bc

Cheers to Revenge

book_age18+
1.8K
FOLLOW
13.3K
READ
revenge
love-triangle
powerful
confident
heir/heiress
drama
bxg
serious
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Annika Hollands ay mayroon siyang perpektong buhay. Sa edad na 19, pinakasalan ni Annika ang kanyang high school sweetheart, at napagkasunduan nilang maghintay munang magkaanak hanggang matapos sila ng pag-aaral at magkaroon ng kani-kanilang karera. Naging doktor si Annika at nagkaroon ng sariling klinika sa Family Health, habang ang kanyang asawa na si Jeffrey ay naging isang makapangyarihang defense attorney.

Pitong taon silang masaya at pareho pa ring bata. Sa isip ni Annika, ayos ang lahat sa pagitan nila, at mas lalo siyang nagtitiwala sa kanilang pagsasama ni Jeff, kahit na hindi sila madalas magkita gaya ng kanilang nais. Sobrang abala sila pareho sa kanilang mga karera, at bihira silang magkasama sa bahay, lalo na sa isang kama. Pero nararamdaman ni Annika na may magiging magandang pagbabago sa buhay nila kapag nakabuo na sila ng isang masayang pamilya.

Ngunit sa kasamaang palad, isang masamang balita ang nasagap ni Annika mula sa matalik niyang kaibigan at kapwa doktor, may ibang babae si Jeff. Nasaktan si Annika sa natuklasan niyang pagtataksil ni Jeff at nangakong gaganti sa kanya at sa kabit nito dahil sa ginawang panloloko sa kanya. Sa kaniyang paghihiganti, nakilala ni Annika ang isang makapangyarihang negosyante na alam din ang pakiramdam ng pagtaksilan ng taong nangakong magmamahal ng habangbuhay.

Ang twist? Ang lalaking iyon ay ang dating asawa ng kabit ni Jeff. Kaya naman nagkasundo silang magtulungan ni Annika.  Sa pagtupad nila sa kanilang planong paghihiganti, unti-unti namang nahuhulog ang loob ng lalaki kay Annika. Makakamit kaya ng mga nanakit sa kanya ang nararapat sa kanila? Basahin upang malaman kung paano magtatapos ang kwento ng paghihiganti ni Annika.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Annika Sinundan ko siya. Oo, sinundan ko ang asawa kong si Jeff. Pitong taon na kaming kasal at labing-isang taon nang magkasama sa buhay at sa tagal ng pagsasama naming iyon, hindi ko naisip na gagawin ko ang ganito. Mula pa noong High School, hindi na kami mapaghiwalay, at matapos ang graduation ay nagpakasal kami kaagad. Kahit na sinabihan kami ng lahat na maghintay muna ay ipinagpatuloy pa rin namin ang balak na magpakasal. Siguro nga, dapat nakinig ako sa kanila. Mahal ko siya, at mahal niya ako, kaya sabi namin, "Bahala na, magpakasal na tayo," at iyon nga ang ginawa namin. Wala na ring saysay na gawing engrande ang kasalan dahil tutol ang mga magulang namin, kaya sa munisipyo kami nagpakasal. Sobrang in-love kami ni Jeff sa isa't-isa, at walang makapagpapabago sa matinding hangaring makasama ang isa't-isa habambuhay. Anumang pagbabatikos at duda sa aming relasyon ay lalo pang nagpapalakas ng determinasyon naming magpakasal at magtagumpay na magkasama. Pinagbalanse namin ang career at pag-aaral. Nagsisimula kami sa part-time na trabaho at sabay na nag-aaral sa kolehiyo kaya't napatunayan naming mali ang akala ng iba na hindi magiging maayos ang aming pagsasama bilang mag-asawa. Ngunit iyon pala ay akala ko lamang. Pagkalipas ng pitong taon naming pagsasama bilang mag-asawa, sinabi sa akin ng matalik kong kaibigan at kapwa doktor, si Kenzie, na niloloko ako ni Jeff. Nakita raw niya si Jeff na nakikipaghalikan sa ibang babae. Hindi lang basta kung sinong babae, kundi mas bata at mayaman. Hindi kaagad ako naniwala hanggang sa nagpadala na siya ng mga larawan. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa sa tindi ng emosyong naramdaman ko nang malaman ko ang katotohanan. Tumigil ang aking mundo at ang puso ko ay dahan-dahang pinupunit para palalain ang aking paghihirap. Akala ko ay isang biro lamang ng tadhana, ngunit totoo pala. Siya nga ang nasa mga larawan, si Jeff, ang asawa ko, ang pinakamamahal ko at ang lalaking buong-buo kong pinagkatiwalaanay niloloko lang pala ako. Hindi na siya nahiya at inihaharap pa niya ang pambabae niya sa ibang tao. Nakakasuka at nakakadiri ang pag-aalis ng wedding ring ng lalaking iyon habang nakikipaglandian sa kabit niya sa harap ng ibang tao. Walang delikadesa at kahihiyan sa katawan kaya't tunay na nakakasulasok ang kanilang ginawa. Simula nang gabing isiwalat ni Kenzie ang lahat sa akin, nagising ako sa katotoohanan na isang kalokohan lamang ang iniingatan kong pag-ibig. Doon ko naintindihan ang mga maliliit na pagbabago sa kilos ni Jeff na hindi ko napansin noon. Bagama’t madalang na kaming magkita sa bahay, ngayon ko lang napagtanto na may mali. Mas madalas siyang ginagabi ng uwi at laging umaalis nang maaga para sa korte. Laging sinasabing may nalalapit na kaso ng paglilitis na bawal naming pagusapan. Abala rin siya sa mga pagsisiyasat na kung tutuusin ay higit pa ang ginagawa kaysa sa karaniwang abogado. Hindi akma sa isang kagaya ni Jeff na makapangyarihang piskal. Inaka ko na dahil sa pagiging matagumpay naming dalawa sa aming mga propesyon, kaya madalas walang tao ang aming bahay at wala kaming panahon para maging intimate sa isa't-isa. Nagkasundo rin kaming hindi muna magkaanak hangga’t hindi kami kuntento sa narating namin sa aming mga karera. Bulag sa labis na pag-ibig, hindi ko man lang napaghinalaang may problema. Sa pagbabalik-tanaw, kitang-kita ko na ang mga palatandaan. Hindi siya nagtatrabaho nang gabi sa opisina, o kung naroon man siya, kasama niya ang ibang babae. Una kaming nag-away nang totohanan noong harapin ko siya tungkol sa kanyang pagtataksil. Siyempre, itinanggi niya, gaya ng inaasahan sa sinumang lalaking nahuling nagtataksil. Hinamon pa niya akong ipakita ko ang mga ebidensiya. Pero dahil sa kabobohan ko, binura ko ang mga litrato na ipinadala ni Kenzie habang ako ay nagngingitngit sa galit at matinding sakit. Sa panahong iyon, iyon lang ang kaya kong gawin para pansamantalang maibsan ang pait na aking nararamdaman. Umalis si Jeff sa bahay na sinabing nawawala na ako sa tamang pag-iisip at hindi niya kailangang makinig sa mga paratang ko tungkol sa kanyang pagtataksil. Pinigilan ko ang pagpatak ng mga namumuong luha sa aking mga mata habang inihahanda ang sarili para sa susunod kong hakbang. Hindi alam ni Jeff na nang magsimula kong mapansin ang mga pagbabago niya at kasinungalingan, inunahan ko na siya. Nilagyan ko ng tracker ang kanyang sasakyan. Alam kong parang baliw, pero wala akong pakialam. Ni minsan hindi ko naisip na magiging ganitong klaseng asawa ako. Hindi naman ako binigyan ni Jeff ng dahilan noon para pagdudahan siya, kaya ganoon na lang ang gulat ko nang malaman kong niloloko niya ako. Isang katangahan ang pagkatiwalaan siya ng buong-buo. Sinundan ko siya, at ngayon, nandito ako, sa dulo ng pasilyo ng kanyang opisina. Tinanggal ko ang sapatos ko para hindi marinig ang tunog ng aking mga yapak habang papunta ako sa opisina niya. Gabi na at walang tao sa gusali ng law firm. Tanging ang kanyang opisina lang ang may ilaw, at agad kong napansin na bahagyang bukas ang pinto. Dahan-dahan akong lumapit, at habang papalapit ako, palakas nang palakas ang ingay na nanggagaling sa loob. Ang ingay ng mga ungol ng aking asawa at ang ungol ng ibang babaeng binabanggit ang pangalan niya. Bago pa man ako makalapit, naramdaman ko nang umaagos ang aking mga luha. Hindi ako tanga. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga ungol na iyon. Ang tunog ng huwad kong asawang pinagkatiwalaan ko ng buong puso ko at kaluluwa, na ngayon ay may iba nang minamahal. Kinalimutan niya ang pangakong walang ibang mamahalin kung hindi ako lamang. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto, at nakita ko sila, nakapatong sa mesa ni Jeff, kapwa walang saplot at magkadikit na tila iisang katawan lang. Si Jeff at ang babaeng iyon, pawis na pawis at tila wala nang pakialam sa mundo habang buong kasabikang hinahalikan ang isa’t isa. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Ang babae ay maliit, blonde, at may tattoo ng paruparo sa kanyang likod. Gusto kong masuka, hindi—kailangan kong masuka, pero hindi ko maialis ang tingin ko habang patuloy silang naglalampungan, parang mga hayok na wala nang ibang bukas. "Honey, gawin mo mula sa likod. Gusto ko ng doggy style," sabi ng babae. "Anuman ang gusto ng angel ko," sagot ni Jeff. Hinugot niya ang p*********i niya mula sa haliparot na babae at pinaharap ito sa kaniya. Sa wakas, nasilayan ko ang mukha ng babae. Maganda siya, at tama si Kenzie—mukha nga siyang bata, marahil nasa early twenties. Parang pamilyar ang itsura, pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Hindi na iyon mahalaga sa akin, hindi sa ngayon. May ebidensya na ako, at gagamitin ko ang pagkakataong iyon. Isang bagay na namang hindi ko inakalang magagawa ko, mabilis kong kinuha ang aking cellphone at kinunan ko ng litrato ang asawa ko habang may katalik na ibang babae sa kanyang mesa. Pinatatag ko ang sarili ko kahit gusto kong masuka at nanghihina ang aking mga tuhod sa napapanood kong kahayupan nilang dalawa. Dapat sana’y umalis na ako matapos kumuha ng mga litrato, pero hindi ako makagalaw. "f**k, malapit na ako," narinig kong ungol ni Jeff. "Sa loob ko, baby. Gusto kong iputok mo sa loob," pakiusap ng babae. Namutla ako. Hindi kailanman nagpalabas si Jeff sa loob ko. Sabi niya, ayaw niyang magbuntis ako hangga’t hindi pa kami maayos na naka-settle sa buhay namin. Pero kahit na naging maayos na ang mga trabaho namin, hindi pa rin niya ginawa iyon. Hindi naman niya gagawin iyon, hindi ba? Tanong ko sa sarili. Nasagot ang tanong ko nang marinig ko siyang umungol at makita kong nilabasan siya sa loob ng kanyang kabit. Hingal na hingal silang dalawa, at nakita kong hinugot niya ang p*********i niya bago siya tumingin paibaba. "Mmmm… gusto ko makita ang c*m ko na lumalabas sa’yo, angel. Ang sexy mo," sabi ni Jeff. "Mahal kita, Jeff. Mahal na mahal kita," bulalas ng babae. "Mahal din kita, sweet Sadie," sagot ni Jeff habang muling nadurog ang puso ko. "Kung mahal mo ako, hiwalayan mo na ang asawa mo at pakasalan mo na ako," sabi ng babae. Alam niya na may asawa si Jeff pero nandoon pa rin siya. Ang walang-hiya. Ang sakit na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng galit. "Hindi pa pwede ngayon, sweetheart. May kailangan pa akong gawin sa kanya bago ko siya hiwalayan." "Bilisan mo at ayusin mo na ‘yan. Gusto kong makasama ka na." "Magkasama na tayo ngayon. Ang asawa ko ay maliit na balakid lang. Hayaan mo at matapos ko lang ang ilang bagay sa kanya, magiging tayo na." Nanginginig ako sa galit sa pagtataksil niya, at nagngangalit ang mga ngipin ko sa poot. Alam kong malinaw kung ano ang “kailangang ayusin,” at may kinalaman iyon sa penthouse na tinitirhan namin, ang penthouse na nasa pangalan ko. Gusto niya ang penthouse, at alam kong hindi siya titigil doon; gusto rin niya ang deeds ng klinika na itinayo namin ni Kenzie. Plano ng hayop na lalaking ito na iwan akong walang-wala habang kukunin niya ang lahat mula sa akin. Mahal kong asawa, kung akala mong makakalusot ka sa kalokohan mong ito, nagkakamali ka!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook