“Micky, pwede bang ...” “OH, ALAM KO NA! Siya ba yung mukhang Greek god na nasa tabi mo sa mga video? Yung lalaking parang reinkarnasyon ni Adonis?!” “Micky, for the love of God, tumigil ka na sa pagsigaw sa tenga ko!” “SIYA NGA! Anni, sabihin mo sa akin na balak mong...alam mo na!” “Ano bang problema ninyong dalawa ni Kenzie, na palagi n’yong sinasabi na gawin ko iyon? Micky, we're just doing business together. Maniwala ka man o hindi, ang babaeng kabit ni Jeff ay ang ex-wife ni Leon.” “ANO?!” Halatang nabigla si Micky at natahimik dahil sa rebelasyon. Sinimulan ni Annika ang sumunod na dalawampung minuto sa pagpapaliwanag ng lahat sa kanyang kapatid, pero dahil sa dami ng beses na iniistorbo siya nito, halos isang oras na ang nakalipas bago niya tuluyang masagot ang mga tanong ni Mi

