Chapter 6

2496 Words
CHAPTER 6 ------------------- CEF POV ------------------- "Ahhh... Ohhh... Ohhh..", paulit ulit na ungol ni Vic. Natatawa ko sa kanya dahil sa ginagawa nya. Halos halikan nya na kasi yung pintuan na nagkokonekta sa kwarto ni Millie at sa kwarto kung saan kami naroon ngayon. Nung sumunod na beses na ginawa nya ulit yon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na batukalin sya ng librong hawak ko. He looks stupid while moaning na tila ba nakikipag s3x. "Hindi ka ba titigil sa ginagawa mo? Next time bangkuan na ang ibabato ko sayo!" Bawal ko pa sa kanya. "Ano ka ba naman? Walang basagan ng trip noh!" Maarteng sagot pa nya sa akin tapos ay umirap sya. Hindi lang nya basta itinuloy ang ginagawa nya kundi ay mas nilakasan pa nya yon. Naiiling na napatingin nalang ako sa kaibigan kong mas malaki pa ang tama sa akin. Well, Vic is one of my closest friend. We grew up together in an orphanage kaya noon palang ay kilala na namin ang isa't isa. Pareho kaming bugok at sakit sa ulo ng mga madre that time. So who would have thought that we would both be given a chance to make our life better. And speaking of better life. Kung mayroon mas gumanda ang buhay sa aming dalawa ay si Vic yon. Because somehow HE has fulfilled his dream of becoming a woman. Victorino Llanes is now Maria Victoria Abad. The most beautiful and sexiest Chief Financial Officer of REAL CORP. He was really smart so he deserved his position on the company. If I just didn't know him and I didn't know he was transgender baka isa pa ako sa mga na biktima nya. Mukha talaga kasi syang Miss Universe. All thanks to his best doctor, none other than his British boyfriend. Anyway, maliban sa akin at ilan sa mga malalapit na kaibigan ay wala namang ibang nakaka alam ng sikreto nya. "Ahhh... Ohhh... Ohhh..", ulit na naman nya sa pag ungol nya. Ang nakakatawa pa don ay with feelings pa talaga. "How long do you plan to do that craziness?" Naiiling na tanong ko sa kanya. Kahit kasi ako ay nagsisimula ng mainis sa boses nya. "Well, gagawin ko to hanggang sa mag selos yung prinsesa mo sa kabilang kwarto. Hindi lang nya aaminin, but I know she's very jealous right now," natatawang sabi pa nya sa akin. "It won't make her jealous so stop it. Alam mo naman kung ano lang ako para kay Millie. And besides, masakit sa tenga yang ginagawa mo. Hindi ka ba nahihiya kay nanay Rose kung maririnig nyang umuungol ka. Ano nalang ang iisipin non sa atin?" Nag aalalang tanong ko. "Ano nga ang iisipin nung matanda? Edi yung nag aano tayo," biro nya na sumenyas pa ng malaswa. Yung labas pasok gamit ang mga daliri nya. "Bugok!" Saway ko sa kanya. Kahit biro lang yon ay nasagwaan ako talaga. Most especially dahil mukha na nga syang babae ngayon. "Hoy! Don't bugok me okay? Kaganda ganda ko tapos bugok!? Nuh yon? Tsaka Cef ha, hello! For your information noh! Pwede ng pasukan tong butas ko dito. Masakit nga lang pero keribels na din. Mapag e-enjoy na rin kita. Anytime na gusto mo ng palitan sa puso mo yang si Millie very much available ako para sayo ha!" natatawang sabi pa nya sabay kindat sa akin. "Sira ka talaga Victorino! Suntok gusto mo?" Nangingilabot na sabi ko sa kanya. "Kung gusto mo na huwag kang tinatawag na bugok iwasan mong umastang bading. Act like more a woman who doesn't give in right away," seryosong suggestion ko pa sa kanya. "More like Millie ganern? Hay nako ha! Sabi ko naman sayo madaming iba diyan kung ayaw nya. For me ha, she's not that pretty naman! Bakit ba patay na patay ka sa batang yon? Hindi ko alam kung gusto mo lang ba na nangha-harass ng mga bagets o dahil sa kamukha sya ni ano?" Nakataas pa ang kilay na tanong nya sa akin. "Huwag ka ngang praning!" Natatawang sagot ko sa kanya. "Praning praning ka diyan! Nagtatanong ako eh! Hoy ha! Buti hindi mo ko ganyan ituring sa office bro ha! Kung hindi matagal na kong nag resign!" Nagdaramdam na sabi pa nya. "Of course personal relationships in the office are different. Besides iba ka rin naman umasta don at hindi ganyang para kang taga kanto," honest na sagot ko sa kanya. "Pero laki naman talaga ako sa kanto bago ko napunta ng ampunan," honest na sagot din nya. "Anyway ayun nga, ituloy ko ng chika ko. Bakit ayaw mo pang tantanan si Millie? It's not like maghihirap ka sa buhay pag hindi sya napasayo di ba? Tsaka haler! sa dami ng nagkakandarapa sayo sa Pilipinas pwede ka ng magpa concert sa Araneta Coliseum eh. Tapos ipagsisiksikan mo yung sarili mo sa kanya?" "You will never understand the words never settle for less Vic. Kasi pag di mo makuha ang isang bagay na gusto mo ay kung anu ano nalang ang alternatives na pinipili mo. Well you know I'm not like that. I don't know... Siguro naitanim ko na sa isip ko ang mga pangaral ni sir Gilbert bago nya lisanin ang mundong ito. Gusto mo bang multuhin nya ko pag nalaman nya na kung sinu sinong babae lang ang pinili ko para sa sarili ko?" "Sabagay naalala ko nga na laging sinasabi ni Mr.Gozon na you deserve the best. So ibig mo sabihin, tingin mo ay si Millie na yung best na yon para sayo?" Hindi makapaniwalang tanong nya. Ngumiti lang ako at hindi ko sya direktang sinagot. Well, I really like Millie. And I admit the fact that I like her even more because she doesn’t like me. Or better to say that she hates me. Galit sya sa akin dahil sa paniniwala nya ay inagaw ko ang lahat sa kanya. His father’s attention, their property and businesses. Even though the truth is I didn't really take anything from them dahil sa akin naman talaga ang lahat ng yon nung una pa man. Delfin Gozon, the old man who used to own everything was my real grand father. His only child Anna Katrina Gozon is my mother who ran away from home. Masyado daw kasing mahigpit ang lolo ko. Dahil walang ibang matuturuan bilang taga pagmana ay napilitang mag adopt ang matanda. That's when he met and considered Gilbert Florentino as his real son, Millie's father. Later on their surname also became Gozon. On the other hand, my mother met my father Ceferino Arcega Sr. They fell inlove and formed their own family. Unfortunately, my mother has a heart disease so she died after giving birth to me. My father raised me alone until he lost his life due to an accident. Driver kasi sya ng isang delivery truck na nagba-byahe ng gulay sa madaling araw. Ayon sa imbestigasyon ay lasing daw kasi ang ama ko kaya nahulog ang truck na minamaneho nito sa bangin. Kaya imbis na bayaran man lang kami ng boss nya ay sinisi pa nito ang tatay ko sa pagkalugi nila. Mahirap lang kami at wala kaming malalapit na kamag anak kaya wala man lang tumulong sa amin. In other word, I was left alone in the world. Walang kumupkop sa akin so at the age of seven I was thrown into the orphanage. Doon ko nga nakilala sila Vic at ang iba pa naming mga kaibigan na ulila. I spent six long years in the orphanage before Millie's father, Mr. Gilbert Gozon found me. Ayon sa kanya ay matagal nya na akong ipinahahanap. He couldn't believe that I was just in Metro Manila dahil ang balita daw nila ng lolo ko ay sa gawing Davao nagpunta ang aking ina. He told me everything. Halos hindi nga ako makapaniwala lalo na nung sinabi nya na isa akong taga pagmana. Pinangako daw talaga nya sa lolo Delfin ko na hahanapin nya ako na tunay na apo nya. Tapos ay ipagkakaloob nya sa akin ang mga ari-arian ng mga Gozon. Parang isang panaginip na binago ni Mr.Gilbert Gozon ang buhay ko. Ganoon na rin ang buhay ng mga kasama ko sa bahay ampunan. Habang ako ay pinag aaral nya sa ibang bansa, ang mga kasama ko naman ay binigyan din nya ng libreng edukasyon. I stayed and studied in the United Kingdom for almost four years. More often than not ay laging naka assist sa akin si Mr.Gilbert. Doon na rin nya ako tinuruan ng kung anu ano tungkol sa pagne-negosyo. He said that he didn't have a hard time with me because I'm naturally good when it comes to it. He even joked that it runs through the veins. Kaya kung buhay daw ang lolo Delfin ko at nag abot kami. Tiyak daw na proud na proud ito sa akin. Everything went well until I returned to the Philippines. Natatandaan ko, I was 17 years old that time nung iuwi ako ni Mr.Gozon sa mansion nila. I can't forget that day because it was the 7th birthday of her only child, si Millie nga. Her party was beautiful, parang sya. That day ay mukha talaga syang isang prinsesa. She got my attention because she resemble someone I knew. Millie was happy. Kung hindi nga lang sana ako ipinakilala ng tatay nya sa mga bisita bilang anak din nya. (Though her father clearly said that we are not blood related) Hindi na natanggal ang lungkot sa mga mata ni Millie. Sadness that is gradually replaced by anger. I can see that not only in her eyes kundi ay nararamdaman ko rin sa paraan ng pakikitungo nya sa akin. Gustuhin ko man na magkalapit kami ay lagi naman nya akong iniiwasan. Lalapit palang ako ay lalayo na sya o kung hindi man ay umiiyak pa. I kept wondering why. Hanggang sa maka usap ko ang mother ni Millie. Si Mrs. Lushina Gozon. Isang maganda at mabait na babae. She never showed me anything bad. Actually ay sya pa nga ang madalas na humihingi ng pasensya dahil sa mga inaasal ni Millie. Sinabi nya din sa akin na nagseselos lang daw ang anak nya sa atensyon na ibinibigay sa akin ng asawa nya. Naiintindihan ko naman yon dahil ala na talagang oras sa pamilya nya si sir Gilbert. Puro negosyo at pagtuturo nalang sa akin ang mga inaasikaso nito. Ganun pa man ay nanatili pa din na maunawain at laging naka suporta si Mrs.Lushina sa kanya. Naki usap pa nga sya sa akin na intindihin ko nalang daw si Millie dahil bata pa sya. She still doesn't understand things about me at kung sino talaga ako sa buhay ng mga Gozon. Millie wasn't the only one against me living in the mansion o kahit saan na malapit sa mga Gozon. Kundi pati ang uncle ni Millie na si Jaime Gozon. Kapatid sya ni sir Gilbert at pareho silang inampon ng lolo Delfin ko noon. He really hates the idea na pinag aaralan ko ang tungkol sa pamamahala ng negosyo nila. When I was old enough to manage the company ay bigla nalang syang nag resign sa posisyon nya. Harap harapan nyang sinabi sa akin na mabuti pa daw na magtayo nalang sya ng ibang negosyo kaysa ang mapailalim sya sa pamamahala ko. Nung hindi sya pinigilan ng kapatid nya sa plano nya ay lalong kumulo ang dugo nya sa akin. Real Corp provides financial services, construction, entertainment, power, health care, manufacturing, defence, aviation, and transportation services. It is one of the largest family-owned businesses in the Philippines kaya hindi ito madaling i-manage. Nung nagsisimula palang ako ay nahirapan talaga ako. Buti nalang at nasa likod ko lang parati si sir Gilbert para tulungan ako. Over the years I have thought of nothing but to work hard. Nakalimutan ko na nga yata ang totoong kahulugan ng kaligayahan sa buhay. Naalala ko lang yon nung araw na bumalik ako sa United Kingdom. I was actually there for a business trip kaya hindi ko naman inaasahan na makikita ko si Millie. When I saw her I couldn't believe it was her. The last thing I remember is that she was just a kid na laging galit sa akin. Time passed so quickly, madami na ang nagbago sa kanya. She grew up beautiful and attractive. Ang hindi lang yata nabago ay ang pagtingin nya sa akin. Galit at naiinis pa rin sya. I just wonder why no matter how much she rejects me, it's still fine with me. Actually ay maraming beses ko ng tinangka na linawin kay Millie na wala akong inagaw sa kanila. Kaya lang sa tuwi-tuwina naman ay hindi sya nakikinig sa akin and we just end up arguing. Kaya iniba ko nalang ang approach ko sa kanya. Though I want to be a sweet lover, I ended up becoming a perverted devil. "Hey Vic! How long do you plan to stay here? Hindi ka pa ba aalis? Gabi na! Maliligo pa ko!" Taboy ko sa kanya. Hinampas ko pa nga sya ng tuwalya na dala ko. "Hala ka! Hinampas mo talaga ko? Sa ganda ko na to?" Angal nya sa akin at hinilot pa ang braso nyang nasaktan. "Aalis na ko, hinihintay ko lang yung boyfriend ko! Ito naman kung makataboy parang hindi utol eh! Maligo ka na kung maliligo ka! Piling mo naman sisilipan kita? Hindi na noh! Kabisado ko na yan. Di ba nga sabay sabay pa tayo maligo non nila Romel? Nagpapahabaan pa nga tayo ng ano?" Pagbibiro nya na nagboses lalaki pa. "Nakakakilabot yang sinasabi mo! Kung alam nga lang namin noon na balak mo palang magpaka babae ngayon, baka matagal ka na naming tinanggal sa barkada!" Naiiling na sabi ko sa kanya. "Bakit ba hanggang ngayon kaibigan pa kita ha?" Seryosong tanong ko sa kanya. Though alam naman nya na nagbibiro lang ako. "Okay fine! Edi tanggalin nyo na ko sa barkada! Payag naman ako Cef basta jojowain mo nalang ako devah?" Humahalakhak na sagot nya tapos ay umungol ungol pa. "Go to hell!" Natatawang sagot ko sa kanya. "Gusto ko paglabas ko ng CR wala ka na sa kwartong to. Kung hindi ako na mismo sisipa sayo palabas okay?" Hindi ko na sya pinakinggan ang sagot at mga joke nya. Nagpunta nalang ako ng banyo upang maligo. Habang naliligo naman ako ay hindi ako matahimik dahil naririnig ko na naman si Victorino sa kagaguhan nya. Rinig na rinig ko dito ang malakas na pag ungol nya. Kaya naman imbis na ma enjoy ko ang paliligo ay binilisan ko na lang tuloy upang bawalin sya. Mamaya nyan ay maisip pa ni nanay Rose na may ginagawa akong kahalayan. And worst, lalong mainis sa akin si Millie. Dahil syempre alam na nya ang tungkol sa last will. Baka lalo syang hindi pumayag na magpakasal sa akin kung iisipin nya na madami akong babae. "Vic what's wrong with you? Pwede pang itigil mo na ang kagagu---, what are you doing?" Gulat na tanong ko sa kanya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD