CHAPTER 3
---------------------
MILLIE POV
---------------------
"Just relax," sagot nya sa akin sabay sara ng librong binabasa nya. "Gabing gabi na high blood ka pa rin?" Pagjo-joke pa nya.
Ang kapal ng mukha!
Sa kabila ng galit na ipinapakita ko ay hindi man lang sya nakaramdam kahit na konting hiya sa pag i-intrude nya. Ni hindi nga sya natinag man lang sa pagkaka upo nya. Hayun at naka de kwatro pa nga sya.
Nanggigigil na sinugod ko sya.
"Anong relax ang sinasabi mo diyan?" Singhal ko sa kanya sabay hablot ko ng makapal na libro sa kamay nya. "Ayokong nandito ka sa kwarto ko! Now get out! Out!" Sigaw ko sa kanya sabay turo ko ng pintuan.
I saw him sigh. Tapos ay tumayo sya buhat sa pagkakaupo nya habang nakatitig pa rin sya sa akin.
Cef is tall.
Siguro ay naglalaro sa 5'11" ang height nya or baka nga 6 ft pa. Sa height ko na 5'3" ay hindi ko tuloy maiwasan na tingalain sya.
He stepped forward and approached me. Sa ginawa nyang iyon ay halos nagkalapit na kaming dalawa kaya automatic na napaurong ako ng ilang hakbang. Lalo na nung nag lean forward sya sa akin sabay angat ng isang kamay nya.
Ewan ko kung ano ang balak nyang gawin. Pero may instinct told me na hahawakan nya ang gawing dibdib ko kaya tinampal ko agad yung kamay nya.
I saw him smile. Or better to say ay tumaas ang gilid ng labi nya kaya lalo akong nainis sa kanya.
"Ang sungit mo naman. Para gusto ko lang naman tignan yung ribbon mo sa damit," naaliw na sabi nya sa akin.
Nung sundan ko ng tingin yung tinitignan nya ay doon ko lang na realized ang suot ko.
Summer kasi ngayon dito kung kaya't manipis na sleeveless shirt lang ang suot ko at maikling shorts. And s**t! Wala nga pala akong suot na bra.
Kaya pala titig na titig sa akin ang mokong!
Nakakainis!
Hindi lang sya mayabang kundi ay bastos pa!
Sa realization ko na iyon ay agad na nag init ang mga pisngi ko. Umirap ako sa kanya at automatic na bumalik ako sa may kama para kunin ang kumot ko at itakip iyon sa akin.
I heard him laugh.
Lalong uminit ang ulo ko sa ginawa nyang iyon. Gustuhin ko man syang sugurin at ipagtulakan palabas ay hindi ko naman magawa. Una ay naunahan na ako ng hiya dahil wala nga akong suot na bra. Pangalawa ay naglakad lakad na sya sa silid ko. Nagkasya nalang tuloy ako sa panonood sa kanya.
I watched him as he walked closer to one of my cabinets there. Habang ginagawa nya iyon ay nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong pagmasdan sya.
Sa halos isang taon naming hindi pagkikita that I don't really care ay napansin ko na mas nag improve ang pangangatawan nya. He used to be a bit thinner, siguro ngayon ay marami na syang time na mag gym. Naging mas bagay tuloy sa kanya ang attire na suot nya. I mean, sanay naman kasi akong nakikita syang nakasuot ng business casual or business professional attire kaya napansin ko lang. Lagi naman kasing ganito sya manamit kaya na i-compare ko tuloy. Anyway, wala din naman akong paki alam.
"Sino naman ito?" Naka kunot ang noo na tanong nya sa akin. Inangat pa nga nya ang maliit na photo frame na nakita nya don at ipinakita sa akin.
"Boyfriend ko! Bakit? May problema ka?" Nakataas ang noong sagot ko sa kanya.
"Boyfriend mo? Since when?"
"Matagal na at wala kang paki alam! Tsaka bakit ba ang dami mong tanong? Lumabas ka na nga dito!" Reklamo ko sa kanya.
Sa inis ko ay hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na lusubin sya at kunin yung picture frame na hawak nya. Wala na akong paki alam kung nahilahod ko pa yung kumot ko sa sahig dahil hawak ko pa rin iyon ng isang kamay ko at nakatakip pa rin iyon sa gawing dibdib ko.
Yung kinuha kong frame ay itinago ko agad sa likuran ko. Mamaya nyan ay mapansin pa nya na may autograph yung picture. Mabubuking nya ko na ang lalaking foreigner na naka akbay sa akin ay hindi ko naman boyfriend kundi ay isang sikat na varsity player. Naging crush ko sya nung unang salta ko sa college kung kaya't itinabi ko talaga ang picture namin.
"Then I forbid you to meet him," seryosong sabi nya sa akin sabay halukipkip.
"What? You forbid me?" Hindi makapaniwala at natatawang balik tanong ko sa kanya. "Wow ah! Nabibigla mo talaga ako sa mga paganyan ganyan mo eh noh? Bakit? Sino ka ba sa akala mo? Hindi por que wala na akong mga magulang ay pwede mo nalang ako basta paki alaman. You're not even my guardian remember?" Taas noong tanong ko sa kanya. Hindi ko sya bibigyan ng pagkakataon na masindak ako.
Never!
"But I am your guardian," malinaw na sagot nya sa akin.
For a moment ay hindi ako nakakibo. Nag isip ako ng sasabihin dahil alam ko na he's just playing tricks on me. Pero kataka takang wala talaga akong maisip.
"Sa maniwala ka man o sa hindi Ms.Mildred Fe Gozon, simula sa araw na ito ay ako na ang tatayong guardian mo. Kaya wala ka ng magagawa kundi sundin ang lahat ng mga sasabihin at iuutos ko. Maliwanag ba?" ma awtorisadong sabi nya.
"Ano?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. "Baliw ka na yata talaga noh? How can you be my guardian while I still have a stepmother and an uncle? Siguro naman ay mas may karapatan sila legally na maki alam sa akin kaysa sayo!"
"Wow! Do you really expect your stepmother would take care of you gayong sarili nga nya ay hindi nya maalagaan?" Amaze na tanong nya sa akin. "Hindi mo na ba naalala kung ilang maid ang nakasunod sa kanya just so she can do her daily routine in life tapos ay dadagdag ka pa?"
Nung maisip ko ang sinabi nya ay hindi ako nakakibo. Actually ay gusto ko ngang pagalitan ang sarili ko kung bakit naisip ko pang gawing depensa ang stepmother kong iyon. Bukod nga sa sinabi ni Cef na masyado syang na spoiled kay daddy ay hindi naman kami magkasundong dalawa. Kaya nga nandito ako ngayon sa ibang bansa dahil hindi kami pwedeng magsamang dalawa.
Nai-stress kasi ang madrasta kong si Alicia sa akin pag hindi ko daw sya sinusunod. Lalo na pag palagi ko syang kino-compare sa pumanaw kong ina. Since may sakit sya noon at bawal mag iisip ng kung anu ano ay pinaki usapan ako ni Daddy na ako na ang magpasensya at dumistansya.
Nung una ay okay lang na sa ibang bahay ako tumira as long as hindi kami nagkikita ng madrasta ko. Hanggang sa dumating yung time na hindi pa sila nakuntento at pinadala ako dito sa UK para mag aral.
I was hurt by daddy's decision. Alam ko na ang paglayo ko sa madrasta ko ang talagang goal nila. Tapos ay secondary nalang ang makakuha ako ng magandang edukasyon.
Maraming beses akong tumanggi pero in the end ay nagtagumpay din sila sa plano nila na dispatsahin ako. Kaya eto, kasama ni yaya Rose ay halos limang taon na kaming nasa malayo.
"How about tito Jaime? Sya dapat ang tatayong guardian ko since kapatid sya ni Daddy. I'm sure, pag nalaman nya ang tungkol sa mga sinasabi mo ngayon sa akin ay magagalit iyon sayo," sabi ko na may halong pananakot.
Eversince kasi ay alam ko na lagi silang nagko-kontrahang dalawa. With regards sa business o sa usapang pang pamilya.
"Yes, supposedly sya dapat ang guardian mo. That is, if he did not sell me his right to take care of you,"seryosong sagot nya sa akin.
Tapos ay cool lang syang sumandal sa may furniture sa likuran nya at pinamulsa ang dalawang kamay nya.
"Sell you his right?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Teka lang ha. Ano ba yang sinasabi mo? Bakit pati ang karapatan bilang guardian ko ay nagbebentahan din kayo? Ano ba talaga ang tingin nyo sa pagkatao ko? Business? Isang business na pwede nyong pagpasa pasahan at paikutin sa mga palad nyo? Hoy! Hindi ako isang bagay na pwede mong bilin Cef!" Masama ang loob na sabi ko sa kanya "At isa pa! Huwag mong siraan si tito Jaime, dahil alam kong hindi nya iyon magagawa sa akin!"
"Pero nagawa na nya," very confident na sabi nya. "Nagmakaawa sya sa akin na tulungan ko syang mai-ahon ang mga negosyo nyang papalubog. And I helped him. Nagulat nga ako dahil ang karapatan nya bilang guardian mo ang isinuko nya. I can show you the documents he signed as proof kung gusto mo..."
"Sinungaling!" Putol ko sa mga sasabihin pa nya. "Inalok nya? O binili mo? Alam mo Cef... Hindi ka lang mayabang, sinungaling ka pa! Besides, hindi ako naniniwala na gagawin sa akin ni tito Jaime iyon! There's no way na hahayaan nya na ikaw ang maging guardian ko!"
"Pero nagawa na nga nya di ba?" Kulang sa pasensyang sabi nya. Hindi ko alam kung natatawa ba sya or what, sa reaction ng mukha nya. Nakita ko pa nga syang napakamot sa gawing noo nya.
"Look Millie," maya maya ay sabi nya tapos ay lumakad sya sa gawi ko. Nagulat nalang ako nung ipinatong nya ang dalawang palad nya sa balikat ko. Gusto kong umiwas at tumanggi pero parang wala akong sapat na lakas ng loob para gawin iyon. Kaya nanatili lang akong nakatayo sa harapan nya.
"There's no point to being upset over something that has already happened and cannot be changed. Ang mabuti pa ay sumang ayon ka nalang sa akin. Rest assured na hindi kita pababayaan. Aalagaan kita at paliligayahin kita hanggang sa gusto mo," madamdaming sabi nya.
Okay na sana pero nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng labi nya. Obviously ay double meaning ang mga sinabi nyang yon.
"No!" Sigaw ko sabay iwas sa kanya. "Kailangang maka usap ko muna si tito Jaime tungkol sa bagay na to at maging si attorney. Hindi dapat ako basta basta naniniwala sa isang mayabang at sa...sa isang stranger na katulad mo!" Determinadong sagot ko.
"Stranger? Woah! Coming from you Millie, ang sakit naman non," kunyari ay nasaktang sabi nya sabay hawak nya sa braso ko. Hindi ko inaasahan ang gagawin nyang iyon kaya naman nung bahagya nya akong hilahin palapit sa kanya ay napaayon ako.
"Stranger? Iyan pa rin ba ang tingin mo sa akin hanggang ngayon Millie?" Tanong nya sa akin habang sinasalubong ang mga mata ko. Ewan ko ba kung bakit hinanakit nga ang nababanag ko sa mga tingin nya.
"Ano ba iyang sinasabi mo? E di ba isa ka lang naman talagang stranger sa pamilya ko? Isang arrogant stranger na bigla nalang sumulpot sa bahay namin kaya nagka malas malas ang buhay namin!" Singhal ko sa kanya.
Wala na akong paki alam kung nasaktan ko pa ang damdamin nya. Basta sinabi ko lang kung ano ang mga nasa isip ko.
Ilang sandali kaming nagtitigan hanggang sa parang napapasong nagbaba ako ng tingin. Hindi ko kasi matagalan ang uri ng pagkakatingin nya sa akin.
Nung tangkain kong lumayo sa kanya, he pulled me closer to him until our lips were almost touching.
Hawak nya kasi ako sa magkabilang braso ko kung kaya't hindi ko magawang tumanggi sa ginagawa nya.
"An arrogant stranger huh?" sarcastic at hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.
"Tell me Millie, am I really an arrogant stranger to you though you almost become mine. Dito rin iyon sa sarili mong kwarto nakalimutan mo na ba?" paghahamon nya sa akin.
Itutuloy...