Napuno nang kagalakan ang mga mata ni Leon at may mapanuksong ngiti na sumilay sa kanyang mga labi matapos mabasa ang huling text message mula kay Annika. Bagama't ang kanilang mapaglarong biruan ay parang isang addict going through a relapse, pinigilan niya ang sarili gamit ang ironclad self control at hindi na sumagot sa huling mensahe. May mga kailangang gawin, at alam niyang magiging abala na si Annika mula ngayon at may nabuong mas matibay at matatag na kagustuhang makawala sa relasyon kay Jeffrey. Walang duda si Leon na magsisimula na ang pangunahing palabas, at hindi niya gugustuhing hindi masaksihan ito. Matapos ang usapan nila ni Leon, sandaling ibinaba ni Annika ang kanyang depensa. Ang ngiti na kusang nabuo sa kanyang mukha ay tila liwanag ng araw na nagpapaliwanag sa madilim n

