FMS1: Sold to Mr.Arrogant
midnyt_princess
CHAPTER 2
-------------------------------
MILLIE POV
"Sigurado ka ba na okay ka lang ha? Mukhang matamlay ka kasing bata ka. May problema ka ba?" Nagdududang tanong nya.
"Ang totoo po Yaya, galing po dito si attorney Lajur kanina. Pag naiisip ko po kasi ang mga pinag usapan namin ay sumasama talaga ang pakiramdam ko," pag amin ko.
Sa loob ng halos labing pitong taon na pag aalaga nya sa akin ay kilalang kilala na nya ako. So theres no use if magsisinungaling ako sa kanya dahil kabisado na nya ang lahat ng moods ko.
"Kaya pala parang nakita ko sya sa parking area. Akala ko kanina ay namamalikmata lamang ako. At ano naman daw ang sadya ng taong yon dito? May kinalaman ba iyon sa pagkamatay ng ama mo?"
"Opo ya. Actually, madami talaga syang sadya dito sa UK. At isa po doon ay ang ipaalam sa akin kung ano po yung nilalaman ng last will and testament ni Daddy," inform ko sa kanya.
Habang sinasabi ko iyon ay hindi ko naiwasan ang magpakita ng kalungkutan at disappointment.
"Ganoon naman pala anak. So bakit ganyan ang itsura mo? Hindi maipinta. Hindi ka ba iniwan man lang ng mamanahin ng ama mo?" Biro pa nya sa akin.
"Yaya talaga," napabusangot na sagot ko. "Actually po ay marami namang iniwan sa akin si Daddy. Nakakatuwa nga at lahat ng lugar na importante kay Mommy ay iniwan nya sa akin. Kaya nga lang po, ang hindi ko talaga nagustuhan ay napaka bad news ng hinihingi nyang kapalit sa akin. My God ya! Alam mo ba na makukuha ko lang ng lahat ng iyon kung papayag akong magpakasal kay Cef! Doon sa lalaking hanggang langit yata ang inis na nararamdaman ko! Pag hindi ako nagpakasal sa kanya lahat ng mamanahin ko automatic na magiging donation sa mga charity!" Bumubula ang bibig na reklamo ko.
As in gigil na gigil talaga ako. Maisip ko palang kasi si Cef ay naiinis na ko.
"Bakit kasi hindi ka magpakasal kay Cef? Mabait naman ang batang iyon. Isa pa, bukod sa magandang lalaki na nga ay magaling pa sa pamamalakad ng mga negosyo nyo. Kaya nga tignan mo nalang kung paano sya pagkatiwalaan ng daddy mo," sagot nya sa akin na may halong panunudyo.
"Ya naman! Pati ba naman ikaw?" Nanlalaki ang mga matang reklamo ko sa kanya. "Hindi ko alam kung ano ang pinakain sa inyo ng magaling na lalaking iyon at ganyan nyo nalang sya kung purihin! Hindi nyo talaga kasi alam kung ano ang totoong kulay nya! Can't you see? He is greedy and he's very arrogant! Gusto nyang agawin lahat ng mayroon ako! Dati, ang pagmamahal ng parents ko at ngayon naman ay ang lahat ng mga properties namin! Alam na alam ko iyon! Kaya nga kahit anong gawin nya, never akong magkakagusto sa kanya. Never talaga!" Mahabang litanya ko sabay upo ko don sa bangko na nasa tabi ko.
"Ya! Anong gagawin ko?" maya maya ay naguguluhang tanong ko. Napahawak pa nga ang dalawang kamay ko sa ulo ko na parang sumasakit iyon.
"Anong sabi ni attorney? Hindi mo ba tinanong kung may iba pang paraan para makuha ang mana mo ng hindi ka nagpapakasal kay Cef?"
"Naitanong ko na po. Sabi nya wala ng ibang paraan. Kung ayaw kong mawala sa akin ang mga mamanahin ko ay sumunod ako sa kahilingan ni Daddy," malungkot na sagot ko.
"Kung ganoon ay bakit hindi mo kausapin si Cef?" Suggestion nya habang abala sa paghahanda ng iluluto nya.
"Para ano pa po? Tsaka ayaw ko ngang makita yung lalaking iyon, yung makausap pa kaya," nakabusangot na sabi ko.
"Kung ganoon anak, hayaan mo ng mapunta sa charities ang mga shares mo. Ano nalang ba kung magiging pag aari na ng iba ang bahay bakasyunan nyo sa Batangas? Iyon lang naman ang alam kong lugar na pinaka paborito ng mommy mo nung nabubuhay pa sya. Doon ka kasi namin pinalaki hindi ba?" Pangongonsensya pa sa akin ni yaya.
"Yaya naman! Syempre ayokong mawala iyon pati na rin yung farm! Kaya lang ayaw ko talagang magpakasal kay Cef! Ayoko talaga!" Parang batang tanggi ko. Kung pwede nga lang umiling ng 360 degrees ay baka umikot talaga ang leeg ko sa pagtutol.
"Kuuu, at kanino mo naman gusto magpa kasal? Doon sa manliligaw mong foreigner? Na okay na nga sanang matangkad pa sa pintuan natin dito ay huwag lang bastos!"medyo gigil na sabi ni yaya Rose. Naalala nya siguro yung lalaking minsan ay inimbitahan ko dito sa bahay namin.
Si Alleyn yung tinutukoy nya. Yung ka-klase ko na nanliligaw sa akin na medyo type ko rin naman. Ang nangyari, that time kasi ay namili ako ng gagamitin sa project ko. Madami akong dala so nag magandang loob sya na tulungan ako at ihatid sa bahay namin. Since napagod sya sa kabubuhat ay pinapasok ko sya sa may sala and I was obliged to offer him juice. Hindi ko alam na mami-mis interpret nya yon and It never entered my mind that he would think that I invited him to have s*x.
Kaya nga laking pasasalamat ko na dumating agad si yaya Rose that time at napigilan ang kung anu man ang balak gawin sa akin ni Alleyn.
"Yaya naman, pina alala pa kasi yon. Nakitang problemado na nga yung tao eh," parang batang ungot ko sa kanya.
"Hay nako Millie, hindi ko rin alam kung ano ang tamang sagot sa mga katanungan mo. Sa ngayon anak ang magagawa ko lang para sayo ay ang sumuporta sa bawat desisyon mo sa buhay," seryosong sabi sa akin ni yaya habang tinatapik pa ako sa balikat. "Ang mabuti pa ay pumanik ka na muna sa kwarto mo at magpahinga ka. Malay mo mamaya ay maka isip ka na ng magandang solusyon sa iyong problema. Tatawagin na lamang kita pag handa na ang hapag kainan," pagtataboy pa nya sa akin.
Sinunod ko naman si yaya at lulugo lugo akong pumunta sa kwarto ko.
Pagdating ko naman don ay mas nilukob pa ng lungkot ang puso ko nung mamataan ko ang family picture namin sa bedside table ko.
Kinuha ko iyon at pinakatitigan.
Masaya ang kuha ng larawan. Sino ba ang mag aakala na maaga pala nila ko parehong iiwan?
Sa isipin kong iyon ay nag ulap agad ang mga mata ko. I don't want to cry pero nung mapagmasdan ko ang larawan ng mga magulang ko ay kusa nalang nalaglag ang mga luha buhat sa aking mga mata.
"I missed you mom, dad," humihikbing sabi ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nag iisa nalang ako sa buhay at iniwan na nila ako.
Si Mommy, iginupo ng matinding karamdaman. Even though money supported her treatment, her life was not extended. Si Daddy naman, he
became a victim of a disaster in which the plane he was on crashed. Again his money did nothing to save his life. Ni hindi ko nga nagawang magluksa sa pagkamatay nya dahil hindi na sya napaglamayan pa. Nung matagpuan kasi ang katawan nya na wala ng buhay seven days after ng aksidenteng iyon ay halos hindi na sya makilala. DNA test result nalang nya ang nag proved na sya na nga ang taong iyon.
Nung makarating sa akin ang balitang iyon ay muling gumuho ang mundo ko. Sumagi pa nga sa isip ko na maaring sinadya ang pangyayaring iyon kaya nakaramdam ako ng galit. I swear, pinaghinalaan ko pa nga ang madrasta ko na si ALicia or si Cef na may kagagawan ng lahat. But since tito Jaime said that theres no foul play happened, I believed him.
Wala na din akong nagawa kung hindi ang umiyak at ang lalong manghinayang sa mga panahon na nasayang sa amin ni Daddy. Nahiling ko talaga na sana ay binigyan nya muna ako ng kaunting oras na makasama sya bago sya tuluyang mawala.
I have been here in the United Kingdom for five years. During those years, daddy only visited me once. Natatandaan ko, busy na nga sya nung mga araw na iyon ay may kasama pa syang mayabang.
Sino pa nga ba? Edi si Cef.
Si Cef na kung ilang beses ko na ipinanalangin na mawala na sa buhay namin ay hindi ko na mabilang.
Gosh!
Nung maiisip ko sya ay automatic na sumakit talaga ang ulo ko. Ang dami ko na ngang iniisip ay dumadagdag pa yung asungot na iyon.
Maingat na isinoli ko ang photo frame sa lalagyan niyon habang malungkot akong nakatunghay doon.
Alam ko na hindi sila tuluyang magiging masaya kung makikita nila na ganito ka miserable ang buhay ko. Kaya nga nung may pumatak na naman na luha buhat sa mga mata ko ay agad ko rin iyong pinunasan.
"Huwag po kayong mag alala Mommy, Daddy. Magiging okay rin po ako. Pangako ko, sisiguraduhin ko na magiging matibay ako sa mga pagsubok na haharapin ko sa buhay ko kahit wala na kayo. Ganito nyo naman ako pinalaki hindi ba? Yung matapang at kayang mag isa," determinadong sabi ko sa harap ng larawan nila.
I sigh.
"Kaya ko to! Problema ka lang! Si Millie ako noh!" Parang tanga pero mayabang na sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay ko sa ere. Tapos ay pabagsak akong nahiga sa kama.
Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong gawin sa last will and testament ni Daddy pero gusto kong maging handa para dito kahit papaano. Lalo na at alam ko na isa sa mga araw na ito ay magpapakita sa akin si Cef.
Ayokong magmukha akong tanga o kawawa sa paningin ng sino man lalo na sa mata ng lalaking iyon.
Napatitig ako sa kisame na parang doon ay makakakuha ako ng kasagutan. Ewan ko ba at sa kakatitig ko siguro ay dinalaw ako ng antok. Last thing na naalala ko ay hikab ako ng hikab.
Hindi ko alam na iginupo na pala ako ng antok. At hindi ko rin alam kung ilang oras ba akong nakatulog. Basta ang alam ko ay bigla nalang nagising ang diwa ko dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakatunghay sa akin.
Dahan dahan kong iminulat ang namimigat ko pang mga talukap para lang magulat. Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng paningin ko. Pero parang nakita ko kasi ang isang pamilyar na tao na komportableng nakaupo sa single couch sa gawing paanan ng kama ko.
I thought I was just dreaming but because I could feel the weight of his stare ay agad kong napagtanto na totoo ang mga pangyayaring ito.
"Cef anong ginawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Galit na tanong ko agad sa kanya nung bumalikwas ako ng bangon.
"I came here to see you and obviously dumaan ako sa pintuan kaya ako nakapasok," pamimilosopo nya. "Anyway, you surprised me. Hindi ko alam na sobrang lakas pala ng dating ko sayo, naramdaman mo kasi agad na nandito ko," dagdag pa nya sabay ngisi.
"Pwede ba! Hindi ako nakikipagbiruan sayo! Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Inis na inis na tanong ko sa kanya.
Itutuloy...