Alam niyang mayroong mga camerang naka-monitor sa lahat ng sulok ng ship. At kahit na anong gawin niya ay nakikita ng sino mang nakabantay sa monitoring system. Mas nakumperma pa niya ito nang hayaan lang siya ni Derrick nang magpaalam siyang sa labas na lamang maghintay sa mga ito. Sa kanyang palagay ay walang gagana sa lahat ng mga plano nila ni Chelsy. Mas lumala pa ito nang naunahan sila ni Derrick. Kuyom ang kanyang mga palad habang pinagmamasdan ang karagatan. ‘Talagang tuso ka, Derrick. Mukhang na tunugan mong may pinaplano ako. At si Chelsy talaga ang dinali mo. Pero hindi ako susuko. May maiisip akong mas mabuting paraan.’ “Ano nga ba?” Bumuntong hininga siya at matamang tumitig sa asul na karagatan. Kahit may mga alon ay masasabi niyang payapa naman ito. Hindi rin gaanong mainit

