Makalipas ang halos dalawang oras ay nakadaong din sila. She was utterly in dazed subalit pinipilit niyang ’wag magpahalata lalo’t maykasama siyang bata. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya. Baliktad kasi ang nangyari sa loob. Imbes na siya ang umalalay kay Sy, siya pa ang inalalayan nito. Napaka gentleman din nito at halos hindi pa ininda ang sarili masigurado lang na ligtas siya. Nang nasa dock na sila ay pilit din niyang hinahagilap si Chelsy. Ngunit kahit na ano’ng sipat niya ay hindi niya talaga ito makita. Maging si Derrick ay wala rin. Mukha hindi nila kasabay sa pagbaba ang mga ito. “Tita, Z . . . Let's go. Masyado ng malakas ang hangin. Kasama ni Mommy si Derrick. She's still safe with him—hopefully.” “Mas lalo mo naman yata akong pinag-alala, Sy.” Tumatakbo sila habang mal

