Third Person Pagkatapos maghanda ni Hunter para sa araw, nagpunta siya upang makipagkita sa pamilya ni Annika at kanilang mga abogado. Gusto niyang malaman kung may kaso ba ang pamilya ni Jeff laban kay Annika para sa indirect manslaughter. Kakapasok lang niya sa building ng penthouse nang makita niyang palabas si Royce. “Royce!” tinawag niya ito. “Hey, Hunter, andito ka ba para kausapin sina Micky at Matt?” “Oo. Pinasabi sa akin nina Annika at Leon ang mga ilang detalye ng nangyayari. Pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka kung paano nagkaroon ng lakas ng loob ang pamilya ni Jeff na magsampa ng kaso laban sa kanya.” “Hindi buong pamilya niya.” “Hindi?” “Hindi, si Jack lang.” “Parang ang sabi ni Leon, lahat sila.” “Kasi ‘yung kaso na isinampa nila, nakalagay na Hollands vs. Annika

