“Okay lang ako, I think,” mahinang sabi ko habang hinahawakan ang likod ng ulo ko. “Hindi naman ito dumudugo o anuman. Pero siguro magkakaroon ito ng maliit na bukol mamaya,” sabi ko at hinaplos ko ito habang tinitingnan ang kamay ko upang tiyakin na hindi nga ito dumudugo. “Annika, I'm so sorry,” humingi siya ng tawad ulit habang para siyang isang malaking tuta na nagmamakaawa sa amo. Parang may bumara sa lalamunan ko nang makita ko ang labis na pag-aalala sa mga mata niya. Naantig ako sa mga efforts niya, at honestly, hindi ko na matandaan ang huling pagkakataon na may nagpakita ng ganitong tunay na malasakit sa kalagayan ko. Oo, kasalanan ni Leon na nasaktan ako, pero alam kong hindi niya iyon sinadyang gawin. Ako rin naman ang nambigla sa kaniya sa isang balita na hindi pa niya alam.

