gusto ako

Pero ni isa sa kanila ay wala akong gusto.

Hindi ako nagka-interest sa mga babae.

Walang plano sa pag-ibig.

Walang planong magmahal.

Pero sa isang iglap nagbago ang lahat.

Dumating siya. Sa lahat ng babae ay siya ang kakaiba.

Ang akala ko na hindi ako magmamahal ay naging akala na lang.

Natuto akong magmahal at maging masaya nang dahil sa kanya.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Lexus's POV: "Ang gwapo talaga ni Lexus." "Oo nga. Sana maging akin siya." "Mangarap ka. Ako ang una niyang magiging girlfriend no." Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. Sanay na sanay na ako sa mga papuri nila araw-araw. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mainis. Hindi ba sila nagsasawa? Palagi na lang ba ganyan? Kung magbulong-bulongan ay akala mo wala ako dito o hindi man lang ako dumaan sa kanilang harapan. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na lang sila. Wala naman silang ibang hinahangaan kundi ang mukha ko at ang talino ko lang. Isama mo na din ang pagiging mayaman ko. Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa daraanan ko. Isa siyang babae at basi sa uniform niya ay isa siyang tourism student. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya. "Excuse me, Miss." Pero imbis na umalis siya sa harapan ko ay may inilahad siya sa akin na isang box ng chocolate. Nakita ko na din ang mukha niya dahil inangat na nito ang mukha saka tiningnan ako sa mga mata. Sinalubong ko naman na may kunot-noo ang tingin niya. "Para sayo, Lexus. Ginawa ko 'yan para sayo." Napabuntong-hininga naman ako na tinanggap ang binigay niya. Sumilay ang mga ngiti sa labi niya. "Salamat." "Wala 'yun. Para," I cut her out. "Sana lang hindi na ito maulit." nakita ko naman na nalungkot siya sa sinabi ko. Nilampasan ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ibig sabihin na tinanggap ko ang bigay niyang chocolate ay mag-a-assume na siya. Alam ko na masakit ang sinabi ko sa kanya pero para na rin 'yun sa kanya. Ayoko na umasa sila. Hindi porquet tinanggap ko ang bigay nila ay gusto ko na sila. Mahilig pa naman mag-assume ang mga babae. Lumiko na ako sa likod ng building papunta sa secret place ko. Mapuno dito kaya walang nagagawi dito at pinagbabawalan din ang ibang mga estudyante na pumunta dito. Nang malampasan ko ang ilang mga puno ay nakarating ako sa may kubo. Simple lang ang kubo. May maliit na kusina at sala sa loob. May dalawang sofa at mesa. Sa lolo at lola ko ang kubo na 'to. Pinamana nila sa akin noong nabubuhay pa sila. Ito kasi daw ang tagpuan nila dati. Mababait ang lolo at lola ko, ewan ko ba kung saan nagmana ang ama ko at ang sama ng ugali. Na-spoil kasi siya dahil siya lang ang nag-iisang anak ng mga ito. Pumasok na ako at padabog na umupo sa sofa. May dalawang oras pa ako para magsimula ang susunod kong klase. Inihilig ko sa sofa ang ulo ko at pumikit. "Oh? Nandito ka na pala. Lunch is ready." Napadilat ako at napatingin sa babaeng naghahain sa mesa. Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang ginagawa niya. Siya si Allisa Panaz. Ang tanging babaeng nagugustuhan ko sa lahat ng mga babae dito sa campus. Hindi siya tulad ng iba diyan na nagpapansin sa akin at hinahabol ako. Iba siya sa kanila. Siya ang tanging babaeng hinding-hindi daw ako magugustohan dahil kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Naalala ko tuloy noong una ko siyang makita. * TUMATAKBO ako dahil kanina pa ako hinahabol ng mga dying hard fan ko daw. Agad akong nagtago sa isang malaking puno na malapit sa akin. Sumilip ako para makita kung nakaalis na sila. Napasandal ako ng mabuti sa puno ng makita ko na hinahanap nila ako. Grabe! Hindi ba talaga nila ako titigilan? "Miss nakita mo ba siya?" "Sino?" napapikit ako ng marinig ko ang dalawang babae na nag-uusap. Sino bang tinatanong nila kung nakita nila ako? Eh halos lahat sila ay hinahabol ako. "Sino?" ramdam ko sa boses ng pinagtanungan no'ng babae ang pagtataka. "Si Lexus Lennon. My gosh! Hindi mo siya kilala?" naiirita niyang tanong. "Ahhh. Nando'n siya oh!" mas napapikit ako dahil sa sinabi ng babae. Baka tinuro na niya ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang buhay estudyante ko dito. Hindi ko naman inaasahan na ganito ang mga babae dito. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganito. "Tara do'n!" rinig kong sigaw ng babae. Mas napapikit ako. Hinihintay ko na lang ang pagdating nila sa pwesto ko. Pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala ni isa ang sumugod sa akin. Napadilat ako at mas napasandal sa puno. Kitang-kita sa mukha ko ang gulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung sa pagdilat mo ay isang babae ang bubungad sa'yo? Hindi lang 'yun. Ang lapit-lapit pa ng mukha niya sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Siguro dahil sa gulat. Mabuti na lang at bahagya ng umatras ang babae at kunot-noo akong tiningnan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas pa rin ng t***k ng puso ko. Grabe ang babaeng 'to. Ni hindi man lang nailang na gano'n kalapit ang mukha namin. "Ikaw siguro si Lexus no?" napakunot-noo ako sa naging tanong niya. Hindi niya ako kilala? "Oo." nagdadalawang-isip pa akong sumagot sa kanya. Baka naman kasi isa siya sa mga humahabol sa akin at nagmamaang-maangan lang siya. Mas kumunot ang noo ko ng itinabingi niya ang ulo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa tapos balik na naman sa mukha ko. Parang pinag-aaralan niya ang mukha ko. "Bakit ka ganyan makatingin?" maangas kong tanong sa kanya. Nakakailang kasi ang mga titig na binibigay niya sa akin eh. "Kaya pala." ani niya pa habang tumatango-tango habang hawak ng isa niyang kamay ang baba niya at nakatingin sa akin. "Anong kaya pala?" "Kaya pala para silang baliw na baliw kakahanap sa'yo. Gwapo din pala ang hinahabol nila." napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung compliment ba ang sinasabi niya o pinaparating niya na hindi ako gano'n kagwapo para dito. "Bakit? Nagiging kagaya ka na rin ba nila? Hahabulin mo rin ba ako?" hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang 'yun. Basta bigla na lang 'yun lumabas sa bibig ko. Napangiwi naman siya. Yung mukha niya, parang diring-diri sa sinabi ko. "Nandito po ako para mag-aral hindi para maghanap ng gwapo. Akala mo naman sobrang gwapo mo para kabaliwan ko. Tsk! Asa ka!" masungit niyang sabi at iniwan akong nakanganga dahil sa gulat. Napailing na lang ako. Kakaiba siya. Pero isa lang ang masasabi ko. Katulad ko siya, pumasok sa eskwelahang ito para mag-aral. * "Hoy! Ay lintek na lalaking 'to oh!" Napangiwi ako ng binatukan niya ako para mabalik ako sa reyalidad. Kahit kailan ang bigat-bigat talaga ng kamay ng babaeng 'to. Hindi ko alam kung babae ba talaga 'to. May pagka-amazona eh. "Masakit 'yon ha!" singhal ko sa kanya habang hinihimas ang batok ko. Ang sakit talaga! Napatingin naman ako sa kanya ng pinamewangan niya ako saka pinanliitan ng mga mata. "Eh kasi naman, kanina pa kita tinatawag pero tulala ka diyan. Ano ba 'yang iniisip mo? Siguro babae mo 'yan no?" imbis na magalit ako dahil inaakusahan niya ako ng mali ay napangiti na lang ako sa sinabi niya. Napalabi pa ako para pigilan ang pagngiti. Tinaasan naman niya ako ng kilay ng makita ang mukha ko. "Anong ngini-ngiti mo dyan? Siguro totoo no?" mas napakagat-labi ako dahil sa sinabi niya. Damn! Hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti sa mga sinasabi niya. Parang ang sarap pakinggan. Pakiramdam ko kasi ay nagseselos siya sa isiping may iniisip akong ibang babae, gayo'ng siya lang naman ang laging laman ng isip ko. "Ewan ko sa'yo. Baliw ka." Inirapan naman niya ako bago padabog na tinungo ang kusina. Napailing na lang ako at tumayo para sundan siya. Nakita ko siyang kumukuha ng pinggan kaya walang sabi-sabi na nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod. Dahil sa gulat niya ay nabitawan pa niya ang pinggan, buti na lang at nasalo ko. "Ano ba, X, umalis ka nga diyan." Sinusubukan niyang umalis mula sa pagkakayakap ko kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. "Wala akong babae." paninigurado ko sa kanya. Naramdaman ko naman na napa-stiff siya. Kaya nilagay ko ang baba ko sa bandang leeg niya. Ang bango niya talaga. "Kaya huwag ka ng magselos."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

His Cheating Heart

read
41.5K
bc

The ex-girlfriend

read
138.9K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.7K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.2K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.8K
bc

Love Donor

read
86.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook