CHAPTER 8
--------------------
MILLIE POV
--------------------
"Business proposal? Duh? alam ko naman kung bakit ka talaga napagod," nakabusangot na bulong ko. Hindi ko na inalam kung naka abot yon sa pandinig nya basta kinuha ko na ang plato ko at tumayo na ko.
Gagawin pa talaga nyang excuse ang business? So lame!
"Whatever, basta huwag kang magtatagal dito ha!" Paalala ko pa sa kanya.
"Millie I didn't have s3x last night if that's what you're thinking. You don't have to overthink and make a fuss about it. Hindi mo rin kailangan mag selos dahil kaibigan ko lang si Victoria," explanation pa nya.
Nung marinig ko yung sinabi nya ay napabalik ako sa harap nya ng di oras.
"Ako ba ang kausap mo?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. "Oa mo ha! Ako magseselos? In your dreams! FYI! Hindi ako magseselos kahit ilan pa ang kaanuhan mo! At never akong magseselos kahit sino pa yung kasama mo! Gets? " Inis na sabi ko sa assuming na lalaking to.
Nakakaloka kasi sya!
At lalo pa kong naloka nung imbis na seryosohin nya ang inis ko ay nakita ko pa syang naka ngiti.
"Stop being cute princess," sabi nya na hinila ako palapit sa kanya sabay pisil ng pisngi ko. "Kung hindi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka," pagbabanta pa nya.
Sa narinig ko ay agad akong kumawala sa kanya at lumayo.
"Freak!" Inis na sabi ko sa kanya. "Diyan ka na nga! Panira ka ng araw!"
Hindi ko na hinintay ang sagot nya o maging ang reaksyon nya. Mabilis na akong umakyat sa hagdan para bumalik sa kwarto.
Lumayo na ko talaga sa kanya dahil alam ko na pwede nyang totohanin ang sinabi nyang yon. Si Cef pa ba? Doon pa naman sya pinaka magaling. Sa pangha-harass ng kapwa.
Pagbalik ko ng room ay nag ayos na agad ako ng sarili. May lakad talaga kasi ako ngayon.
Naka schedule akong magpunta sa Medical Care facility ni Dr. Brich Williams. Isa ang medical clinic nya sa pinaka magaling dito sa UK kaya talagang dinadayo yon maging ng mga taga ibang bansa.
I'm not sick. It's just that we really need a medical report as a requirement for the next school year. Three months nalang ay third year college na ako sa kurso kong Accountancy. And to prepare for enrollment ay kailangan nga namin mag submit ng medical report ahead of time.
Sa dami namin sa school ay natural lang na madami ang pipila sa clinic. So dapat ay maaga palang ay makakuha na ako ng appointment. Nakakainis nga at hindi pwedeng magpalista through online, text message or call dapat ay personal. Kasi nga don palang ay may pre-medical check up na. Para malaman kung kailan babalik para sa mga requested test.
After 30 minutes ng mabilis na pag gayak ay ready na akong umalis.
"Shet!" Inis na sabi ko nung ayaw mag start ng sasakyan ko. Balak ko na talaga kasing palitan to pero lagi nalang nagbabago ang isip ko.
Regalo kasi sa akin to ni daddy nung unang salta ko sa lugar na to 5 years ago. Matino pa sana ang makina nito kung hindi lang nailaglag sa creek ng classmate kong freak last year. Hiniram hiram tapos ay hindi naman pala iingatan. Simula non kahit na lagi kong pinapaayos ay nagkakaroon pa rin ng problema sa makina.
Walang choice na bumaba na ko ng sasakyan. Balak ko ay mag taxi nalang kaya lumabas na ako ng bakuran para mag abang.
Yun nga lang, anong malas naman dahil after 20 minutes ay wala man lang dumaraan.
"Late na ko! Siguradong mahabang mahaba na ang pila don," naiinis na reklamo ko sa sarili ko. Pagtingin ko kasi sa wristwatch ko ay 10am na.
"Don't you have a car?" Narinig kong tanong ni Cef sa gawing likuran ko.
Hindi ko na sya nilingon kasi nga ay sure naman ako na sya yon. Naramdaman ko kasi ang evil presence nya.
"Kung may sasakyan ako, nag aabang ba ko ngayon?" Pilosopong tanong ko sa kanya. "Don't ask the obvious, are you stupid?" Pabulong na dagdag ko.
"Yeah, I may be stupid. But stupidly wanting you," banat nya.
Paglingon ko sa kanya ay nakita kong nakangiti pa sya imbis na ma offend sa sinabi ko.
"Funny! Really!" nakairap na sagot ko sa kanya.
"It's not a joke okay?" Natatawang sagot nya sabay pisil ng braso ko.
Tsansing talaga ang peg? Iniwas ko nga yung kamay ko. Hindi ako pakipot! Nababastusan lang talaga ako sa kanya.
"Wait here, ihahatid na kita," narinig kong sabi nya. Bago pa ako makatanggi ay umalis na sya sa tabi ko.
Pagbalik nya ay dala na nya yung maganda nyang sasakyan.
"Get in," nakangiting sabi nya sa akin nung ibinaba nya yung car window.
"Hindi na," tinatamad na sagot ko tsaka ako luminga linga sa kalsada.
"Come on, ikaw din bahala ka. Male-late ka na sa pupuntahan mo," yaya nya sa akin na bumaba pa sa sasakyan nya.
"Promise ihahatid lang kita. I have no intention to kidnap you... so relax okay? I just want to help," Yaya nya ulit sa akin at itinaas pa nya ang kamay nya na parang nanunumpa.
Dahil late na talaga ako ay nakisakay na rin ako sa sasakyan nya. Pero hindi ako sumakay sa tabi ng driver seat na ino-offer nya. Sa backseat ako sumakay para hindi ko sya katabi. Bagay na pinagsisisihan ko na dahil lalo lang pala akong maiilang. Lagi ko kasi syang nahuhuli na nakatingin sa akin sa rear view mirror. Kaya nga ginawa ko nalang na busy ang sarili ko sa pagtanaw sa labas ng bintana.
"You're going to the medical city, aren't you?" Maya maya ay narinig kong tanong nya.
Tumango lang ako bilang tugon. Alam ko naman na alam na nya kung saan ako pupunta. Malamang na inalam nya na yon kay Yaya kanina. Tingin ko pa nga ay wala naman talaga syang balak umalis ngayong araw. Alibi lang nya yung ihahatid ako kuno. Cause I guess he just intends to annoy me all day.
After 45 long minutes ay narating namin yung address. Sa haba ng traffic ay nagpababa nalang ako sa pinaka malapit na area sa clinic. Nung itabi ni Cef yung sasakyan ay bumaba agad ako after kong magpasalamat. Hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon na samahan ako o tanungin basta iniwan ko na agad sya.
Pagdating ko sa loob ng clinic ay halos punuan na ang waiting area. Ganito talaga kasi karami ang naka schedule at mga nagpapa schedule sa faciliy na ito.
Napabuntong hininga ako.
Lumapit ako sa window E at nanghingi ng number for my turn. Sa first line pa nga lang na ito ay halos abutin na ko ng forever sa haba ng pila.
"Ms. Mildred Fe Gozon, right ma'am?" Tanong sa akin nung secretary na naka assign.
"Yes ma'am."
"Can you fill up this form?"
"Sure."
"Alright, this is your number," sabi nya na inabutan ako ng small transparent acrylic plate. Number 118 is written on it.
"Please kindly wait for that number to appear on the monitor so Dr. Smith can attend to your needs," dagdag pa nya tapos ay tinawag na yung kasunod ko sa pila.
Pagtingin ko sa monitor ay number 37 palang ang tinatawag. Halos manghina tuloy ako dahil kinakailangan ko pa palang maghintay ng matagal.
"Dr.Carl Smith," basa ko sa attending physician ko ngayong taon. Nung nakaraan naman ay si Dr. Weyn Brown, at nung first year naman ako ay si Dra.Wilma Kirk.
Ang alam ko ay lima lang silang doctor dito, pero kahit kailan ay hindi pa ako natapat kay Dr. Brich Williams. Sya kasi ang pinka talk of the town. I mean, ang doctor na dinadayo ng mga taga ibang bansa. So I guess, ang mga may karapatang makakita lang sa kanya ay yung mga special lang din.
I sigh.
Whatever.
Kailangan ko lang naman maghintay. No big deal. Pangatlong beses ko na rin naman itong ginawa. At hindi lang naman ako ang gagawa nito pati ang mga schoolmates ko. Dahil ang mga result galing sa clinic lang na ito ang accredited ng school namin.
I look around to look for chair. Kaso hindi pa ako nakaka upo ay kinalabit na agad ako nung babae na kausap ko sa window E kanina.
"Miss Gozon right?" Nakangiting tanong nya sa akin.
"Yes."
"I'm glad I saw you right away," relieved na sabi nya sa akin. "Come on, I'll accompany you to Dr.Williams office. This way ma'am," inform pa nya sa akin.
"Dr.Williams?" Nagtatakang ulit ko. "B-but my number has not been called on the monitor. And Dr. Carl Smith is my attending physician for today," inform ko din sa kanya habang ipinapakita ko yung mga ebidensya na hawak ko.
Baka kasi namali lang sya. Ending nyan ay pareho pa kaming mapahiya.
"Oh no. Let's just ignore that ma'am. Dr. Brich Williams called me and he wants me to let you in right away. So please this way ma'am," mabait na paglilinaw pa nya sa akin.
Nalilito man ako ay sumunod na rin ako. Naglakad lakad kami sa hallway. Wala pang masyadong tao ang nakakapasok sa area na to kaya halos kami lang nung secretary yung naglalakad.
Kung gaano kalakas ang tunog ng heels nya ay ganoon din kalakas ang t***k ng puso ko. Bakit nga hindi? Makikita ko na si Dr. Williams na kung ilang beses lang na feature sa tv at magazines dahil sa galing nya ay hindi ko na mabilang.
Naalala ko pa nga, last year ay sumikat sa school yung classmate ko na name si Dr.Williams ang naka pirma sa medical certification nya. Syempre nakaka inggit man ay hindi na kami nagtaka. Politiko kasi dito sa lugar na to ang tatay nung classmate ko na yon so may kapit sila.
"Dr. Williams, Miss Mildred Fe Gozon is already here," narinig kong inform nung kasama ko sa tao sa loob ng kwarto.
"Let her in," sagot naman ni doc.
So pumasok ako don sa clinic nya.
Doc looks no different on tv or magazine. He really looks good lalo na sa suot nyang laboratory coat. Actually ay mas lamang ang itsura nya na lahing Pilipino kaysa British. Hindi rin sya mukhang 40 years old tulad ng nasa data nya cause he looks younger.
And I admit iba ang dating nya sa ibang doctor na nakilala ko. Siguro dahil sikat nga sya.
When he saw me ay binati nya ako. Then ipinakilala nya ang sarili nya professionally. Nag usap kami tungkol sa kailangan ko sa kanya. So on and so forth.
Since very familiar naman sya sa hinihingi na requirements ng school namin ay hindi na ako nagpaliwanag pa ng kung anu ano.
"Okay, so let's schedule the day of your tests," maya maya ay sabi nya sa akin habang apura ang sulat nya.
Ako naman nagkaroon ng chance pag masdan kung gaano kaluwang at kaganda yung clinic nya. Actually ay puting puti nga ang lugar kaya nga para na kaming nasa heaven.
"Which day you are available? Monday or Tuesday?"
"Monday," agad na sagot ko.
Tapos sulat sulat lang sya don sa reseta nya.
"Alright, it's all done," sabi nya at inabot sa akin yung papel na sinulatan nya. Mabilis nyang ipinaliwanag yon sabay tayo tapos ay tinanggal nya yung coat nya.
Ora mismo ay pumasok yung kasama kong babae kanina at kinuha yung duplicate schedule na ibinigay ni doc.
"So let's go?" Tanong sa akin ni doc nung makalabas na ng clinic yung babae kanina.
Nagulat ako sa sinabi nyang yon kaya hindi tuloy ako nakaimik.
"Actually, I don't really have a clinic right now," inform nya sa akin sabay turo ng signage sa gilid ng pintuan nya.
Doctor is out ang nakalagay don.
"Kaya nga lang, someone called me na pumunta rito for a special person daw. Ako namang si uto uto, nagpa uto sa kanya," natatawang sabi pa sa akin ni doc.
Lalo akong hindi nakakibo sa sinabi nya. Hindi dahil hindi ko naintindihan. Kundi dahil na amazed lang ako sa paraan nya ng pagtatagalog.
"Whatever, just go with me okay? Baka inip na inip na yung taong yon," natatawang sabi pa nya.
Parang kilala ko na kung sino yung taong sinasabi nya pero hindi na ako umepal.
Walang choice na sumama ako kay doc lumabas ng building. Hindi naman kami masyadong lumayo dahil sa isang mini garden lang naman kami nagpunta.
Malayo palang kami ay natanawan ko na agad si Cef na komportableng nakaupo sa may rattan chair. He was having coffee while talking to a british woman na kulang nalang ay kumadong sa kanya.
"Please don't be jealous, that woman is my secretary. I told her not to let Cef get bored kaya siguro inaaliw nyang masyado," biro sa akin ni doc na huminto pa sa paglalakad.
"Why should I be jealous? Okay lang naman po," agad na sagot ko. "Isa pa, kahit ba ano pang gawin nilang dalawa ay wala naman akong paki alam!" Idadagdag ko sana.
Pero dahil pa good girl ako, hindi nalang ako masyadong nagsalita.
"Of course you should be jealous! Aren't you like this?" Tanong ni doc na sinenyas pa ang dalawang daliri nya na nagkakaskasan.
Nung ma-realized ko kung ano ang ibig nyang sabihin ay pinamulahan ako ng mukha.
"I mean you're in relationship with him right?" Paglilinaw ni doc.
Umiling ako.
"Really? Bakit sabi nya kanina ay?" Nagtatakang tanong nya habang nakatingin sa akin. "Anyway, nevermind. Teka sinabi man lang ba nya sayo na magkakilala kami?"
Umiling ulit ako.
"He didn't say anything kaya nga po nagtataka ko kanina kasi bigla nalang ako tinawag," honest na sagot ko.
"Well Cef is my friend. But my brother Romel is closer to him since sila ang sabay na lumaki sa orphanage at sila ang magka edad," inform nya sa akin.
Naalala ko tuloy yung tungkol sa orphanage. Si tito Jaime ko ang nag kwento sa akin na sa isang ampunan lang daw napulot ni daddy si Cef. Sabi nya sa akin ay very ambitious daw ang mga bata na laki sa ganung lugar dahil sabik at salat sila sa lahat ng bagay. Lagi tuloy pinapaalala ni tito sa akin na mag iingat ako sa mga katulad nila.
"Your brother is from an orphanage?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, nawala kasi sya dati at doon sya napadpad. That is why they have been together since childhood. Ako naman, nakilala ko na lang si Cef nung mag aral sya dito," inform nya sa akin.
Hindi na naituloy ni doc ang mga sinasabi nya nung makita nyang nakita na kami ni Cef.
"So are you done?" Tanong nya agad sa amin nung makalpit sya.
"Ikaw, tapos ka na ba?" Malokong biro sa kanya ni doc sabay tingin sa secretary nya na nung makita sya ay umalis na agad.
"What? Silly," Natatawang sagot sa kanya ni Cef. "Pare huwag naman sa harap ni Millie. Sinisiraan mo ko nyan eh," kunyari ay napapahiyang sabi nya sabay tingin pa sa akin.
"Wait, I thought hindi kayo ganito?" Nalilitong tanong nya sa amin sabay senyas ulit ng mga daliri nyang nagkakaskasan.
Itutuloy...