“Your Honor, I’d like to enter into evidence exhibits B and C," Ipinakita ni Hunter ang ebidensyang personal na kinuha ni Annika. Ito rin ang parehong mga larawan at video na ipinakita noong kaarawan ni Sadie. “Inedit namin upang matakpan ang maseselang bahagi bilang paggalang, ngunit kitang-kita pa rin na sina Mr. Hollands at Ms. Galloway ay nagkakaroon ng intimate na relasyon sa kanyang opisina sa mismong oras na kuha ang mga ito. At bago may magtanong tungkol sa pagiging lehitimo ng mga larawang ito, makikita sa digital clock sa likuran ang eksaktong petsa at oras. Kaya walang dudang totoo ang mga ito at hindi pineke.” Muling nagbulungan ang hurado at ang mga nasa loob ng korte nang makita nila ang halos malaswang eksena sa TV screen. Galit na galit si Sadie habang nagsimulang ituro si

