Nagkatinginan sila ni Sy na iisa lamang ang ipinapahiwatig ng mga mata, ‘Saved.’ Ngunit ang kanilang kasiyahan ay agarang napalitan ng pagkabigla at pag-aalala nang bigla na lang nabutas ang pader ng bahay. Malakas na yumanig at nakabibinging ugong ng sasakyan ang pumailanlang sa paligid nila. Agad naman siyang hinila ni Sy upang mailayo sa nagtatanggalang mga debris. Dahil natulala na siya ay muntik pang malaglag ang malaking tipak ng semento sa paa niya. “Tita, ayos ka lang po ba?" Hindi siya agad nakakilos sapagkat hindi pa niya alam kung ano ang nangyayari. Para siyang sira na pakurap-kurap at nakangangang tumitingin kay Sy. “Sy! Baby! Come to Mommy. Chely . . . Hali na kayo. Bilis at bilis na,” anas ni Chelsy na mukhang wala na naman sa sarili. Nakangiti ito at namumungay ang mga ma

