Chapter 06

1364 Words
Dalawang araw na ang nakakalipas nong gabing hinatid ko si Allisa. Dalawang araw na din syang hindi pumapasok. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi sya pumapasok. Hindi nya sinasagot ang mga tawag at text ko sa kanya. Pinuntahan ko sila sa bahay nila pero wala namang tao. Bakit ba hindi sya nagpaparamdam sa akin? May nagawa kaya akong mali? Okay naman kami nang huli kaming magkita. Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko alam kung anong kalagayan nya. " Class dismiss. " Agad akong lumabas ng silid namin at mabilis na tumungo sa parking lot. Pinaharurot ko agad ang kotse ko ng makapasok ako. Pinark ko ito at pumasok sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Allisa. " Good afternoon sir. Table for one? " Umiling ako sa tanong nya at bahagya pang lumapit sa kanya. Nakita ko pa kung paano naging kulay pula ang magkabila nyang pisngi. Hindi ko na pinansin 'yon at tinanong kung anong pakay ko. " Magtatanong lang ako miss. Pumasok ba ngayon si Allisa? " " Si Allisa? " Tumango naman ako. " Nako hindi eh. Kahapon nga din wala sya. " " Alam mo ba kung bakit hindi sya pumasok? " Umiling naman sya. Napabuntong hininga nalang ako. Bagsak ang mga balikat ko ng lumabas ako ng coffee shop. Hindi sya pumasok. Saan ko naman sya hahanapin ngayon? Napatingala ako sa langit. Doon ko lang napagtanto na magdidilim na pala. Baka naman nasa bahay na sya ngayon. Agad akong pumasok sa kotse at pinatakbo ito papunta sa bahay nila. Magkakalahating oras na akong nakaupo sa loob ng sasakyan ko habang nakatingin sa madilim na bahay ni Allisa. Mukhang wala na namang tao eh. Saan naman kaya 'yon pumunta? Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang ilaw sa kwarto nya. Ibig sabihin nasa loob sya. Bumaba na ako sa sasakyan at tinungo ang bakuran nila. Ilang beses ko syang tinawag ngunit ni isang sagot ay wala akong natanggap. Nandyan naman sya siguro kasi kakabukas lang ng ilaw nya sa kwarto. Pero bakit hindi sya sumasagot? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Tinulak ko ang hindi kalakihang gate ng bahay nya. Mas kumabog ang dibdib ko ng hindi ito naka-lock. Kilala ko si Allisa, hilig non i-lock ang bahay nila. Nang makapasok ako sa bahay nila ay isang nakakabulag na kadiliman ang sumalubong sa akin. Kinapa ko ang ding-ding kung saan ang switch ng ilaw. Napakunot noo ako ng makita kong magulo ang sala, pati na din ang kusina. May mga pinggan na hindi pa nahuhugasan at maraming nagkalat na cup noodles. Hindi ko nalang pinansin ang kalat dahil busy ang mga mata ko sa paghahanap kay Allisa. " Allisa? Allisa? " Wala paring sumagot. Napagdesisyonan ko na umakyat papunta sa kwarto nya. " Allisa? " Pagpihit ko sa siradora ng kwarto nya ay bumungad sa akin si Allisa na nakahiga sa kama. Mabilis akong napalapit sa kanya. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ko ng makitang nakapikit sya pero kitang-kita mo na nahihirapan sya. Pinagpapawisan na din ang buong mukha nya. " Allisa? " Tawag ko sa kanya at hinaplos ang basa nyang buhok dahil sa pawis. Damn! Inaapoy sya ng lagnat. Kahit buhok palang nya ang nahahawakan ko ay ramdam na ng palad ko ang init. Napaungol naman sya at unti-unting binuksan ang mapupungay nyang mga mata. Kumurap-kurap pa sya ng ilang beses. " X-X? " Napalunok ako ng marinig ko ang boses nyang nahihirapan. Bahagya akong ngumiti sa kanya at hinaplos ang buhok. " Ako nga L. " " A-Anong - - - " Agad kong tinakpan ang bibig nya para pigilin sya sa pagsasalita gamit ang isa kong daliri. " Shh... 'Wag ka ng magsalita. Magpahinga ka nalang okay? " Bahagya naman syang tumango at dahan-dahang pumikit. Kaya pala hindi sya pumapasok dahil nakahilata sya dito sa kama nya at may dinadamdam na sakit. Nang masiguro kong nakatulog na nga sya ay bumaba muna ako sa kusina para kumuha ng maliit na planggana, bimpo at maligamgam na tubig. Umakyat na ako pabalik sa kwarto nya. Nilagay ko ang bimpo sa maligamgam na tubig. Piniga ko ito at sinimulang punasan si Allisa. Una kong pinunasan ang mukha nya na pinagpapawisan parin. Pagkatapos ay ang leeg at braso nya. Napahawak ako sa likod nya. Damn! Basa ng pawis ang likod nya. Baka magkaubo pa sya kapag natuyuan sya. Bahagya ko syang tinapik sa balikat para gisingin. " L? " Dumilat naman sya at napatingin sa akin. " Hmm? " " Basa na 'yong damit mo. Kailangan mong magbihis, baka matuyuan ka pa ng pawis. " Bumangon naman sya kaya agad ko syang inalalayan paupo. " Kaya mo ba? " Tumango naman sya habang nakayuko. Lumapit ako sa cabinet nya at kumuha ng damit na magiging komportable sya. Lumapit na ako sa harap nya at nilagay ang damit sa gilid nya. Umupo ako sa harap nya at tumingala para makita ko ang mukha nya. Nakayuko parin kasi sya. Nakita kong nakapikit ang dalawa nyang mata. " Lalabas lang ako para makapagbihis ka. Tawagin mo lang ako kapag tapos ka na. Okay? " Tumango naman sya habang nakayuko at nakapikit pa din ang mga mata. Hinalikan ko sya sa buhok bago ako lumabas sa kwarto nya. Bumaba na muna ako sa kusina para ipagluto sya ng sopas. Buti nalang kompleto ang mga stucks nya sa maliit nyang pridge. Nang maluto na ang sopas ay nilagay ko ito sa isang tray. Naglagay din ako ng tubig at gamot nya. Dinala ko na ito paakyat sa kwarto nya. " L? Tapos ka na? " Katok ko sa pinto nya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Binuksan ko nalang ito at nakita ko syang nakabihis na pero nakaupo habang nakayuko parin sa kama. Agad kong nilapag sa side table ang dala ko ng nakita kong bahagyang umaangat ang balikat nya. Umupo ako sa harap nya at hinawi ang buhok nya dahil natatakpan ang mukha nya. Nagulat ako ng makitang may nahuhulog na luha galing sa mga mata nya. " L? B-Bakit ka umiiyak? " Napaangat naman sya ng tingin sa akin. Natumba kami ng bigla nya akong niyakap habang humihikbi. " A-Akala ko iniwan mo na ako. " Humihikbing sabi nya habang nakasubsob ang mukha nya sa dibdib ko. Napangiti nalang ako habang hinahaplos ang buhok nya. " Shh... Nandito lang ako. Hindi kita iiwan, okay? " Tumango naman sya. Ilang minuto din kaming nasa ganong sitwasyon lang. Nakahiga sya sa dibdib ko habang hinahaplos ang buhok nya. " Kumain ka na L para makainom kana ng gamot. " Tumango naman sya kaya binuhat ko na sya. Bridal style. Maingat ko syang pinasandal sa kama nya. Kinuha ko ang sopas. Buti nalang at mainit pa. " Ahh. " Itinapat ko sa bibig nya ang kutsara na may sopas. Hindi naman sya nagreklamo at kinain ito. Ngumiti ako sa kanya ng maubos nya ang sopas. Binigay ko sa kanya ang gamot at isang baso ng tubig. Pinunasan ko ang bibig nya at inalalayan syang mahiga. Kinumutan ko na din sya. " Matulog ka muna ha? Kailangan mong magpahinga. " " Aalis ka na? " Nginitian ko naman sya at hinaplos ang buhok nya. " Dito lang ako. Babantayan kita. " Pumikit naman sya ng halikan ko sya sa noo. Kinakantahan ko sya habang hinahaplos ang malambot nyang buhok. Nang masigurado kong tulog na nga sya ay niligpit ko na ang mga nagamit ko at bumaba. Hinugasan at nilinis ko na rin ang mga kalat sa kusina. Napaupo ako sa maliit na sofa sa sala ng matapos ako. Napatingin ako sa oras na nasa phone ko dahil nakakaramdam na ako ng antok. 11pm na pala. Wala naman akong natanggap na mensahe galing sa mga magulang ko. Nasa isang business trip na naman siguro ang mga 'yon. Ilang minuto muna ako nagpahinga bago napagpasyahan na umakyat para tignan si Allisa. Mahimbing parin syang natutulog. Para talaga syang anghel. Kumuha ako ng dalawang kumot sa cabinet nya. Inilapag ko ang isa sa sahig. Tiningnan ko muna si Allisa at hinalikan sa noo. " Sana magaling kana bukas. Goodnight L. " Kumuha ako ng isang unan at humiga na. Nakangiti akong natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD