Chapter 02

1393 Words
Lexus' POV: Napahawak ako sa sikmura ko ng bigla niya akong siniko do'n, kaya nabitawan ko siya mula sa pagkakayakap. Hinarap naman niya ako habang tinataasan ng kilay. "At sino naman nagsabi sa'yo aber, na nagseselos ako? Kung makabintang 'to. Kapal ng apog mo ah!" singhal niya sa akin at pagkatapos ay nag-walk out. Napailing na lang ulit ako. Hindi daw siya nagseselos pero kung makapagsalita, idagdag mo pa ang namumula niyang mga pisngi. Napangisi na lang ako at sumunod sa kanya sa sala. Nakita ko siyang nakaupo na at kumukuha ng kanin. Hindi man lang ako hinintay. Umupo na din ako sa harap niya. "Ally, naalala mo ba no'ng una tayo magkakilala?" Napatingin naman siya sa akin. Ang cute niya talaga. Nakatingin siya sa akin ng may inosenteng mata habang subo-subo niya pa ang kutsara sa bibig niya. "Hmm. No'ng hinahabol ka ng mga babae?" tumango ako bilang sagot. Tumawa naman siya kaya napakunot-noo ako. "Bakit? Anong nakakatawa?" "Naalala ko lang kasi ang araw na 'yun. Grabe ang mga babaeng 'yun ah. Akala mo mga zombies sila tapos ikaw 'yung brain kasi hinahabol ka nila. Grabe talaga!" patuloy lang siya sa pagtawa. Napatawa na din ako, tama naman kasi siya. Parang mga zombie kung maghabol ang mga babaeng 'yun sa akin noon. Pero 'yun na din ang huling beses na hinabol nila ako. Kinabukasan kasi no'n ay sinigawan ko ang mga babaeng 'yun tapos no'ng hindi pa din sila tumigil ay sinumbong ko na sila sa dean. Kaya ayon! Lahat sila pinapunta sa dean's office. Hindi nga sila nagkasya sa opisina eh. Pinagsabihan sila at tinakot na ipapa-expel sila kapag hindi nila ako tinigilan. Buti na lang at natakot ang mga babaeng 'yun. Para silang mga psycho. Creepy psycho. Simula ng araw na 'yun ay hindi ko na sila pinapansin at palagi ko na din silang sinugungitan. Pero ang kapal talaga ng bangs nila. Hindi sila madala-dala sa kasungitan ko. Patuloy pa rin sila sa pagpapansin sa akin. Simula din ng araw na 'yun ay hinanap ko si Allisa. Doon ko lang nalaman na classmate pala kami sa lahat ng subject namin. Kaya no'ng makita ko siya ay araw-araw ko na siyang kinukulit. * "ALLY!" tawag ko sa kanya ng makita ko siya. Lumingon naman siya sa akin ng may pagtataka. Nagpalinga-linga pa siya kaya luminga-linga din ako. Walang katao-tao sa pwesto namin. Nilapitan ko siya. "Bakit?" may bahid ng pagmamadali niyang tanong. "Iniiwasan mo ba ako?" nagtataka kong tanong. Simula kasi ng makita ko siya ulit ay gusto ko na siyang maging kaibigan pero sa tuwing lumalapit ako sa kanya ay iiwas naman siya. Hindi ko alam kung bakit may tumutulak at nag-uutos sa akin na kaibiganin ko siya. Pero 'yun talaga ang gusto ng sistema ko. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Basta simula ng makita ko siya ay hinahanap na siya ng sistema ko. Gusto ko na ba siya? Yan ang paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Pero sinasabi naman ng utak ko na ang bilis naman. Ewan. Pati ako nalilito na din sa nararamdaman ko. Gusto kong malaman kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na naramdaman ko ito. "Pwede ba, Lexus, layuan mo na ako." nagulat ako sa sinabi niya. May diin niyang pagkakasabi ang mga salitang 'yun habang lumilinga-linga pa. Hindi ko alam pero parang may tumusok sa puso ko ng sabihin niyang layuan ko na siya. "Tantanan mo na ako. Baka may makakita pa sa atin at ako pa ang dumugin ng mga fans mo." lumilinga-linga pa siya habang sinasabi ang mga 'yun. Tila sinisugurado niya na walang makakakita sa amin. Nagulat siya ng bigla kong hawakan ang kamay niya at hinila siya para dalhin sa secret place ko. Doon ay sigurado akong walang tao na makakakita sa amin. "Ano ba, Lexus! Bitawan mo nga ako. Saan mo ba ako dadalhin? Hoy!" hindi ko siya sinagot at patuloy ko pa rin siyang hinihila. Nang makarating na kami sa kubo ay doon ko na siya binitawan. Napatitig naman ako sa kanya ng tumingin siya sa paligid na may pagkamangha sa mukha niya. May maliit na garden kasi dito at bermuda grass ang paligid. Mas napatitig ako sa mukha niya. Singkit ang mga mata niya, may matangos na ilong, mapula at manipis ang labi. Makinis ang mukha niya at maputi. Halatang hindi siya purong pinay. Mas bumilis ang t***k ng puso ko ng ngumiti siya. Ang ganda ng ngiti niya, para siyang isang anghel at may mala-inosenteng mukha. Nakapa-inosente ng mukha niya. Yung tipong parang wala siyang alam sa mundo. Napakurap-kurap ako ng ilang beses ng bigla siyang pumalakpak sa mismong mukha ko. "Tulala ka dyan." sigaw nito. "Ha?" 'yun na lang ang nasabi ko. Napabuntong-hininga naman siya. Damn! Kanina pa ba ako tulala sa maganda niyang mukha? Nakakahiya kung gano'n. "Ang sabi ko kanino 'tong kubo?" "Ahh. Sa lolo ko." Tumango-tango naman siya habang nililibot sa paligid ang paningin niya. "Oh eh bakit mo ako dinala dito?" Bakit nga ba? Ano ba Lexus! Magtino ka nga. Magpakalalaki ka! Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Bakit ba gusto mo akong lumayo sa'yo?" Siya naman ang bumuntong-hininga. Nilagay niya pa sa magkabilang bewang niya ang kamay niya at tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko. "Hindi pa ba malinaw sa'yo ang dahilan ko?" umiling ako bilang sagot. Napabuga na lang siya ng hangin. Tila pinipigilan na mainis sa akin. "Dahil ayoko madamay! Kita mo naman kung gaano kabaliw sa'yo ang mga babae dito sa campus, 'di ba? Sa tingin mo, kapag nakita nilang magkasama tayo. Ano sa tingin mo ang iisipin nila?" "Iisipin nila na feeling close ako sa'yo. And worst iisipin nila na nilalandi ko ang heartthrob nila. Ayoko ng gulo, okay? Nandito ako para mag-aral. Para makapagtapos at hindi para maghanap ng gulo. Kaya please lang. Tigilan mo na ako bago pa may makakita sa atin." dagdag pa niya. Napatulala ako sa mga sinabi niya. Yun lang ba ang dahilan niya kaya iniiwasan niya ako. Napayuko na lang ako. Bakit parang ang babaw? "Ang babaw naman ng rason mo." "Ha!" napapikit ako dahil sa singhal niya. "Sa'yo mababaw lang 'yun pero sa akin hindi. Ano ba! Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko ng," "Oo na. Oo na." agad kong putol sa sinasabi niya "Ayaw mo ng gulo kaya ayaw mo sa akin. Naiintindihan ko na. Ayaw mo talaga sa akin." hindi ko napigilan na sigawan siya. Alam ko naman na gulo lang ang maidudulot ko sa kanya eh. Pero kailangan ba talaga paulit-ulit sabihin? "Hindi naman sa ayaw ko sa'yo. Aish! Ano ba 'tong napasok ko." Ginulo naman niya ang buhok niya na para bang ang laki-laki ng problema niya. "Gusto ko lang naman maging kaibigan ka eh." may bahid ng lungkot kong sabi. Napalingon naman siya sa akin at napabuga ng hangin. "Sige na nga. Pwede mo ako maging kaibigan." "Talaga?" nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Hindi ko alam pero ang saya-saya ko na pwede ko na siya maging kaibigan. "Hep-hep pero may mga conditions ako." Nawala naman ang ngiti ko. Ano na naman kaya ang mga condition niya? Pero kahit ano pa 'yun gagawin ko basta mapalapit lang ako sa kanya. "Ano naman 'yun?"" "Hindi ka pwedeng lumapit sa akin." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako pwedeng lumapit sa kanya? Anong klasing pakikipag-kaibigan 'yun? "Paano tayo magiging close kung hindi ako pwedeng lumapit sa'yo? Bakit naman gano'n?" "Dahil ayoko ma-issue sa'yo." "Tsk! Para na din tayong hindi magkaibigan no'n." nakanguso kong sabi. Inirapan niya ako at napabuntong-hininga ulit. "Oh sige. Ganito na lang. Pwede mo akong kausapin at lapitan kapag nandito tayo. Pero bawal mo akong kausapin at lapitan kapag nasa public places tayo. Lalo na sa campus na 'to." "Pero," "No more buts." agad niyang putol sa sinasabi ko. "Kung ayaw mo, pwede namang hindi na lang tayo magkaibigan." Aalis na sana siya pero agad ko siyang hinawakan sa kamay niya kaya napalingon siya sa akin. "Sige na nga." Napilitan ako sa gusto niya. Kung aayaw ako ay hindi ako mapapalapit sa kanya. * KAYA ganito palagi ang set up namin. Isang taon na din namin nililihim ang relasyon este ang pagiging magkaibigan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD