bc

Fake Marriage Series 1: Sold To Mr. Arrogant

book_age16+
5.4K
FOLLOW
34.9K
READ
love after marriage
self-improved
drama
sweet
bxg
female lead
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

"He acted as if I'm part of his possessions! At anong sabi nya? He had bought the right to take care of me? My God! On what basis did he have the right to do that? Sino ba ang Cef na yan sa buhay ko? He is nothing but an arrogant stranger!" -Mildred Fe Gozon

It wasn't just the death of Millie's father that disheartened her but also the last will he left behind. For he did not only entrust his business empire to an outsider but he also asked her to marry that person.

Millie didn't understand what is so good about that man named Jose Ceferino "Cef" Arcega Jr.? She thinks he's so arrogant and not only did he take everything that was supposed to belong to her. He also told her that he had bought the right to take care of her.

Millie was even more annoyed by what he said. How was she sold? Is she a business property to sell?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FMS1: Sold to Mr.Arrogant midnyt_princess CHAPTER 1 ------------------------------- Crossgate Ave, Manchester, UK ------------------------------- MILLIE Point of View "What did you say attorney?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I heard him the first time but I just didn't understand what he said. Kung malabo pa rin ba ang pag iisip ko hanggang ngayon o talagang akala ko ay niloloko lang nya ko ay hindi ko alam. Basta pakiramdam ko ay mali yung narinig ko. "You heard it right hija," seryosong sabi sa akin ni Atty. Lajur. "As stated in the will, if you want to get the property left to you by your father then first you need to marry Mr. Jose Ceferino Arcega Jr." "Seriously?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. "But I'm daddy's only child. Shouldn't he just leave the property he left behind to me? Yung wala ng iba pang nakakainis na kondisyon! And besides attorney, who wants to marry that man?" Naiinis na tanong ko pa. For a moment ay hindi sya nakakibo sa akin. Siguro ay nagulat sya dahil tumaas na talaga ang boses ko. When I realized my mistake I tried to calm down. I sigh. "Sorry attorney, it's just that hindi lang ako makapaniwala na gusto ni daddy na makasal ako sa ampon nya. Alam naman nya na hindi kami magkasundong dalawa," problematic na sabi ko. Attorney clears his throat at itinaas pa nya ang bumabang salamin sa mata. "Your father had a will," he said calmly. "Although I was the “messenger” here, I have nothing to do with this Millie. These were the court rules and they had to be followed, iyan ay kung gusto mo makuha ang iyong mga mamanahin." Ako naman ang hindi nakakibo sa aming dalawa. Two months after mamatay ng aking ama dahil sa isang malagim na aksidente ay tuluyan na nga akong naulila sa mga magulang. I was ten years old when my mother died due to a serious illness. At that time, I just wished that I would have died with her then. Rather than being thrown out to another country just because I couldn’t get along with my father’s new wife. Nag asawa kasi ulit si Daddy after two years. Everything that happened in my life seemed to be a punishment. Hindi ko alam kung bakit but I still remember when it all started. Naalala ko pa, it was my 7th birthday. That was the first time daddy went to my party on time. Sobrang busy nya kasi sa mga negosyong naiwan ng lolo Delfin ko kaya sanay na ako na lagi syang wala sa bahay. So that day I was very happy because of his presence. But that happiness disappeared immediately when instead of me he should pay attention, he turned it to others. I mean sa binatilyong kasama nya. That was the first time I saw Jose Ceferino "Cef" Arcega Jr. He was 17 years old that time, I guess. Though he's a skinny-looking guy his overflowing arrogance is still obvious. Ewan ba kung san sya kumukuha ng aura nyang ganoon, samantalang napulot lang naman sya kung saan. That same day, Daddy introduced Cef to the people as his child as well. Nilinaw man nya na hindi nya ito kadugo ay nasaktan pa rin ako sa katotohanang mas binigyan pa nya ng importansya ang lalaking iyon kaysa sa sarili nyang anak. Since Cef came into our lives, ay lalo ng nawalan ng oras sa amin si Daddy. Lalo na kasing naubos ang panahon nito sa negosyo at sa pagte-train sa anak anakan nya tungkol sa maraming bagay. Events that I hated dahil lalo nya na kaming nakalimutan. Even when my mommy died, ay mas inuna pa rin nya ang pagre-resolba ng problema ng negosyo nya kaysa amin. Pasalamat na nga lang ako at inasikaso kami at hindi kami iniwan ni tito Jaime. Ang nakababatang kapatid ni daddy na tulad ko ay againts din sa pag ampon kay Cef. That arrogant jerk! Naiinis talaga ako pag naiisip ko sya lalo na yung pangyayari na lalong nagpakulo ng dugo ko sa kanya. Way back 7 years ago nung nasa Pilipinas pa ako. That time ay papunta ako sa kitchen namin when I overheard him talking to someone na biniro sya. Sabi ng kausap nya, ligawan nalang daw nya ko at pakasalan. Para pagdating ng panahon ay mapasa kanya na lahat ng negosyo at ari-arian ng mga Gozon. That's not a good joke isn't it? At lalong hindi magandang joke para sa akin ang sagot nya. I clearly remembered what he said; sabi nya it is not necessary to marry a rich person to become rich dahil daw confident sya na yayaman sya sa future. Sus! napaka yabang! And besides, sino daw ba ang gustong mag alaga ng isang spoiled brat na prinsesita habang buhay? Definitely not him daw dahil parusa lang iyon! Grabe! Sobrang angas nya talaga! Well, akala ba nya ay gusto ko syang maging asawa!? No way! Kahit sya nalang ang natitirang lalaki sa buong mundo hindi ko sya papatulan! Over my dead body! Never! Sa naisip kong iyon ay lalo tuloy akong nagngitngit. "Attorney does that man already know about daddy's last will?" Maya maya ay naisipan kong itanong. "Ano pong sabi nya?" Tanong ko ulit nung tumango sya bilang tugon. "He said he would marry you if that's what your father wanted," seryosong sagot nya sa akin sabay lapag ng ilan pang dokumento sa harapan ko. "What? Kung iyon daw ang gusto ni daddy? Sinabi nya talaga iyon? Wow!Ang kapal talaga ng mukha ng Cef na iyan! Talagang ginamit pa nyang excuse si daddy para sa mga plano nya? Samantalaang alam ko naman na he just wants to seize all the property we have and take possession of it!" Gigil na sabi ko at napatayo pa talaga ako sa kinauupuan ko. Umasa kasi ako na hindi sya papayag sa sinasabi sa last will since sinabi nya dati na ayaw nyang mag alaga ng isang spoiled brat na prinsesita. Tapos kakainin lang din pala nya lahat ng sinabi nya at papayag sya na magpakasal kami? What the f**k di ba? Pag kayamanan na talaga ang usapan makikita mo na ang totoong kulay ng isang tao. "Listen hija," narinig kong sabi ni atty. Lajur sa akin as he tried to calm me. Sumenyas pa nga sya na umupo ulit ako at makinig. Bagay na sinunod ko naman agad bilang paggalang sa kanya. "Matagal na ako sa serbisyo bilang lawyer ng pamilya ninyo Millie. In fact I almost saw you grow up at itinuturing na rin kitang hindi iba sa akin. So I want to let you know my view on this matter. I know, your father's last will seems strange. But these serious matters should not be taken lightly hija. Kailangan mong pag isipan itong mabuti. I understand how you feel about marrying Mr.Arcega but if you don't marry him, ikaw lang ang mawawalan dito hija," seryosong sabi nya sa akin. "Pati ikaw ba attorney? Gusto mo rin akong makasal sa taong iyon?" Hindi makapaniwala at masama ang loob na tanong ko sa kanya. "I'm a minor, why do you want me to get married right away? In the end pareho lang kayo ni daddy ng gustong mangyari. You're leaving me no choice dahil ginigipit nyo kong pilit sa last will na dala ninyo," naluluhang sabi ko. Pag naiisip ko talaga ang nilalaman ng mga dokumentong iyon ay hindi ko maiwasan na sumama ang loob ko kay daddy. I know that he is no longer in this world at nananahimik na sya sa kabilang buhay but then, ang unfair nya kasi sa akin. Hanggang ngayon ba naman na wala na sya ay si Cef pa rin ang pinapaboran nya. Bakit ko nasabi? Cause he almost gave all his possessions to that bastard samantalang ako ang totoong anak nya. May iniwan nga sya sa akin pero bago ko naman makuha iyon ay kailangan ko pang pakasalan ang ampon nyang walang kasing yabang! Akala siguro nya ay magiging masaya ko sa feeling nung lalaking iyon samantalang wala namang ginawang matino ang ungas na iyon kundi ang isahan lang ako! And worst of all, if I do not follow the condition of the last will, all my inheritance will go to charities. So paano na ako? Pulubi na sigurado ang kalalabasan ko nito. "Your late father, Gilbert is one of the smartest person I have ever met. Actually ay mas matalas pa nga syang mag isip sa lolo Delfin mo. So I believe hija, that your father has enough reason why he is asking for this to happen. It's not like he is forcing you, hindi ganoon ang tingin ko. Because if not, why would he give you another option hindi ba? And besides hija, Mr.Cef Arcega is a fine young man. Balita ko nga ay maraming mga babae sa Pilipinas ang nagkakandarapa sa paghabol sa kanya. Ano ba ang inayawan mo sa kanya hija?" Sa mga huling sinabi ni atty.Lajur ay napataas nya ang mga kilay ko. Tapos ay hindi talaga agad ako nakakibo. Pero God knows how much I want to answer him at sabihin na ang inayawan ko sa lalaking iyon ay ang whole existence nya. Lalong lalo na ang kayabangan nya! Sus! Promise! Pinigilan ko lang ang sarili ko sa pagsasalita at baka kung ano pang kagaspangan ng ugali ang maipakita ko sa kanya. Nakakahiya lang tsaka baka akalain pa nya ay nagpapakipot lang ako. Oo nga at aminado naman ako na may itsura nga si Cef at maraming naghahabol sa kanya. So what? Hindi ibig sabihin na maraming may gusto sa kanya ay lalahatin na nila ang buong lahi ni Eva. I'm not like those cheap women. Ibahin nila ko noh! "Well?" Sabi ni attorney na naghihintay pala talaga ng sagot ko. "I don't like him," honest na sagot ko. "Isa pa po ay bata pa ako. I still want to enjoy my single life." "Tama ka rin naman hija. Anyway, you still have six long months to think. Alam mo na, as stated in the will, kailangan bago ang 18th birthday mo ay mabigyan mo na ako ng sagot or your inheritances will automatically be put into donation," clarify pa ni attorney bago nya isa isahing ligpitin ang papeles sa harapan ko. May ilang bagay pa syang sinabi at nilinaw bago sya tuluyang magpaalam. "Mag iingat po kayo attorney, uuwi na po ba kayo nyan sa Pilipinas?" tanong ko sa kanya bago sya lumabas ng pintuan. "Hindi pa hija, sa susunod na araw pa. May ilang mga bagay pa akong aayusin dito bago ako umuwi. Mag iingat ka din," paalam nya sa akin tapos ay umalis na sya. Matagal ng wala si attorney sa harapan ko ay nanatili pa rin akong nakatayo sa gawing pintuan. "Okay ka lang ba anak?" Narinig kong tanong sa akin ni yaya Rose. Bakas sa boses nya ang labis na pag aalala. Medyo malalim kasi ang iniisip ko kung kaya't hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na sya. Umalis kasi sya kanina para pumunta sa grocery store. "Okay lang po ako yaya," nakangiting sagot ko. Kinuha ko ang mga grocery bags na hawak nya at nagpatiuna na akong pumasok sa may kusina. "Sigurado ka ba na okay ka lang ha? Mukhang matamlay ka kasing bata ka. May problema ka ba?" Nagdududang tanong nya. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook