Third Person POV “Mr. Von Doren, tumigil ka na, please,” pagsusumamo ni Annika habang pilit niyang binabawi ang self control matapos siyang madala sa agos ng pagnanasa ni Leon. Hindi siya handa para sa isang halik na mas lumalim pa at naging mapusok. Hindi niya maitatanggi na ginusto rin iyon ng katawan niya kahit na hindi niya ito inaasahan. Gayunpaman, gaya ng dati, nanaig ang kanyang rasyonal na pag-iisip laban sa biglaang bugso ng damdamin. Naalala niya ang masaklap na katotohanan na siya ay kasal pa rin. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na nagpahupa sa nag-iinit niyang pakiramdam. Si Leon naman ay tila nasa ulap dahil sa pagtugon ni Annika sa halik niya. Pakiramdam ni Leon ay nadiligan ng ulan ang tigang na lupa. Idinikit ni Leon ang noo niya sa noo ni Annika habang parehon

